68 Chapter 67 I want you back!

"Yra, anak wag mo ng isama si Xymon sa Trabaho ngayun, iwan mo nalang sya dito sa bahay para hindi ka mahirapan." ani Aling Mercy sa kanya habang inihahanda ang mga babauning gatas at pagkain ng bata.

"Nay pano naman ako mahihirapan eh sanay naman akong laging kasama Anak ko sa trabaho! tsaka isa pa eh nagrerequest yung ina nung batang may party na isama ko si Xymon para daw matuwa yung anak niya!" napapansin ni Yra na mula nung kasalan si Heshi at makita nito si Jion ay biglang nagbago ang kanyang ina, palagi nitong ipinipilit na wag na nyang isama ang bata at sa halip ay iwan nalang ito sa bahay.

"Eh kung sumama nalang kaya ako sa inyo mamaya para may taga alaga ka habang nag aayos kayo don sa party." pilit parin ng nanay niya.

"Nay, mapapagod lang kayo don, kasama ko naman si Sabrina kaya hindi nyo kailangang alalahanin si Xymon!" nakakaramdam na sya ng pagkainis sa ina.

Wala ng nagawa ang nanay niya ng isukbit niya ang baby bag at buhatin ang bata palabas ng bahay nila. Hindi naman sya masamang anak, kaya lang sa twing maaalala niyang ang mga ito ang dahilan kung bakit lalaking walang ama si Xymon ay naaaburido pa rin siya.

"Bebe! may pasalubong ako sayo!" malawak ang ngiti ni Sab ng pumasok sa opisina niya ang kapatid, Iniabot nito ang dalang laruang puzzles sa bata. Sa edad kase nitong dalawang taon ay kakikitaan na ito ng kakaibang talino lalo na pagdating sa mga laruan kaya na nitong bumuo ng picture puzzle at mga wooden lego habang tinitingnan lang ang pattern niyon.

"Love love tita!" sagot ng bata at dinala ang laruan niya sa crib cage at isinarado iyon, ayaw kasi nitong may nakikialam sa kanya pag nagbubuo sya ng mga puzzles niya.

"Kumpleto naba lahat ng kailangan sa party ng anak ni Mrs. Lopez? wala na bang problema?" Si Sab na kase ang pinakikilos niya sa labas ng opisina para may oras sya para sa anak.

"Oo ate, ipinagbilin nya sakin si Xymon isama daw natin mamaya at inaantay ng anak niya." nilingon niya ang anak na tahimik naglalaro.

"Excuse me!" kamuntik ng mapatalon si Yra ng magsalita ang lalaking pumasok sa opisina niya. "Hi!" bati nito sa kanya.

"B-bakit nandito ka?" gulat na tanong niya dito. Automatic na bigla syang napatingin sa anak.

"I just want to see the child, hindi ba pwede?" humakbang ito palapit sa kanya.

"Okey lang naman ang anak ko! bakit kaba nagpunta rito? ano ba talagang kailangan mo?"

"Can't I visit my own son?" napatanga si Yra sa sinabi ni Jion! walang boses na gustong lumabas sa kanyang bibig.

"Ikaw ang tatay ni Xymon?" nabigla si Sabrina sa narinig na parang noon lang nakabawi sa pagkakatulala. "ate?"

Huminga ng malalim si Yra, may magagawa paba sya? kahit naman hindi niya sabihin kay Jion ang totoo ay alam niyang ito na mismo ang gumawa ng paraan kaya sigurado na itong sya ang ama ng bata.

"Since alam mo na pala ang tungkol sa bata bakit hindi mo pa ako diretsuhin, ano ba talaga ang kailangan mo?" mula ng makita nito ang bata nung kasal ni Heshi ay inasahan na ni Yra na mangyayari ang araw na ito.

"I want my child Yra!" walang gatol na sabi nito. "I want what is mine!"

"Jion, hindi tuta ang anak ko! hindi mo pwedeng sabihin sa akin na kukunin mo sya dahil lang sa gusto mo!"

"You're wrong Yra, pwede kong kunin ang anak ko anumang oras ko gusto! at alam kong alam mo yan!" may pagbabanta sa mga mata ni Jion na nagbibigay takot sa buong katawan ni Yra.

Napahawak si Yra sa sintido nya dahil biglang sumakit ang ulo niya, "Alam mo Jion, alam kong wala akong panalo sayo pag pera mona ang kumilos at makukuha mo sakin ang anak ko sa isang kisap mata lang, kaya lang baka nakakalimutan mong ikaw ang kusang bumitaw sakin noon, ikaw ang naunang sumuko hindi ako! tapos ngayun ano bigla kang dadating at sa sasabihin sa akin na you want my child? ano to lokohan?" pinipigil niya ang pagpatak ng luha dahil ayaw nyang magmukhang mahina sa harapan nito.

"Yra hindi lang yung bata ang gusto kong mabawi!" Ipinatong nito ang dalawang kamay sa mesang nasa pagitan nilang dalawa, "pati ikaw, I want you back!"

Para namang nalunok ni Yra ang kanyang dila, nakakatakot ang bilis ng mga pangyayari, wala syang masabi. Napukaw lang ang atensyon nila ng biglang magsalita si Xymon, "Mama finish!" sabay silang napatingin sa batang namimilog ang mga mata sa pagkakatitig kay Jion.

Nilapitan nito ang batang nasa loob ng crib, "Hi!" anito "What are you doing?" he bend his body para magpantay ang mukha nila ng bata.

"Puzzle!" itinuro ng bata ang nabuo nitong larawan.

Nagkatinginan sina Yra at Sabrina! hindi kase basta nagsasalita ang bata at lalong hindi ito sumasagot sa mga taong hindi nito kilala.

"Wow! ang galing mo naman! pwede ko bang tingnan?" sumunod naman ang bata at dinampot ang puzzle na binuo nito. "Wow, si spiderman!"

"Spidey! shink!" pumorma pa ang bata at ginaya ang nakadrawing. Pinalakpakan naman ito ni Jion tapos ay ibinuka ang dalawang kamay nito at inanyayahan ang batang lumapit dito. Kumikirot ang puso nya sa nakikita.

Napalunok si Yra ng walang alinlangan lumapit ang kanyang anak sa ama nito. Kinarga ni Jion ang bata at nilaro laro ito.

"Ate, kailangan na nating pumunta sa party ni Mrs. Lopez, mag aalas dos na." Putol ni Sabrina sa pagtitig niya sa mag ama.

Oo nga pala may event sila at bigla nya yung nakalimutan dahil sa pagdating ni Jion. "Ahm, Sige na Sab mauna kana kina Mrs. Lopez at susunod nalang kami

ni Xymon!" taboy niya sa kapatid.

"Bakit? may trabaho kayo at isasama mo ang bata?" tanong ni Jion.

"Children's party yun at inimbita nila ang anak ko kaya ko sya isasama don." iritadong sagot niya dito.

"Party! mama, party!" pumapalakpak n sabi ni Xymon.

"Can I go with you? please!" napatingin uli si Yra sa kapatid niya, pano ba niya tatanggihan ang lalaking ito?

avataravatar
Next chapter