webnovel

Chapter 1:

Meeting a New Friend

Elena's Point of View:

Hay! Panibagong araw na naman! Nakakatamad na pumasok ah! Kainis! Bakit ba hindi ako biniyayaan ng talino? Hindi tulad ng mga kuya ko? Tsk.

(・o・)

Baka ampon ako?

('◉⌓◉')

Pero kamukha ko si Mama e, kaya imposible! Magkakaiba lang siguro protein arrangement namin kaya ganon! Tsk.

ᕙ(͡°‿ ͡°)ᕗ

Saan ko nakuha yun? Syempre! Yun ang sabi ng teacher ko dahil kapag kinompara daw kami ng mga magulang namin, sabihin daw yun! Hehe!

୧(^ 〰 ^)୨

So yun na nga! Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school namin dahil ayoko naman magjeep kasi mainit! Tsk! Tsaka malapit lang naman school namin sa bahay, hehe. Katapat lang hehe.

(✿^‿^)

Habang naglalakad ako, pinag-uusapan nila ako! Tsk! Palagi naman e! Sikat kaya ako dito sa school namin hehe.

→_→

Sikat kasi ako dahil anak ako ng may ari ng school! Hehe! Yaman namin no? Tsk! Inggit kayo no? Syempre! Hahaha!

←_←

De, charot lang hehe. Di nga kami makabili ng sariling bahay, school pa kaya? Edi wow! Haha! Tsaka hindi rin nila ako pinag-uusapan. Wala kayang pumansin sa akin dito sa school na to! Tsk!

(´⊙ω⊙')

Hayyyy, sana naman ilipat na ako ni mama ng school! Hehe!

ƪ(˘⌣˘)ʃ

"Hi Elena! I miss you!" Sigaw ng hindi ko kilalang boses pagdating ko sa tapat ng room kaya napatigil ako. Badtrip naman oh, tsk.

O_o

Hindi naman ako pinapansin ng mga 'to ah? Bakit may pa hi-hi pang nalalaman, aber? May I miss you pa! Tsk!

¯\_(ツ)_/¯

"I miss you mo mukha mo, sino ka ba?" Tanong ko kaya agad nawala ang ngiti niya at agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Lagot! Haha! Patay ka, Elena!

:-!

"Excuse me? You're asking me kung sino ako? Don't you know who I am?" Tanong niya kaya agad nalukot ang mukha ko, tanga ba to? Malamang tatanungin ko kasi hindi ko siya kilala! Bobo naman ee! Tsk!

ರ╭╮ರ

"Ay hindi, teh! Magbestfriend nga tayo diba? Magkatabi tayo sa tiyan ng mama ko nung baby diba bago ilabas?" Sarkastikong sabi ko, baliw naman nitong kausap kong to, tsk.

>.<

"Ha! Ako lang naman ang queen bee dito! Tapos hindi mo ako kilala? Are you crazy?!" Iritadong tanong niya kaya naman nginitian ko siya.

^_________^

"Hindi.." sagot ko at sasagot na sana siya pero nagsalita ako ulit "..hindi ako baliw pero bobo ako hehe." Proud na sabi ko sabay taas baba ng dalawang kilay ko.

^_^

Queen bee? Reyna ng mga bubuyog? Hala! Baka lusubin ako ng mga kapwa niya bubuyog! Please! Hindi po ako honey!

(*・~・*)

"Ugh! Baliw!" Sagot niya sabay talikod sa akin. Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya! Slow ba to? Tsk! Mga tao nga naman!

-ᄒᴥᄒ-

"Hoy! Sabi nang hindi ako baliw kasi nga bobo ako! 'Di mo ba magets yun, ha?!" Sigaw ko sa kaniya at huminto naman siya saglit. Pero nagpatuloy pa rin habang napapailing iling. Tsk.

(-.-)

Seryoso? Bobo din ba siya? Hindi kasi alam pinagkaiba ng bobo at baliw eh! Tsk!

(^0^)

Pagpasok ko ng room, as usual, walang pumansin sa presensya ko! Kapagod tong life ko! Sana may pumansin naman sa akin dito! Tsk!

:'(

Pagkaupong pagkaupo ko, dumating naman ang teacher namin! Ang bait nito, promise! Hindi kasi niya ako tinatawag tuwing recitation eh! Hehe! Galing no? Tsk.

( ꈍᴗꈍ)

Tumayo kaming lahat para batiin siya, "Good Morning Mr. Del Mundo!" Sabi nila pero hindi ako nakisali kasi naman ang nabibigkas ko parati, Del Menudo!

(--,)

Lagi tuloy ako iniirapan ni Sir! Bading ata to eh! Hehe! Bibigyan ko siya make-up mamaya, kukuha ako sa bag ni ate Elyse hehe! Kaso baka mahuli niya ako, tsk.

