webnovel

Kabanata 384

Sa Dela Cruz Residence...

"I'm home!" Bungad ni Jacob at hinanap agad ang tita Kelly nya dahil alam nyang day off ito.

"Oh, welcome back Siopao." Sabi ni Keith.

"Eh? Bakit tila po kayo lang ang nandito?"

"Ah, maaga kasi na tapos ang P. E class ko kala ko nga andine ka na kanina pa kung alam ko lang na sundo kita sa school mo."

"Okay lang po at may service naman po kami. Tsaka... bakit po wala sila tita Kelly at tito Kevin? Hindi po ba off sila ngayon?"

"Ah... Oo nga eh nung dumating ako dine walang tao pero may iniwang notes sa ref ang tito Kevin mo na mag malling daw sila ng tita Kelly mo."

"Ohhh... daya di po ako sinama."

Napatingin si Keith sa wall clock at nakita nyang 3:10pm na.

"Mmm... gusto mo bang sumunod sa kanila?"

"Pwede po?"

"Pwede naman pero uuwi rin tayo agad baka kasi magalit ang daddy mo sakin may class ka pa bukas alam mo namang bawal gumala kapag weekdays. Kaya secret na muna natin ito, okay?"

"Opo, opo."

"Sya mag bihis ka na muna baka di tayo papasukin sa Mall kapag nakita kang naka uniform."

"Opo sige po aakyat na po muna ako sa kwarto para makapag palit."

"Sige, sige intayin kita sa terrace."

"Yes po."

Samantala sa Mall,

"Bibigirl ang ganda mo!!! Pwede ka talagang maging model eh." Ang sabi ni Mimay habang nire-retouched yung make up ni Kelly.

Dahil ending ang dapat na si Mimay ang magiging model ni Jelseen ay hindi nangyare dahil masikip yung damit nyang ginawa na nag kasya lang kay Kelly. Hindi naman sa mataba si Mimay pero dahil nga medyo pinagkaitan si Kelly ng "future" not literally speaking (dibdib) eh tamang tama lang sa kaniya ang lahat ng dresses na tinahi mismo ni Jelseen.

"Haysss... ng aasar ka lang eh."

"Luh! Maganda ka naman talaga with or without make up. Right kuya Kevin?"

Kevin nods na bored na bored na halos 8 dresses kasi ang isusuot ni Kelly at nakaka 4 palang na change of dress ito.

"Are you ready na po uli Ms. Kelly?" Sambit ni Jelseen na may hawak na professional camera dahil sya na rin mismo ang photographer ng sarili niyang mga damit at model.

Sa bawat palit ng dress ni Kelly syang paunti-unti namang dagsa ng tao para manood ng "modeling 101"career nito. Dahil nasa mall nga sila talagang naka agaw sila ng atensyon ng mga tao kahit sa isang location lang naman doon sa mall ginagawa yung photoshoot.

Pader lang na parang abstract design ang pinaka background ng photoshoot pero na bigyan ng justice ni Kelly dahil sa pag awra nya at sa magagandang gawang dresses ni Jelseen.

"Ang ganda po ni Kelly ano?" Sambit ni Mimay habang nakamasid sila ni Kevin kay Kelly na kinukuhanan na ng larawan ni Jelseen.

"Yeah..."

"Buti nalang nagsusuot na sya ng mga dress dati po kasi ayaw nya po no?"

Habang nag uusap naman yung dalawa patuloy ang pagkuha ng mga larawan ni Jelseen kay Kelly.

"Salamat kay Patrick nag bago si Kelly."

"Po? Pero di ba po ayaw nyo kay Patrick?"

"Hindi naman sa ayaw pero simula kasi nung na heart broken si Kelly dahil sa pag iwan sa kaniya ni Patrick eh talagang nag bago yang si Kellang."

"Ahhhh... nung umalis po si Patrick papunta ng America?"

"Um. Dahil din dun na depressed si Kelly kaya nag ka sakit buti nga ngayon eh okay naman na sya at di na kailangang mag undergo for pacemaker."

"Opo nga eh masayang masaya po ako para kay Kelly pero paano po si Patrick?"

"Sa ngayon, naka depende nalang kay Patrick ang lahat kung paano nya kukunin samin si Kelly."

"Po?"

"Let's say na nag level up ang expectations nila kuya Kian kay Kelly?"

"Expectations po? Para kay Kelly o kay Patrick?"

