2 LEAVING

Naka upo sa center table na nakaharap saakin si Hajay, hindi mapakali niyang nilalaro ang rubiks cube niya habang nakatingin saakin.

Iniiwasan ko naman ang masamang tingin ng kapatid ko.

Naiinis ito patungkol sa kasal na ako, "Hindi mo man lang ba babanggitin saakin ito Xanthie?" Seryoso ang boses niyang turan. "Wala ka talagang balak?"

Tumingin ako sakanya, ayaw na ayaw niya kay Mama at pagsinabi ko lang na si Mama ang may gawa baka lumala ang galit niya kay Mama.

I don't want that, kahit na ganito si Mama ayaw kong kamuihan namin siya. Kung ang magalit, mainis at iba pa ay ayos pa.

Because at the end of the day, siya parin ang nanay namin and still we should be thankful dahil kung wala talaga siyang pake alam saamin, hindi niya na sana itinuloy ang pagbubuntis saamin.

Kaya hindi narin ako sumagot, hindi ko rin naman alam na kasal na ako.

Huminto ang malikot na daliri ni Hajay sa pagbuo ng rubiks niya at idinantay ang siko sa mga tuhod niya. "Alam ba ito ni kuya Jale?" Tanong niya at napalunok lang ako.

Mapanuri at siningkitan niya ako ng tingin saka niya ako tinaasan ng kilay "Hindi niya alam?!" Hindi niya makapaniwalang turan.

"Shhh.." inilapat ko ang hintuturo kong daliri sa aking labi at napausog paharap para senyasan siyang hinaan ang boses.

"I'll explain soon basta please do everything you can para hindi malaman ni Jale, Hajay" pagmamakaawa ko.

"Pero--

"Hajay naman..." Bumuga siya ng hangin sa ilong niya at humalukipkip habang masama parin ang tingin niya saakin.

"Okay, Xanthie just tell me the truth. Kagagawan ba ito ni Hailey?" See? He doesn't even call her, mom now.

"Hajay she is your mom" pagsisita ko sakanya.

"Really? I don't feel so" turan niya at minatahan ko lang siya.

"Hindi kita makuha Xanthie, sa lahat ng pagtratrato sayo ni Hailey naiisip mo paring dapat natin siyang respetuhin?, Pera lang naman habol niya sa pamilyang ito." Sabi niya at nag init ang ulo ko.

Marahas akong tumayo at lumapit sakanya para tampalin ang bunganga niya, napatikom siya at siya naman ngayon ang sinamahan ko ng tingin.

"Hajay uulitin ko, nanay parin natin siya." Mariin kong turan at nagtitimpi lang siya.

Nagtitimpi siyang patunayan saakin na kahit nanay parin namin siya ay wala talaga siyang kwenta.

I know... Because she's selfish at pera at yaman lang ang mahalaga sakanya at wala nang iba.

Pero anong magagawa namin?

Nagiwas ng tingin si Hajay na masama ang timpla  ng mukha.

"Xanthie..." Rinig naming parehong tawag ni tito John saakin nang tuluyan na siyang makarating rito sa salas.

Napatingin ako kay tito at kinuha naman itong pagkakataon ni Hajay para makatayo.

Napunta  ang parehong tingin namin ni tito kay Hajay ng umalis ito.

"Hajay?" Tawag ko pa pero malalaking hakbang ang ginawa niya at umalis na rito, patungo sa hagdan.

That broke my heart, now sadness overwhelmed me .

Narinig ko ang pagbutong hininga ni tito na lumapit saakin. Nakayuko ang ulo ko nang maramdaman ko naman ang pagyakap ni tito saakin.

I gasp an air and was about to cry when he stop me "Mapapansin yan ng kapatid mo" pagpapaalala niya  kaya pinigilan ko at tumugon sa yakap ni tito.

I never met my real father, pero simula palamang ng magka malay ako nang mosmos palamang  ay si tito John ang nagpakatatay sa tabi ko.

Parang nga siya ang biological kong parent kaysa sa saaking ina.

Im my mother's mistake and that's why she hated me so bad, hindi niya ako ganoong katanggap ngunit tanggap at mahal na mahal naman ako ng pamilya niya.

How rare right? The story is an upside down situation and still Im grateful for it, Im so blessed for having them. For having tito John, Hajay and Jale, whom truly cared for me and treat me as one of there family.

"Urgh, my dearest daughter" tito John cupped my chicks, " I always wanted to have a daughter but  having you was already perfect" that touched my heart  and made me smile.