(◔‿◔)

Nagklase na si Sir, Values ang tinuturo niya pero panay lang siya sulat sa board tapos aalis na! Ang galing no? Akin nalang sana sahod niya! Tsk!

(-.-)

Nung sumunod na klase, ito na! Ito na pinakaayaw ko! Kasi naman science eh! Kung ano ano tinatanong eh hindi ko alam. Tsk!

( ̄ヘ ̄;)

"Who discovered the first law of motion? Anyone?" Tanong niya sa aming lahat. Hay! Pustahan, walang magtataas ng kamay dito! Kaya ako pagdidiskitahan ni Sir! Hays! "Ms. Bautista?" Tawag niya! Tsk! Kako na nga ba!

(─.─||)

Sabi na eh! Tsk! Kakaasar naman eh! Sino ba siya ha? Tsk naman eh! Wala akong magagawa nito kasi naman! Natry ko na kasing hindi sumagot kasi hindi ko alam sagot sa tanong niya tapos pinagalitan agad ako! Tsk!

(눈‸눈)

Malay ko ba kung ano ang shape ng Earth?! Tsk!

ಠ︵ಠ

Wala akong nagawa kaya tumayo ako at ngumiti ng medyo naiilang. Hindi ko kasi alam ang sagot ulit sa tanong niya! Huhu! Tsk!

ಠ_ʖಠ

"Uhm? H-hindi ko po a-alam sir.." sagot ko nalang tsaka nagtawanan mga kaklase ko! Tignan mo to, pag may pagkakamali saka lang ako papansinin! Tsk!

⊙﹏⊙

"But that's a very easy question, Miss Bautista."

ಠᴥಠ

"Eh sir, sagutin mo nalang po. Madali lang naman diba?" Nakangiti, inosente kong tanong.

(╬☉д⊙)⊰⊹ฺ

"Sitdown!" Sigaw niya kaya naman dali-dali akong naupo, mahirap na! Baka magalit ang tigre! Hehe! Tsk, tsk!

(눈‸눈)

Nagklase na si Sir tapos nakikinig ako kunwari pero may isang pumasok sa isip ko habang nagdidiscuss si Sir.

(☉。☉)

Isaac Newton pala yung sagot sa tanong?

ԅ( ͒ ۝ ͒ )ᕤ

Patayin ko na kaya to si sir? Alam naman pala niya ang sagot tapos nagtatanong pa, hindi siguro sigurado! Hay buhay! Tsk!

=_=

Pagktapos ng Science Class, nagbell na. Breaktime na pero hindi ako bumibili dahil ang daming tao sa Canteen namin dito! Bakit ba kasi ang liit ng school namin?

→_→

Namin teh? Wala kang school, ulol!

(・o・)

Tsaka kapag pumasok ako at makikisiksik doon, baka magkavirus pa ako or baka kapag dumikit ako sa kanila, baka madikitan ang makinis kong balat ng rocky road! Haha!

✧\(>o<)ノ✧

Hoy teh! Huwag ka assumera! Hindi ka naman makinis! Daldal mo!

('◉⌓◉')

Sino ba nagsasalita sa isip ko? Badtrip naman! Sino nakapasok diyan? Ngayon ko lang alam na pwede pala tao sa isip! Pasok kaya ako sa isip ni crush?

(((;ꏿ_ꏿ;)))

Luh, baka mukha ko lang makita ko sa isip ni crush hehe, wag nalang.

(◕ᴗ◕✿)

Pag-alis ng mga kaklase ko, nilabas ko na ang mahiwagang...

(ノ゚0゚)ノ~

Tinapay!

(θ‿θ)

Tinapay lang walang palaman hehe.

(◠‿◕)

Binuksan ko na tapos kinain ko syempre alangan itapon ko edi nasayang, tsk!

(/¯◡ ‿ ◡)/¯ ~ ┻━┻

Pagkatapos ko kumain, hala! Math na! Omygod! Eto na naman si problems na walang magawa sa buhay! Hay naku!

¯\_(☯෴☯)_/¯

"Good morning Mr. Segundo!" Bati namin, nakisabay na ako kasi hindi naman ako nagkakamali sa pangalan ni Sir e. Pero nagtataka ako..

¯\(°_o)/¯

Bakit kaya Segundo? Pwede bang Hour? Hours? Day? Days?

(✷‿✷)

"Bring out your Workbook, now!" Sigaw niya kaya dali dali kaming kumuha sa bag. "Page 78!"

(。•̀ᴗ-)✧

Nilipat lipat ko na yung page, kaso wala. Hala! Anyare? Bakit wala akong 78? Sa card meron, pero bakit sa workbook wala?

