1 Prologue

"Alam mo maganda ka naman pero bakit hindi mo subukan mainlove ang tagal mo na kayang single" panimula nitong kasama ko si Jv.

Saglit ko syang tinitigan at hindi na sya sinagot pano ko ba naman sasagutin iyon wala naman magtakang ligawan ako kasi sa paningin nila simple lang akong babae.

Oo mayaman rin kami katulad nila Jv pero hindi porket mayaman at kilala kami habulin na ako ng mga kalalakihan siguro naboboringan sila sa'kin kasi ganito lang ako.

Si Jv bestfriend ko na yan bata pa lang kami at kilalang kilala na n'ya ako at ganon rin ako sa kanya pero sobrang dami namin differences kung siya habulin ng mga babae ako eto mas gustong nasa loob lang bahay walang pake sa mga nakapaligid sakin.

Wala rin akong sapat na kaibigan tanging mga kaibigan ko lang sila Jv pati yung mga kaibigan n'ya sila lang yung nakatanggap sakin ng buo at tinanggap yung personality ko.

"Ivy ano na? Ire-reto na ba kita? Para naman maging masaya yang buhay mo lagi ka na lang mag isa eh lagi ka na lang to the rescue sa lovelife ko"

To the rescue pano ba naman sa pagiging mapagmahal ni jv sa mga ex nya halos kapag ibre-break na sila ni Jv laging nagtatangkang magpakamatay kaya ako as Bestfriend nya to the rescue na sa kanya.

"Alam mo Jv ang daldal mo bakit kaya di mo puntahan yung kapatid mo noh? Nang may nagagawa ka naman sa buhay mo" sagot ko na lang pag kasama ko sya pakiramdam ko tanggap ako ng lahat.

"Sige sama ka sa'kin para naman sumaya ka at sumaya rin si biik miss ka na n'ya for sure"

Sumama na lang ako sa kanya at tama naman sya yung kapatid nya kasi pinaka close ko sa kanilang lahat wala na akong ibang hihilingin pa ang babait ng mga kaibigan ko.

Ako si Ivy na isang Simpleng babae na minsan nag hahangad rin mahalin ng tapat at totoo mangyayari pa kaya iyon sa'kin? Makakatagpo kaya ako ng isang Mr. Lover na magpapatunay na may kayang seryosohin ako?

Next chapter