"And you are a best father, tito" hindi ko nga lang ito tinatawag na dad, papa, o ano dahil ipinagbawal ito ng aking ina.

Nakapikit pa siya na parang nilalasap ang magandang salita at nakangiting malumanay na tumango.

Muli ay napabuntong hininga siya at tinignan ako sa mga mata "forgive me, wala na akong magagawa" I assured a smile at him

"Tito I'll be fine, soon enough makakaalis rin ako. I'll make him devorce me" pagbabanggit ko sa plano ko ngunit may pagaalinlangan sa mukha niya.

Napaiwas siya ng tingin at napahakbang palikod.

"Tito?" Pumamewang siya at humarap sa gilid niya at napatakip ng bunganga.

Hindi ito umimik hanggang sa maya maya ay, "Don't do that..." mahina niyang turan.

"Ho?"

"Never do that Xanthie!" Bulyaw niya saakin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Kasal ka na ngayon. You need to be a perfect wife, iyun ang gawin mo" utos niya saakin habang dinuduro.

Hindi ko maintindihan ang imosyon sa mga mata niya, gusto niya rin ba ako mawala sa pamamahay na ito?

"Tito--

"There's no goddamn reason, Xanthie. Do what I said." At hindi na ako umimik nang sakto namang may maid na dumating.

"Sir, nasa labas na po ang susundo kay ma'am Xanthie. Nandoon narin po sa harap si madam Hailey" turan niya saamin.

Sumenyas lang si tito at umalis na ang maid. "Umayos ka na, aalis ka na" turan nito bago ako talikuran.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Ate! Ate!" Rinig kong sigaw pa ni Hajay mula sa taas, agad akong napapunas ng luha at inabangan siya na makita mula sa hagdan pero mabilis na binalikan ako ni tito at hinila sa pulsuhan.

"Keep moving Xanthie" turan niya dahil alam na alam naming parehong pipigilan lang ako ni Hajay.

"Ate!" I saw Hajay upstairs, his face was terrified, really scared of loosing me.

"Dad wait! Ate!!" Dali dali niyang tinahak ang hagdan pababa pero mas mabilis lang ang paghatak saakin ni tito.

Hajay... He called me ate, really meant how he wanted to make me stay.

Pinigilan ko ang pag iyak ko, he don't want to see me cry and if he does, talagang hinding hindi niya ako hahayaang makalabas sa pamamahay na ito.

Nang makarating kami sa malawak na main door ng mansion at masayang kinakausap ni Mama ang mukhang butler na matanda.

"Arito na pala ang anak ko, Xanthie sige na..." Paguudyok saakin ni Mama at ipaharap sa butler.

"Teka! Ate Xanthie wag kang umalis!" Napahinto ako at malungkot na napatingin sa kapatid ko.

Nakita kong sinalubong siya ni tito at pinigilan "Dad! No!" Nakikipag away siya sakanyang ama.

"Tumigil ka na Hajay, aalis na siya" pagpapahinahon ni tito.

bakas na bakas naman ang sobrang pagkahiya sa mukha ni Mama "U-Uhh pasensya na kayo...." paghingi niya ng paumanhin at bahagyang itulak ako senyales na kailangan ko nang umalis.

I looked at her, rinig ko parin ang pagdi-debate ni Hajay sakanyang ama.

"I think you need to go now..." Turan niya sa butler at tumango ito.

Iginawad ng matanda ang daan kaya nagsimula narin ako ng lakad.

Hindi ko maiwasang tapunan ng tingin ang aking kapatid, naiiyak na siya at magulo na ang buhok.

namumula ang mukha at pinagpapawisan pa, "Bring her back! I'll tell this to Jale!" Nakita kong kwenelyuhan siya kung kaya't napahinto ako dahil sa matinding pag aalala.

Nasa tapat na ako ng kotse at nabuksan narin ang pinto nang may kung anong sinabi si Tito John kay Hajay na may pagkariin habang kwelyu nya parin ito.

"Ma'am?" Napatingin ako sa butler at napasulyap sa loob ng magarang kotse.

Malalim akong napabuntong hininga bago mapatingin sa kapatid ko na napasulyap rin saakin bago siya tuluyang bitawan ng kanyang ama.

What's happened? He stopped, Hajay is letting me go....

Totoo ba ang lahat ng ito? Umaasa akong tatakbo papunta sa harap ko si Hajay pero dahil lang sa narinig mula sa ama ay hinahayaan niya narin ako. Bakit?

Sigh...

This day, I left  perfectly uncleared.

avataravatar
Next chapter