Nanginginig sa takot ang lahat dahil sa dumadagundong na boses ni Don Miguel. Nanlalambot ang mga tuhod nila.
Sa taas ng successful rate ng mga pasyente na dinadala sa IDS Hospital, nakarating na rin ito sa tenga ng ibang pulitiko at matataas na tao sa lipunan. Kaya hindi maiiwasan na marami ang nagkakainteres dito.
Dahil sa success, naging mabait si Don Miguel sa elite group nya kaya hindi na nya ito masyadong binabantayan, hindi nya akalain na aabuso sila sa kabaitang iyon kahit ibigay na nya sa kanila ang lahat. Hindi na nya tuloy namamalayan na nawawala na ang totoong layunin ng IDS Hope Elite Group.
"Tinatag ko ang grupong ito ng may magandang layunin at yan ay para makatulong sa mga nangangailangan pero bakit naging ganito? Tingin nyo ba sobrang gagaling nyo na kaya dyos na ang tingin nyo sa sarili nyo?"
Bago sya nagtungo dito ay nagimbistiga na sya at marami na syang natuklasan hindi maganda sa mga taong ito.
"Hindi ko akalain na nakakalimutan nyo ang layunin ng elite group ang totoong dahilan kung bakit ko kayo ni recruit!"
Simula kasi ng kumalat ang balita, dumami na ang mga pulitiko at matataas ang katungkulan na kumokontak sa original na elite group.
Hindi kasi sila pinapansin ni Don Miguel kaya sila ang kinokontak.
Nagkakaroon tuloy ng palakasan at mga under the table transaction at mas dumami ang mga importanteng pasyente ng ospital at mas nangailangan ng mas maraming tao, kaya napilitan silang mag recruit.
Sa huli, nababalewala na ang mga pasyenteng tinutulungan ni Issay, ang mga pasyenteng kapus palad at mas nangangailangan ng tulong.
Hindi na sila nabibigyan ng tamang atensyon dahil madalas nilang inuuna ang pasyenteng mas malaki ang binabayad sa kanila at nalaman itong lahat ni Don Miguel.
Ito ang dahilan kaya sya napalusob sa special gathering na ito kahit hindi sya imbitado.
"Wala na kayong respeto sa akin lalo na sa asawa ko!"
"Pwes kung hindi nyo rin naman ako kayang respetuhin bakit ko pa kayo pananatilihin sa elite group? Kung nagawa ko kayong ipasok sa grupo na ito, kaya ko din kayong alisin!"
"Simula sa araw na ito, lahat ng gumawa ng anomalya sa akin ay tinatanggal ko na bilang myembro ng IDS Hope Elite Group! Hindi ko kailangan ang mga taong walang respeto at walang sense of loyalty!"
Tumalikod na ito at iniwan silang nakanganga lahat, wala syang pakialam kung sino ang nagsimula ng lahat ng ito dahil sa tingin ni Don Miguel, pare pareho lang sila, mga basura.
Hindi makapagsalita ang bawat isa sa kanila.
Hindi makapaniwala.
"Paanong nangyari ito, sa isang iglap nawala ang lahat?!'
Tahimik ang lahat nagiisip.
'Papaano nya nalaman ang gathering na ito? Sino ang nagsabi sa kanya?'
'Paano nya nakilala si Eunice?
Bakit sila nagkausap ni Eunice sa elevator?
Magkakilala ba sila?'
'Obviously magkakilala sila, dahil hindi magsasabi ng hinaing si Eunice kung hindi sila magkakilala!'
'Malamang si Eunice ang nagsabi kay Don Miguel tungkol sa special exam na ito!'
"Sya ang dahilan kaya nalaman ni Don Miguel ang lahat!"
Puno ng galit ang mababanaag sa mukha ng lahat. Galit kay Eunice.
Ang hindi nila alam hindi si Eunice ang dahilan kaya nagimbistiga si Don Miguel kundi si Kate.
