webnovel

Chapter 1

JOSHANE'S POV

Maaga akong gumising kasi first day of school.. Di naman kalayuan ang tinutuluyan ko sa school namin bale walking distance lang sya.

Kumain lang ako ng breakfast then after that umalis na ako.

Habang naglalakad ako muntik na akong mahagip ng humaharurot na kotse. Sa gulat ko muntik na akong mapasigaw. Sino kaya ang mayabang na yun? Pumasok sa gate ng school namin so meaning estudyante sya dun. Wala naman kasing Profesor na naka ferrari ang kotse eh.

Pag pasok ko sa gate nakita ko ang ferrari na naka park sa reserved parking kung saan parking space yan ni Harley, ang mayabang at supladong anak ng may ari ng school nato. Nagtama ang tingin namin pero hindi ako nag bawi ng tingin. Naiinis ako sa kanya dahil muntikan na niya akong mahagip kanina pero tila yata wala siyang balak mag sorry sa nangyari kanina.Well, anu pa ba ang ineexpect mo sa isang anak mayaman na pamilya niya ang may-ari ng school na to? Wala! Kaya imbes na ngumiti sa kanya just like what the other girls do kapag nakikita sila, but instead i did the opposite, inirapan ko lang siya. The nerve!

" Joshane, ke aga aga di ma drawing ang mukha mo. Anu ba nangyari?" Si Celine ang bestfriend ko.

" Naku Celine, muntik na akong masagasaan ng mayabang na anak ng may ari ng school na to kanina. Kakapang init ng dugo! " Nakabusangot ako habang nagkukwento sakanya.

" Alam mo naman na mayabang yun, di kapa nasanay." Hinawakan nya ako sa kamay para lumakad na papunta sa bulletin board.

Chineck ko yung schedules ko doon kasi doon namin pwedeng makita kung anu ang mga subjects namin.

Habang kinokopya ko ang schedules ko ng may biglang bumangga sa kamay ko dahilan para mahulog ang hawak kong notebook.

" Paharang harang ka kasi sa dinadaanan ko. Buti nga sayo! " Sabay smirk ng antipatikong Harley.

Sa sobrang inis ko di ko napigilan sarili ko at tinarayan ko na sya.

" Hoy antipatikong nilalang, ang lapad lapad ng hallway para mabangga mo pa ako. Ang sabihin mo sinadya mo akong banggain." Talak ko sakanya.

" Aba't sumasagot kapa ha?! Di mo ba kilala kung sino ang nasa harap mo? Ako ang may--."

" Ikaw ang may ari ng school na to?! Oo alam ko at di ako tanga. Baka nakalimutan mo na muntik mo narin akong mabangga kanina sa daan.. " Putol ko sa sasabihin nya sana..

" Kung nakatingin ka sana sa dinadaanan mo di ka sana muntikang mahagip. And stop shouting in front of my face. You're so annoying. " Naiinis nyang sabi sa akin.

Riiinnnnggggg.. Riiiinnngggg

Time para sa first subject namin.

" Watch out megaphone lady, we're not done yet. Magkukrus pa ulit ang mga landas natin. " Nag smirk lang sya sabay talikod sakin.

"As if i'm scared. " Sabi ko sabay hila sa kamay ni Celine.

" Ang tapang mo te, nakalimutan mo na yata kung sino ang binangga mo? Siya lang naman ang may ari ng school nato slash heartthrob ng bayan slash leader ng GForce slash sikat sa school at kinakatakutan ng lahat." Nakapameywang na sabi ni Celine.

" Wala akong pakialam kung siya pa ang may ari ng school nato. Hindi naman tama yung ginawa niya kanina at pinagtanggol ko lang sarili ko. Masama na ba yun bez?" Asar kong sagot kay Celine.

" Bahala ka bez, nawarningan na kita kaya if i were you di ko hahayaang mag krus landas niyo ni Harley kung ayaw mong maging miserable ang last 2 years mo dito sa school." Payo ni Celine sa akin.

" Hay naku, bahala na si batman at superman sa akin. Kung kelangan kong lumaban edi go. Wala siyang karapatan na apihin ako kung wala sya sa lugar." Himutok ko kay Celine.