"Both? Actually, sakin wala namang problema kung san masaya si Kelly dun ako pero kung sasaktan lang sya nung lalaki... Baka bumaliktad ang mundo."

"Heh! Pag dating po kay Kelly napaka overprotective nyo po ano?"

"You know why?"

"Bakit po?"

"Cause were her boyfriends."

"Eh? Hehehehe..."

"Tita Kelly!!!" Sigaw ni Jacob at narinig yon ni Kevin.

"Jacob?"

"Hmm?"

"Sandali lang... sayo na muna ang mga ito."

Inihabilin ni Kevin ang mga dala nya kay Mimay "si— sige po."

Samanatala sa mall kung nasan sila Kelly saktong andoon rin si Patrick na kararating lang...

"What's going on here?" Ang sabi Patrick kay Johnsen pag pasok nya sa office sa taas ng mall.

"Ah... May nag pho-photoshoot po kasi sa may 3rd floor."

Napansin kasi ni Patrick na ang mga staff nila ay may tinatanaw sa bandang baba at dahil transparent ang pinaka wall doon kita nila ang mga nag daratingan at mga umaalis pero mirror reflection ang makikita sa labas ng office.

"Yo— Young Master..." Ang pahabol na sambit ni Johnsen dahil gusto ring makisilip ni Patrick sa baba.

"Artista ba yung babae o model? In fairness sa kaniya ang galing nyang mag dala ng damit." Sabi nung isang staff na lalaki.

"Oo no, bagay sa kaniyang lahat nung dress, swerte ng bf nya." Sagot naman nung babaeng staff at patuloy silang nagmamasid at nag kukwentuhan.

"Cough! Excuse me." Sambit ni Patrick pero hindi s'ya pinapansin ng mga staff nya na ayaw pa nga syang pasingitin.

"Yo— Young Master ayos lang po ba kayo?" Ang kinakabahan tanong ni Johnsen dahil ramdam nyang galit na si Patrick.

"MOVE!!!" Sigaw ni Patrick at nagulat naman mga staff sa sigaw nyang yon.

"We— Welcome back President." Sambit ng mga staff then they bowed their heads.

"Binabayaran ba kayo para tumunganga?!" Pagalit na sambit ni Patrick.

"Hi— Hindi po President." Sabay-sabay na sagot ng mga staff na still bowing their heads.

"You! Boy with blonde hair lumapit ka dito."

Yung lalaking tinutukoy ni Patrick yung nagsalita kanina na nag complement kay Kelly.

"Pre— President..."

Medyo malayo pa kay Patrick yung lalaki dahil nga kinakabahan ito.

"Do you think I have a contagious disease?"

"N— No Sir."

"LUMAPIT KA PA!!!"

"O— Opo Sir. So— Sorry po President."

At pandalas na yung lalaki na lumapit kay Patrick na nanginginig pa.

Patrick sighed "can you just relax? Hindi kita kakagatin."

"So— Sorry po."

"Anyways, tell me everything about the commotion over there na pinagkakabusyhan nyo."

"So— Sorry po Sir."

"Enough with the sorry thingy kapag di ka pa tumigil tatanggalin ko kayong lahat! Just answer my question that's it!"

"Sor... Ahm... the thing is may random girl po sa 3rd floor na nag pho-photoshoot at ang sabi po para daw po yun sa project ng isang college student."

"Ohhh... that's all?"

"Ye— Yes Sir."

"How about the name of the random girl and the college student? Who are they? Ipinaalam ba nila sa admin yung gagawin nila?"

"Yes Sir at wala naman pong naging problema ang sabi po kasi kakilala ni Lady May yung random girl at yung College student."

"Hmm? Johnsen."

"Young Master."

"Do you know about this?"

"Hindi po."

"Bring my telescope here."

"Opo."

Pagkakuha ni Johnsen ng telescope ni Patrick sa mismong opisina nito...

Kinakausap parin naman ni Patrick yung lalaking blondie at pinabalik sa kani-kaniya nilang desk yung ibang staff. "Yes po Mr. President halos wala pa pong 30minutes nung nag start ang photoshoot."

"Young Master eto na po ang telescope nyo."

Isang monocular telescope na retro pirate style ang gamit ni Patrick na telescope.

"Hmmm?" Ang reaction ni Patrick at napa doble pa nga sya ng tingin dun sa telescope.

"Young Master?"

"Kurutin mo nga ko?"

"P— Po?"

