12 chapter 10

"krizelle?"

Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Margaux, with her eyes swollen.

"Anong nangyari sayo?" I stood up,facing her. I think she's about to cry.

"P-pwede ba tayong magusap?" She asked while wiping her tears.

Niligpit ko muna lahat ng gamit ko at pagkatapos ay inaya ko siya na pumunta muna sa music hall para walang tao na makakarinig ng paguusapan namin.

"What happened to you?" I asked carefully.

She just kept on crying and crying, her mouth is still shut.

"What's wrong?" I asked again.

"How is Cess related to E-Enzo?" Tanong niya sakin.

"What do you mean? I don't get it." Sabi ko, naguguluhan man ay pilit ko siyang iniintindi.

"Anong meron kay Cess at Enzo." A tear escaped from her eyes, down to her cheeks.

"I think they are friends, just friends." Sabi ko  "What's wrong? Is something wrong? may problema ba Margaux?"

"Nothing, just nothing." she said but then again, she started to cry.

Alam ko na kung ano problema neto. Maybe she's still inlove with Enzo and now she's trying to get Enzo back but now Enzo's heart beats for Cess already.

"Bakit ka kasi nakipaghiwalay? Diba ikaw naman nakipaghiwalay?"

I know the feeling of being heartbroken, I'm hurt just like how she is hurting, but the my reasons to her is the other way around.

"I fell out of love."

I looked at her, Wondering if what Enzo did so that she'll fell out of love.Like how? Enzo is the perfect guy.

"Why? how? di ko lang magets." pagaamin ko sakanya.

"Nawala na yung kilig, nawala na yung saya, nawala na yung sparks, walang kwentang rason diba? isang katangahan." she faked out a laugh.

"Oo alam ko na kapag nagmamahal ka di alintana yung kilig, spark at saya kase pwede namang umulit sa umpisa at magsimula muli. Kaya nga naguguluhan ako sa sarili ko." Sabi niya.

"Naguguluhan sa alin?" Tanong ko sakanya at bahagyang sumilip sa wristwatch ko kung anong oras na ba.

"Naguguluhan ako,nagtataka,minahal ko ba talaga siya o ginamit ko lang siya. Then I found the answer for my questions, that's why I broke up with him. Ang sama sama kong tao,ginamit ko lang siya para sa kasikatan ko, ginamit ko siya para maging masaya ako, but in the end I was wrecked and was not happy."

"Then say sorry to him if you feel sorry."

"I already did, kanina lang."

"Eh bat ka umiiyak? Ano trip mo?" I playfully joked.

Then finally, her cute dimples showed and her white teeth were exposed.

"You're prettier when you smile,cheer up." How nice, I can cheer others and convince them to smile but I can't convince myself to be happy.

Her smiles faded,napalitan ng gulat ang mukha niya. "Wait are you lesbian?" She asked.

"No I'm not." I laughed, she's funny.Pero slight.

"I'm into guys." I said again,hoping she'll trust me this time already.

"Ahh."

"I have to go,please don't cry anymore. Seeyah latah!" Then I started running away.

___

Nang makarating sa room namin ay dumeretso nako sa upuan ko,sa tabi ni Jay. Nakatalikod Ito sa akin kaya naman di niya pansin na nandito ako,heto nanaman tayo, masasapak nanaman ata ako neto. Kaya magsasalita nako di na sisilip.

"Ano yan?" I whispered softly but it's enough for him to hear me.

Gulat siyang napatingin sa akin at agad niyang sinarado yung notebook na binabasa niya,hmm notebook pala akala ko libro.

Wait!

Familiar yung notebook sa akin,kamukha nung diary ko.

Wala naman sigurong kukuha non,nasa bahay yun,safe na safe.

"N-nandiyan ka na pala." Sabi niya sabay tingin sa teacher namin sa harap na nageexplain ng assignment na ibibigay niya sa amin.

I looked at him carefully, bakit pinagpapawisan to?eh malamig naman sa room.

I think he noticed my stares at him kaya bigla siyang napatingin. At syempre dahil palaban akong tao ay hindi ko inalis ang tingin sakanya, lumapit pa ako lalo.

I saw his Adams apple moved upside down, he kept avoiding eye contact to me.

"Ahuh." napatingin siya sa akin ng nagsalita ako.

"Alam ko na..." I held my chin,just like what detectives do when they caught and find something suspicious to the suspect.

"A-ano." kinakabahan niyang tanong sabay lunok.

I moved closer to him.

"Ikaw..." I pointed my ballpen to him.

"Ay..." Nilakihan ko siya ng mata.

"Natatae ka noh!?"

Then boom, his face turns red and the class went quiet. Narealize ko na napasigaw na pala ako! Mygas!nakakahiya!

I bit my lips.Nakakahiya sobra!

"What is the problem Ms. Nogapez and Mr. Alfuedo? Sinong natatae?" May diin sa bawat salitang binitawan ng teacher namin.

"Sorry ma'am." Sabi ko nalang at itinaas ang kamay kong nakataas ang dalawang daliri,simbolo ng peace.

Peace be with you ma'am.

I can see my classmates laughing, kahit sina Althea at Monica napatawa nadin. Tawa sila diyan tawa sila dito. Sino ang dapat mahiya? Ako or si Jay? Both hehe.