" Tara na nga sa room natin baka ma late pa tayo." - Celine

Sa classroom..

Naka upo na ako sa upuan ko at naghihintay na lang sa pag dating ng prof ko ng biglang lumapit si Tricia sa akin.

" Ang kapal talaga ng mukha ng isang tao dito.

Sinasagot sagot niya lang si Harley ko. Bakit Joshane, afford mo na bang magbayad ng tuition fee dito at kung makasagot ka sakanya akala mo kaya mo na? Baka nakakalimutan mo si Harley ang nagpapaaral sayo dito.." Tricia ang mataray at spoiled brat na campus queen ng Branston university.

Kung maka "Harley ko" akala mo pag aari niya ang mayabang na Harley na yun. Di ko na lang sya pinansin para iwas gulo narin pero sadyang di talaga titigil ang bruhang to hanggat di niya ako napapahiya sa lahat.

" Hoy, kinakausap kita kaya wag mo akong tatalikuran! " Bulyaw niya sa akin.

" Anu bang problema mo Tricia? Inaano ba kita?" Tanong ko sakanya.

" Sa akin wala pero sa Harley ko meron.. Ito ang tatandaan mo, you don't belong here. At lumugar ka kung saan ka dapat lumugar. " Sabay sampal niya sa mukha ko.

Sa lakas ng sampal niya napaluha ako at napahawak na lang ako sa namumula kong pisngi..

" Hoy Tricia, ang kapal ng mukha mong sampalin si Shaney. Hindi ka naman niya inaano ah?! " Asik ni Celine kay Tricia.

" She deserved that slap. Pinahiya nya ang baby Harley ko. " Sabay flip ng hair at tumalikod na siya.

Alam kong galit na galit na si Celine kaya nginitian ko na lang siya para kumalma na siya.

Ito na yata ang start ng kalbaryo ko dito sa school. Goodluck na lang sa akin..

By the way, Ako si Joshane Querah Legaspi, 18 years old, maganda, slim, 5'3 ang height, wavy brown hair, fair complexion, kulay brown ang mata at may matangos na ilong. Third year college sa kursong engineering. Isa ako sa scholar ng school na to kasi hindi ko afford ang tuition fee dito. Pang mayaman lang kasi ang school nato at kung mahirap ka at gusto mo makapasok dito, kailangan mo kumoha ng scholarship. But before you get that scholarship, you need to pass the test first. Hindi madali ang test nila kaya kadalasan ang mga pumapasok na scholar dito ay puro matatalino at swerte ko na lang na nakapasok ako.

HARLEY'S POV

First day of school at nag mamadali ako kanina sa pag dadrive dahil ayoko maabutan ng traffic sa daan.

Sa sobrang pag mamadali ko muntik ko ng mahagip ang isang estudyanteng babae na papasok sa school namin.. Weird kasi mostly sa mga estudyante dito mga anak mayaman kaya nagtataka ako na naglalakad lang sya.

Siguro malapit lang ang bahay nya sa school pero wala naman akong nakitang malaking bahay na malapit lang sa school. Puro mga lumang building lang ang nakikita kong malapit sa school namin.. Bakit ko ba iniisip yun pakialam ko naman sakanya?!

Nung papunta na kami sa bulletin board kasama ng mga barkada ko para tingnan ang schedule namin nabangga ko ang isang babae.. Ang harot kasi ni JL, sa sobrang kulitan nila ni Tristan kanina pati ako nadamay sa kagaguhan nila.. Nabangga ko lang naman yung babae kanina na muntik nang mahagip ng kotse ko.

Dahil ako ang may ari ng school di ko ugali ang mag sorry kasi sikat ako at tinitingala ng lahat. Walang sino man sa school ang may lakas ng loob na banggain kami at lalong lalo na ako.. Pero nagulat ako kanina nung sinigawan ako ng babaeng yun sa harapan pa ng barkada ko at sa harap ng maraming tao.

" FVCK!!" napapamura ako pag naiisip ko yun.. Makikita ng babaeng yun kung anu hinahanap niya..

" Pre, ibang klase din yung babae na yun ha?! Ang taray niya masyado.. hahaha.. " Tumawa pa ang gunggong na JL..