<( ̄︶ ̄)>

Hala lagot ako kay Sir Segundo!

(´-﹏-';)

"S-sir w-wala po a-akong page 78.." sabi ko na utal utal tapos binuklat buklat pa yung libro kaso wala eh!

(●´⌓'●)

"Wala? Hmm let me check, Ms. Ba-u-tis-ta.." grabe, kailangan syllable by syllable? Tsk! "Meron naman ah."

(((;ꏿ_ꏿ;)))

Pagkasabi niya nun, tinignan ko yung libro pero kahit saang angulo tignan, wala talaga!

(⑉⊙ȏ⊙)

"Bobo! Baliktad kaya hindi mo makikita! Apakabobo mo naman!" Sabi ni sir! Kaya binaliktad ko kaagad yung book at hinanap ang page 78! Nakita ko na! Hehe!

(. ❛ ᴗ ❛.)

Nagthank you ako kay Sir tapos bumalik na sa upuan ko. Binasa basa ko yung nakasulat pero wala akong maintindihan! Huhu!

♪~(´ε` )

Grabe si sir! Nagtanong lang kanina e! Lakas makainsulto eh no? Alisin ko kaya make up niya? Kita ko kasi siya kahapon walang make up tapos mukhang tambay haha!

ƪ(‾.‾")┐

Bakit ba kasi puro lalaki teacher namin sa umaga? Tsk!

→_→

"Problem Number One! Basic ito ah! Ang hindi pa makasagot, palalabasin ko na! Answer it on the back page of your workbook!" Sigaw niya kaya nilipat ko sa likod yung page.

(☞ ಠ_ಠ)☞

Bakit blanko ito? Madaya ah! Binayadan namin kaya ito! Sayang! Ang mahal pa naman..

←_←

..kita.

(✿ ♡‿♡)

Yie! Kinikilig siya hehe!

♡(> ਊ <)♡

"There are four baskets full apples! Each baskets has 78 apples! If you will get the sum of all, what would it be?!" Sigaw ni sir kaya dali dali akong nagsolve.

<( ̄︶ ̄)>

Nasolve ko siya! Hehe! Ang dali lang pala eh! Ngumiti ako kay sir pagkatapos kong magsolve kasi sigurado ako sa sagot ko hehe!

(~ ̄³ ̄)~

"Oh Ms. Bautista, may sagot ka?" Nang-aasar ang tono ng pananalita ni Sir. Kaya tumango ako habang ngiting ngiti.

(人 •͈ᴗ•͈)

Magbabagong buhay na ako pagkatapos nito tapos ibibili ako ni mama ng maraming gamit kasi ang galing galing ko! Tapos tapos maraming gudgets kaya yung iba, ibebenta ko. Tapos patatayuan ako ng bahay ni Papa, yung sinlaki ng Mall dito sa lugar namin. Kaya yun! Kailangan matama ko 'to! Hehe!

ෆ╹ .̮ ╹ෆ

"Dahil may sagot daw, for the first time, si Ms. Bautista, answer the problem on the board!" Hilig naman sumigaw ni Sir? Hehe, 'di bale iisipin ko muna makukuha kong award bago yang kabaliwan ni Sir hehe.

。◕‿◕。

Tumayo ako at pumunta sa harap. Kumuha ng white board pen at nagsulat sa board.

( ꈍᴗꈍ)

78-78-78-78=0

(◍•ᴗ•◍)

Yan ang nilagay ko sa board. Galing ko no? Sum daw eh! Edi SUbtraction hehe. Malapit lang kasi e. Galing ko talaga!

( ´◡‿ゝ◡')

Tapos na ako tsaka ko nilingon si Sir ng ngiting ngiti pero agad ding nagbago nang makita ang expression ng mukha niya, hala!

(●__●)

Nakataas ang isang kilay habang nakahalukipkip at nakacross legs. Bading hehe.

>.<

"Sir! Tapos na! Galing ko po diba? Hehe! Sir sama niyo na po ako sa contest tapos bibigyan ako ni mama ng mara--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagkakasalubong ng kilay ni Sir!

(●__●)

Halos wala ng pagitan! Hala!

(((;ꏿ_ꏿ;)))

"Mali! Sum! Sum sa addition! I can't believe it! My god! 3rd year ka na, Elena! Ang dali dali tapos hindi mo alam?! Tsaka kung sinubtract mo yan, hindi 0 ang sagot! Negative dapat! Hay naku! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Hirap mong turuan, napaka bobo mo!" Sermon niya sa akin kaya dali dali akong bumalik sa upuan at tumungo.

ರ╭╮ರ

Feel ko iiyak na ako. Grabe kasi. Aminado naman ako e, bakit kailangan pagsigawan? Tsk! Bahala siya diyan! Papaturo ako kay Kuya Elton! Hmp!