At dahil pabibo si Bench nanaman sa klase dahil siya ang may pinaka malakas na boses sa lahat ay hinagisan siya ni Lila ng ballpen sa ulo.

Nang tumingin ako kay Jay ay masama ang tingin neto sa akin.

"Di ko sinasadya." I whispered.

"Tsk." umiling iling Ito.

"Sungit." napa irap nalang ako.Tinuon ko na lamang sa klase ang buong focus ko at hindi na pinansin pa si Jay. Pero dahil nararamdaman kong palinga linga ito ng tingin sa akin ay napapatingin din ako sakanya.

"Krizelle may itatanong ako sayo." Napatingin ako kay Jay,akala ko ba galit siya? Sana nga hindi.

"Bakit ano yun?" Kinakabahan naman ako sa itatanong niya. Baka itanong niya yung may pupuntahan ako mamaya tapos kikidnapin niya ako tapos papatayin niya ako kasi napahiya ko siya! Noooo.

"Alam mo yung gotohan at lugawan sa may kabilang kalye?" Ay yun lang pala, akala ko kung ano na hehe.

"Ah oo, lagi ako doon kumakain dati. Bakit? di mo alam yun?gusto mo samahan kita?"

"Ahh Hindi ayos lang na curious lang ako." he smiled and nodded.Nakinig na ulit ako sa harapan.

Bakit naman kaya napatanong to?

Bahala na nga.

___

Nang magring na ang bell,hudyat para umuwi na kami ay lumabas na ako kasama sina Enzo, Lila, at Fame.Sa iisang daan lang kasi kami dadaan.

Habang papalakad ay nakasalubong namin si Dulce.

Binati siya ni Fame. "Hello Dulce."

Agad din namang kumaway pabalik si Dulce at umalis na din, magkaiba kami ng daraanan.

"Plastic." Umirap si Fame.

Tumawa si Lila."Uy bakit mo inaaway?"

Nakitawa na din si Enzo."Bitter lang yan,si Dulce kasi crush ng crush niya."

"Hoy hindi ah!" Pabiro netong sinapak si Enzo sa braso.

"Di pa naka move on sa crush niya!aha di gusto ng crush niya, aruy." pangaasar pa ni Enzo.

Pumameywang si Fame. "Oh talaga lang ah." nag flip hair pa ito.

"Tingin sa likod mo Enzo." bulong ko sakanya.

Nang tumingin si Enzo sa likuran niya ay agad napawi ang ngiti sa mukha niya, nakita lang naman niya si Margaux.

"Let's go." agad kami netong inaya na umuwi na,halata na iniiwasan niya si Margaux.

Nang makalayo na kay Margaux ay nagsalita ito.

"Bakit mapanakit kayong mga babae?Ano yan in born na?" Tanong niya.

Napasimangot ako."Huwag mong lahatin,ako nga sinaktan eh."

Napatigil silang lahat sa paglalakad. "Ni Andrei?" Sabay sabay pa sila.

Kumulo dugo ko ng slight."Hindi ko nga naging bf yon!"

"Okay chill chill, edi Sino?" May pa nguso nguso pa si Lila habang nagtatanong.

"Ayaw, secret bawal sabihin." madamot ako eh.Joke baka asarin niyo ako eh.

"Wala na! andaya!" Sigaw ni Enzo.

"Sige na nga."napakamot ako sa ulo "si James."

Lahat sila nakakunot noo.Hinarangan ako ni Fame sa harap ko .

"Sino si James? Saan mo nakilala? gaano kayo katagal? Mahal mo padin?"sunod sunod niyang tanong.

Ano nasapian si Monica?

"Kaklase ko dati sa FMS, mga 1 month kaming tumagal." I smiled.

"Hindi mo sinagot yung last na tanong!" Habol ni Lila.

"Nope, Wala na talaga finish na." proud kong sabi.

"What if bumalik siya? what if lumipat siya dito? anong gagawin mo?" This time si Enzo ang nagtanong.Kung ano ano pinagtatanong nila.

"Ano lang? Margaux lang ang peg?bumabalik? syempre magiging friends paden kame,yun lang."

"Let's see." Ay huwaw? Ano lilipat talaga si James?

Then after that long walk,umuwi na din kami sa kanya kanya naming bahay,it was a tough day. Time to rest. I will sleep comfortably again by doing the same thing,by writing with-

Wait.

My notebook.

I searched at my bag and even at my closet to see where my notebook is.

Saan yun napadpad?

I tried searching everywhere but it is nowhere to found.

Now I have another problem,my diary is missing.It has all my secrets and stuff!

Oh no. I can't find my notebook!

Pero ayos lang, Hindi naman yung pinaka diary ko ang nawala eh. Yun ata yung nahulog ko sa school? Yung pinagsulatan ko ng kung ano ano nung isang gabi.

Pero nagulat ako nang makita ko yung notebook sa dulo ng kama ko. Hays buti nalang di nawala.

Pero para maging sure tayo,hanapin na din natin yung isa.

Eto yung kinakatakot ko. Na baka yun yung nahulog ko at nakuha ni Jay!

No!

I searched and searched but I can't find it. Now,my notebook is missing.

avataravatar
Next chapter