" Alam mo ba kung anung name niya? Walanghiya, wala pang ibang tao ang sumigaw sa akin kahit magulang ko di ako pinapahiya sa maraming tao pero siya lang?! Shit lang talaga!! " Inis na inis talaga ako sa ginawa ng babae na yun sa akin.

" Mukhang mag eenjoy ako sa last 2 years ko dito.. " Sabat ni Tristan, kabarkada ko rin..

" Agree ako diyan Tristan, mukhang masaya to.." Isa pa tong si Kelvin na mahilig gumatong..

Bwisit talaga tong mga gunggong na to.. Pano ko ba to sila naging kaibigan?! Dagdag stress lang sila sa akin.. Pero kahit ganun parang kapatid narin turing namin sa isat isa.

Buti pa tong si Peter tahimik lang pero naka ngisi ang loko.. Hays..

Ako nga pala si Harley Scheffer Branston, parents ko ang may ari ng Branston University, kami din ang may ari ng Pacific Pearl hotel at Scheffer airlines.. I'm 18 years old, matangkad, medium built ang pangangatawan,light brown ang kulay ng balat ko, gwapo, may matangos na ilong, dark brown eyes, wavy dark hair, heartthtob ng campus at tinitingala. Ako rin ang leader ng grupo naming GForce. Kilala din akong bad boy ng dancefloor. Magaling kasi akong sumayaw at isa 'yan sa talent ko aside from playing billiard.

Tingin ng lahat suplado ako kasi di ako namamansin ng babae.. Can you blame me if I hate flirty bitches? Yung lantaran na pina pakita sa'yo na my gusto siya sa'yo?! Damn! I hate those kind of girls. Ang iba ko pang mga barkada sila Justin Louise Punzalan or JL for short, Kelvin John Bradford, Tristan Daniel Chua at Peter Brian Hurley..

Justin Louise Punzalan,

-> Mas kilala sa nickname na JL. Sila ang may ari ng Punzalan shipping lines.. Sa Gwapo, magaling din sumayaw, tinitilian din ng mga babae, player ng GForce, lahat ng magagandang babae di nya pinapalampas basta maganda at hot pinapatos nya. Walang stable na girlfriend kasi nga player diba?! Kung magpalit ng girlfriend parang nagpapalit lang siya ng damit.

Kelvin John Bradford,

-> gwapo, maraming girls ang nahuhumaling sa kanya dahil magaling mag sugar coat, happy go lucky kind of person, Certified player din ng Gforce. Sila naman ang may ari ng Bradford motors at future successor ng business nila. Matinik din sa babae pero never nakipag relasyon sa babae. Ayaw niya kasi ng commitment dahil para sa kanya hindi niya kailangan ng girlfriend dahil marami naman siyang girls. Magaling din siyang kumanta at sumayaw.

Tristan Daniel Chua,

->pinaka bata sa aming lima. Gwapo, dancer, habulin din ng mga babae pero mahilig mag laro ng games sa cellphone niya. Meron siyang gameboy na hawak most of the time kapag wala ang ipad at phone niya. Sya ang taga pagmana ng Chua Corporation. Kilala ang pamilya nila sa construction business at ang daddy nya magaling na engineer. Katulad nila Kelvin at JL babaero din itong si Tristan pero napaka immature nito mag isip..

Peter Brian Hurley,

->Siya lang yata ang matinong kausap sa grupo. Tahimik lang pero pag nag salita pinapakinggan ng lahat.. May sariling mundo kung minsan pero pag oras na may problema ka siya ang tagapayo namin. Dancer din, gwapo pero deadma sa mga babae at mahilig mag piano.. Pamilya naman nila ang may ari ng Aristocrat Cuisine. Marami narin silang branches all over the Philippines and not to mention their branches all around Europe and Asia. Next month nga opening narin ng bagong branch nila sa Singapore at Hongkong..

GForce ang tawag sa amin, sikat at kinakatakutan ng lahat. Pinagtitilian ng lahat na mga babae kahit na iritang irita ako sakanila pag tumitili.. Ganun talaga eh, ang gwapo kasi namin.

Next chapter