Sya ang una nilang ni recruit, kaya nalaman agad ni Kate at nagkaroon agad sya ng kutob kaya nagimbistiga sya at ng masiguro na nya, nagsumbong sya kay Don Miguel.
At si Eunice.
Wala syang kamalay malay may mga tao ng galit na galit sa kanya lalo na si Dr. Beatriz Fuentes.
Sumikat sya at tinitingala ng karamihan dahil naging part sya ng Elite Group kaya hindi nya matanggap na basta na lang ito mawawala sa kanya.
'Nakakahiya sa ospital lalo na sa mga subordinates ko pag nalaman nilang wala na ako sa Elite Group! Kailangan may gawin akong paraan!'
Si Dean Vernal ay ganun din ang iniisip.
'Anong gagawin ko pag nalaman ni Madam Chairman Isabel na ma ququit si Eunice? Ibinalita ko pa naman sa kanya kung gaano kahusay ang batang yun?'
At anong pinagsasabi nyang sya ang gumagawa sa trabaho ng mga teacher nya? Humanda sa akin itong si Professor Alex at mga kasama nya, pag ako natanggal sa posisyon ko, isasama ko sila!'
Pati si Prof. Alex na tahimik lang kanina ay kinakabahan na ngayon.
'Hindi ko akalain na ginagawa din pala ng mga bwisit kong co teacher ang ginagawa ko kay Eunice! May dahilan ako kaya ko ginagawa iyon, gusto kong malaman kung hanggang saan ang nalalaman nya! Pero aminado akong sumobra ako at malamang sumobra din ang mga co teachers ko!'
At si Prof. John.
'Kasalanan ko ito, kung hindi ko sinabi kay Prof. Alex at hindi ko sya pinilit na ma recruit sya sa Elite, hindi nya ichachallenge si Eunice! Pinairal ko ang pagiging makasarili ko, sa kagustuhan kong magamit nila ang pagiging genius nila, hindi ko na iginalang ang hiling nilang mag pinsan na mas gusto nila na low profile lang sila!'
'Ngayon galit silang lahat kay Eunice, paano ko ito itatama?'
At si Eunice.
Nasa lobby si Eunice inaantay si AJ habang naglalaro sa cellphone nya ng mapahinto sya sa ginagawa nya at napalingon sa pagbukas ng elevator.
'Ambilis naman ni Lolo Migs!"
Tumayo ito at sinalubong ang matanda.
"Oh apo, andyan ka pa? Asan ang sundo mo? Gusto mo ihatid na kita?"
"Huwag na po Lolo Migs, tinext ko na po sya, papunta na po dito!"
"Si AJ ba ang tinutukoy mo? Ayun oh, nasa kabilang kalye papalapit na dito!"
Sabay turo nito kay AJ na kumaway pa.
"Kung ako sa'yo Ineng itanan mo na yan! Akong bahala sa tatay mo!"
"Lolo!"
"Hehehe!"
"Pero ito seryoso na, huwag kang mag quit ng school dahil lang sa mga walang kwentang teacher mo at pati na yung Dean na yun!
Huwag kang magaalala, simula ngayon wala ng gagambala sa'yo, ang Lola Issay mo ang bahala sa kanila! Basta huwag ka lang mag ququit!"
Napaisip si Eunice. Masyado nga siguro syang nagiging padalos dalos dahil sa init ng ulo nya.
"Opo Lolo Migs, pero pangako nyo po sa akin na hindi ito nyo po ito babanggitin kay Daddy!"
"Apo, kilala mo ang Daddy mo kahit na hindi ako magsalita may paraan yun para malaman nya!"
Nangiti na lang si Eunice.
"Oh sige Ineng, mukhang malapit na ang future mo, maiwan na kita! Hehe!"
"Lolo Migs talaga!"
Masaya silang nagpaalam sa isa't isa bagay na nasaksihan ni Dr. Beatriz na kasalukuyang pababa ng elevator.
'Sabi ko na tama ang hinala ko sa Eunice na yun! Ikaw ang sumira ng lahat!'