webnovel

Ang Nangyaring Gustong Ibaon Sa Limot

Pero hindi yun ang lumabas sa imbestigasyon!

Kung hindi yun sinadya homicide lang dapat ang kaso nya, pero attempted murder ang kaso nya!"

Sabi ni Edmund.

"Dahil yun talaga ang intensyon ni Fidel, ang patayin ang gumawa ng sunog sa Hacienda Remedios na naging sanhi ng pagkamatay ng buong angkan ni AJ.

Galit na galit sya ng malaman ang buong katotohanan pero .... hindi nya akalain na si Jethro ang utak ng lahat!"

"WHAT?!"

"Si Tito Jethro po ang mastermind ng naganap na sunog sa Hacienda Remedios?"

Tumango lang si Ames, hindi nya kayang sambitin ang "OO", nangingilid na kasi ang mga luha nya.

"Teka Ames, sandali lang! huwag mong sabihing si Jethro ang ....?"

Hindi rin matapos ni Edmund ang sasabihin dahil sa tindi ng emosyon na nadarama.

"Oo, tama kayo, ang asawa kong si Jethro ang may gawa ng lahat! Dahil .... dahil .... sa anak naming si Allan! Huhuhu!"

Ohmygosh!"

Nangilabot si Eunice.

"Ibig sabihin ang mga mata ni AJ ..."

Biglang naalala ni Edmund na naoperahan si AJ nung bata pa.

Sa mga oras na ito naramdaman ni Ames na kailangan na nyang ipagtapat ang mga nalaman nya.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang magsalita.

"Bangkay na ng maabutan ni Jethro ang anak naming si Allan sa mga kidnapper nya.

Miyembro sila ng organ trafficking kaya ..... wala na ang 2 kidney, ang puso at mga mata ng bata ng makita nya.

Kinilabutan ang magama ng marinig ito.

"Grabe sila, hindi na sila naawa sa bata!"

Naiiyak na sabi ni Eunice.

"Hindi na ipinakita ni Jethro si Allan sa akin, inilibing na nya ito agad at sinabi lang nyang patay na ito pero hindi nya sinabi ang buong detalye."

Umaagos na ang luha at garalgal na ang boses ni Ames habang ikinukwento ang karumaldumal na sinapit ng anak sa kamay ng mga kidnapper nya.

Pero hindi tumigil si Ames, nagpatuloy pa rin ito sa pagkwento.

"Matapos nyang ilibing si Allan saka nya inumpisahan ang paghihiganti ng hindi ko alam at inuna nya ay si Don Aaron Raquiñon ng Hacienda Remedios!

Walang kamalay malay si Don Aaron na ang pakay ni Jethro kaya nagtungo ito sa Hacienda Remedios ay upang ubusin ang buong angkan nya!"

"Papaano nalaman ni Fidel na si Jethro ang utak ng pagsunog?"

Tanong ni Edmund.

"Dahil ipinagtapat ni Jethro ito sa kanya. Hindi alam ni Jethro na related si Fidel kay Don Aaron at kaya sya naroon ay hinahanap nya ang gumawa ng sunog sa Hacienda Remedios.

Pero si Jethro, wala na ito sa katinuan ng makita ni Fidel sa lugar na pinaglibingan nya kay Allan. Hindi na nya alam ang tama at mali.

Para itong baliw na ikinukwento nya sa libingan ni Allan kung ano ang ginawa nya sa buong angkan ng mga Raquiñon at isinumpa nya sa libingan nito na isasama nya sa hukay lahat ng may kinalalaman sa pagkamatay ni Allan.

Nadinig ito ni Fidel kaya kinompronta nya si Jethro pero hindi nya ito itinanggi.

Inamin nya kay Fidel ang lahat.

Kinilabutan si Eunice sa sinabi ni Ames at umiiyak na rin.

Pero si Edmund .... alam nya ang pakiramdam ng isang ama kaya hindi nya magawang husgahan si Jethro dahil maging sya ay hindi rin tiyak kung ano ang kaya nyang gawin pag nangyari sa kanya ang ganun.

Napuno ng emosyon ang puso ng mag ama pero si Ames ....

Unti unti itong nakaramdam ng kaginhawaan sa dibdib habang ikinukwento ang nangyari.

Matagal na panahon nya rin itong kinimkim na magisa.