"Hindi naman ito panaginip di ba?"

"Hi—- Hindi po. May problema po ba ang telescope nyo? Gusto nyo po bang kunin ko yung malaki?"

"No need. Let's go down there."

"Po? Pero Young Master may online meeting po kayo kay Mr. Chavez

at 15minutes nalang po magsisimula na."

"It's okay before the meeting babalik tayo dito. I just wanna greet the girl from the photoshoot baka kailangan rin ng photographer ng male model."

"Young Master?"

"It's her! I need to see her. Let's go!"

"Her? Si— Sino po?!!! Young Master wait up!!!"

At the same time sa 3rd floor,

Nakwento naman ni Kelly ang mga nangyare kila Jacob at Keith kung paano sya nag end sa pagiging model.

"Tita Kelly bagay po sa inyo ang bohemian look."

"Hmmm? Bo...he... ano?"

"Yang suot mo Ms. Kelly yan po ang bohemian attire it's like "billowing dresses and soft, flowing tops" and it turned outs na parang pwede na po yan for garden party nyo if you like po."

"Really? So pwede na ito?"

"Yes Miss, may isa pa po pala ko nyang ganyan pwede po n'yong pag pilian. Sandali po at kukunin ko."

"Oo bibigirl bagay sayo ang ganyan comfy pa." Opinyon ni Mimay.

Nakisingit naman si Keith "sandali, anong garden party? Bakit di ko ata alam yon at bakit wala akong invitation?"

Kevin sighed "tol, malamang hindi mo kilala yung may birthday kaya wag ka ng mag taka kung bakit di mo alam."

"Bakit sino ba yon? May bago ka bang friend o bagong na tauhan sa café mo na di ko kakilala?"

"Kuya chill, it's just a business partner of our café." Sagot ni Kelly habang nilalagyan sya ni Mimay ng head accessories to complete her bohemian look.

"Huh! Sinasabi ko sayo Kelly kung si Patrick yung may birthday wag ka ng pumunta sayang lang ang effort mo magagalit si kuya Kian at kuya Kim sinasabi ko sayo. Pumayag lang kami na maging mag business partners kayo dahil..."

"Tama na tol. Hindi si Patrick ang tinutukoy nya isa yung 80th birthday party." Sambit ni Kevin.

"Ha? 8... 80? So, Senior na yung may birthday?"

"Oo kuya ang oa mo kasing mag react mabait kasi sakin si Mr. Pacheco actually dapat nga mag pasalamat ka pa eh kasi nagustuhan nya ang mga pastries ni ate Faith. Kaya natin sya naging business partner."

"Eh????"

"Um. Kaya wag ka ng mag reklamo dyan."

Samantala nakamasid lang si Patrick dun sa mag ka kapatid na di alam nila Kelly.

"Young Master? Bakit hindi po tayo lumapit?"

"No need, baka masira ko lang ang mood dito."

Masaya na si Patrick na makita ng nakangiti si Kelly habang nakikipagbiruan sa mga kuya nito.

"Young Master, I think you really admire Ms. Kelly badly."

"Hmm?"

"Kasi kung ako po ang nasa kalagayan nyo gagamitin ko ang mataas kong position para lang makalapit sa kaniya."

"Huh! Why should I do that? That's not my way of bringing her back to me. Ayaw ni Kelly ng commotion gusto nya low key. Sya kasi yung tipo ng taong "introvert" pero pag nakilala mo na "extrovert" pala pero still andun pa rin yung "awkward" na feeling kapag naging malapit ka sakaniya. Kaya siguro na sabi mong I admire her. Maybe because I look up to her as my Michelin Star."

"Michelin Star?"

"Tsk! Just search it! Let's go I have a meeting to attend."

"Ye— Yes Young Master."

Habang naglalakad naman pabalik sa office sila Patrick napalingon si Kelly sa direksyon nito.

"Hmm? Patrick?" Pabulong na sambit ni Kelly.

"Miss? Do you have something to say?" Sagot ni Jelseen na napahinto sa pagkuha ng larawan kay Kelly.

"No— Nothing. Let's proceed so we can finish this thing early."

"Okay Miss."

What’s up geysh? Kamusta po kayo? Sana nagustuhan n’yo ang update ko. Don’t forget to read my other 2 novels. Thankies! ^_^

.

.

.

• Chasing Her Smile

• PRIDE of Friendship

lyniarcreators' thoughts
Next chapter