┌(・.・)┘♪

"Uy girl, okay ka lang?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae. Transferee ata to kaya hindi alam na hindi ako pinapansin ng iba. Ngayon ko lang din siya nakita eh.

ヾ( ͝° ͜ʖ͡°)ノ♪

Pwede palang lumipat kahit gitna na ng first quarter? Hmm..

♪┌|∵|┘♪

Maganda siya, sana all. Ang haba ng pilikmata niyaaaa!! Medyo manipis yung pinkish niyang lips at hindi naman ganon katangos ang ilong. Tapos may napansin ako sa mata niya!

(⑉⊙ȏ⊙)

"Hala ka! Bakit green mata mo?! Hala ka!" Sigaw ko sa kaniya.

\(◎o◎)/

"Haha, your're funny. May lahi kasi ako kaya ganito yun." Sagot niya kaya tumango ako kahit medyo naguguluhan.

⊙.☉

Kapag kaya may lahi din ako pwede kong isuggest ang violet or pink eyes? Hmmm..

(。•̀ᴗ-)✧

"By the way, my name is Chelsea Wilberts. Transferee ako, galing sa CIS. Ikaw? What's your name?" Pakilala niya. Ang bait nito! Wuho! May kaibigan na ako, yey!

(. ❛ ᴗ ❛.)

"Hello, Chelsea. Ako si Elena, Elena Bautista hehe." Pakilala ko rin pero hindi ko na sinabi kung saang school ako galing kasi dito rin lang naman eh hehe.

(ㆁωㆁ)

Pagkatapos ng mga klase sa umaga, nagbell na naman kaya tumayo na ako para pumunta sa usual spot ko dito sa school para kumain hehe. Inayos ko muna syempre yung mga gamit ko.

( ꈍᴗꈍ)

Aalis na sana ako pero hinawakan ni Chelsea yung palapulsuhan ko kaya taka ko siyang nilingon. "Bakit?"

(•‿•)

"Kasi.."

¯\_(ツ)_/¯

"Kasi?"

乁| ・ 〰 ・ |ㄏ

"W-wala akong kasabay mag lunch. Pwede pasabay? May baon din ako e, hinanda ni Mommy.." nakatungong sabi niya kaya naman nginitian ko siya ng malapad at hinila na para makapunta kami doon.

<( ̄︶ ̄)>

"Dito na tayo kumain, tahimik dito e. Tsaka wala masyado tao." Sabi ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa isa sa mga bench dito sa likod ng building. May garden kasi dito eh.

(人 •͈ᴗ•͈)

"Sige, tara kain na tayo. I'm hungry na e."

(✷‿✷)

Habang kumakain, nag-uusap kami ng tungkol sa mga namissed niyang subject dito.

(・∀・)

"Ah home schooling ka noon?" Tanong ko, medyo nagtataka dahil hindi ko magets, tsk.

O_o

"Yep, actually since Elementary pa. Ayaw kasi nila mommy na maki-interact ako sa iba because they might have virus daw e, tsh. Pathetic." Medyo naiirita niyang sabi. Hmmm? Tsk.

(0.0)

"Paano yun? Sa bahay ka nag-aaral? Hmm?  Sana ako din!" Masaya kong wika. Ang ganda kasi diba? Pwede kang mag-aral sa bahay tapos kapag tinatamad ka na, pwede ka na matulog. Ang galing! Tsk, tsk.

*Palakpak*

"Duh, mas maganda dito noh."

(-.-)

"Teka, bakit CIS ang sinabi mo kanina na pinanggalingan mo nung nagpakilala ka? Takang tanong ko. Kasi diba? Sabi niya, CIS siya tapos malalaman ko sa bahay lang pala siya nag-aaral. Tsk.

(π_π)

"Uhm, that, trip ko lang."

(+.+)

"Ang lakas ng trip mo eh no? Tsaka bakit public school ka nag-aaral?" Ay mali ata tanong ko. Kaya nga siya da bahay nag-aral kasi wala siyang pambayad sa mga fee dito sa school. Tsk.! Ang bobo mo talaga, Elena!

(-.-)

"Uhm kasi si Mommy lang naman ang against sa pag-aaral ko sa school. Si daddy, gusto niya talaga magkaroon ako ng friends. Matagal before they decided na dito ako. But I'm happy. Haha!" Sagot niya.

*Tango, tango*

Magsasalita na sana ako pero may lalaking bigla nalang nakikagat sa pagkain ko!

ಠ︵ಠ

OMG!!

(>0<;)

Tinignan ko ng masama yung lalaki. Teka, lalake?

(☉。☉)!

Ang pogiii!!!

--