'Kailangan tapusin ko 'to!'

Muling huminga ng malalim si Ames bago nagpatuloy. Kailangan nya ng lakas.

"Nung una, plano ni Fidel na patayin ang may gawa ng sunog. Sinundan nya ang huling numero na nakausap ni Don Aaron kaya sya nakarating sa kinaroroonan ni Jethro.

Pero ng malaman nya na si Jethro pala ang mastermind ng lahat, nagbago ang isip nya. Naintindihan nya kung saan nagmumula ang galit nito.

Ngunit ... napansin ni Fidel na wala na sa katinuan si Jethro at hindi na nito makontrol ang emosyon nya.

Sinakluban na ng matinding galit si Jethro!

Nalaman ni Fidel na hindi pa pala tapos ang paghihiganti nito, plano din nyang tapusin ang angkan ng tatlo pang natitirang pamilya na nakinabang sa organs ni Allan!"

"Huh?!"

Gulat ang dalawa.

Buong angkan na ang namatay, kasama na ang ibang kaibigan ni Don Aaron.

Hindi namamalayan ni Eunice na nakasiksik na ito sa ama, napansin ito ni Edmund at inakbayan ang anak. Ganito si Eunice simula pa nung bata kapag nanunuod sila ng nakakatakot na palabas.

Kahit anong mangyari baby pa rin nya si Eunice.

Nagpatuloy si Ames.

"Sinubukan ni Fidel na kausapin si Jethro para tigilan na ang paghihiganti pero hindi na ito nakikinig sa katwiran.

Nang hindi makuha sa paliwanag nagkasakitan na ang dalawa hanggang sa hindi sinasadyang mabaril nya ito!"

"Teka ... diba dalawa ang tama ni Jethro at sa ulo ang isa?"

Tanong ni Edmund

"Oo! Ayaw kasing papigil ni Jethro. Ipinangako nyang isasama nya sa hukay ang lahat kaya yun ang gagawin nya!"

"Daddy..."

Bulalas ni Eunice.

Gusto ng tumigil ni Ames ng madinig si Eunice, nagaalala syang baka natakot nya ang bata.

Pero hindi papayag si Edmund na matapos agad ito.

"Tapos..."

Sabi ni Edmund na hudyat para magpatuloy sya.

Sabay akap ng mahigpit sa anak.

"Kahit may tama, desidido pa rin si Jethro na ituloy ang paghihiganti nya at wala ng makakapigil sa kanya.

Ramdam ni Fidel ang walang katapusang paghihirap ng kalooban ni Jethro at alam nyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak.

Kaya sa huli, hindi man nya gustong gawin pero ....

Huminto si Ames, hindi nya kayang banggitin.

"Hindi matanggap ni Jethro ang nangyari kay Allan, kabiguan bilang ama ang dahilan kaya kahit kailan hindi nya mapapatawad ang sarili nya!"

Itinuloy ni Edmund ang gustong sabihin ni Ames. Naintindihan nya dahil isa rin syang ama.

At tuluyan ng umagos ang mga luha ni Ames.

"Pero, bakit po hindi ipinagtapat ni Tito Fidel ang totoo?"

"Dahil sa pamilya nya!"

Sagot ni Edmund sa anak.

Hindi na magawang makapagsalita ni Ames kaya si Edmund na ang sumasagot.

"Ginawa yun ni Fidel para sa Tita Ames mo at mga anak nya. Ayaw nyang masira ang pangalan ni Jethro at husgahan ang pamilya nito.

Sobra na ang hirap na dinanas nila sa nangyari kay Allan kaya husto na kung mauungkat pa ang tungkol dito.

Ito na lang siguro ang naisip nya na magagawa nya sa kaibigan nyang si Jethro!

Inako nya ng buo ang kasalanan at pinalabas na may alitan sila ni Jethro para hindi maungkat ang buong pangyayari."

Paliwanag ni Edmund sa anak.

Ito ang dahilan kaya sinabi ni Fidel

na gusto na nyang ibaon sa limot ang lahat!

Dear readers,

Malapit na pong matapos ang Novel kong 'My Beautiful .... Me'.

Sana po ay samahan ninyo ako hanggang sa ending.

Maraming maraming maraming thank you po!

trimshakecreators' thoughts
Next chapter