64 UBOD NG GANDA

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Pero dapat alam na niya ang tama, lalo na ang importansiya ng okasyong ito."

"Mom, dad, pwede bang tumigil na kayo sa pag-aaway? Kailangan ko nang hanapin si Lin Lin," sabat ni Mubai bago umalis.

Wala ng nagawa pa si Ginoong Xi at Ginang Xi kung hindi tumulong na hanapin din ang bata.

Ngunit kahit ano pang paghahanap ang gawin nila, hindi nila makita si Xi Lin.

Hanggang sa malaman ng lahat ng mga panauhin ng Xi Family ang pagkawala ng young master.

"Paano nangyari iyon?"

"Narinig ko dahil ito sa paglalaro niya kaya nalimutan niya ang oras at nawala siya."

"Pero hindi ba't naririnig ko na ang young master ng Xi Family ay mabait at masunuring bata? Bakit pinili niya ang oras na ito para maging suwail?"

"Alam mo naman ang sabi nila, kids will be kids…"

"Ang anak ko nga kasing-edad lamang niya at alam niya na hindi dapat maglilikot sa ganitong mga okasyon."

Ngumisi si Tianxin habang naririnig niya ang mga usapang ganito.

Ang buhay ni Xi Lin ay palaging tinitingnan ng iba, kaya ang pagkakamali niya ay laging mapupuna.

Walang pakialam ang mga tao kung ikaw ay bata o hindi, sisisihin ka lamang nila kung ikaw ay ipinanganak sa marangyang pamilya. Isang maling hakbang at ikaw ay mababansagan na habang buhay.

Kaya Xi Lin, huwag mo akong biguin ngayon. Guluhin mo na at gumawa pa ng mas malaking gulo…

Ikaw at ang nanay mo, ang main course ngayon. Maghawak-kamay kayong bumagsak sa putikan at huwag na kayong babalik pa dahil doon kayo parehas nababagay.

Ito ang mga isipang tumatakbo sa isip ni Tianxin pero ang mukha niya ay kakikitaan ng pag-aalala na tila ay may pakialam siya sa ikabubuti ni Xi Lin.

Habang ang lahat ay abala sa paghahanap kay Lin Lin, dumating na sa wakas si Xinghe!

Isang bagung-bago at mainit sa mata na pulang Ferrari ang huminto sa harapan ng pasukan ng grand hotel.

Lumingon si Xia Zhi para tanungin si Xinghe na nakaupo sa likuran, "Ate, gusto mo bang samahan kita?"

Sinulyapan ni Xinghe ang hotel at mahinang sumagot, "Salamat, pero gusto kong manatili ka sa loob ng kotse. Just in case."

"Just in case? Nang ano?" Ganting-tanong ni Xia Zhi.

"Nakita ko si Xia Wushuang at Chui Ming sa loob," sagot ni Xinghe imbes na magpaliwanag. Agad na nakuha ni Xia Zhi ang ibig niyang sabihin.

Maaring may gawin ang dalawa sa kanya sa pagtitipong iyon. Pero hindi niya ito hahayaan.

Si Xia Zhi ang magiging getaway ride niya kung sakaling mayroong mangyaring hindi maganda.

Isang nag-aalalang Xia Zhi ang nagpaalala sa kanya, "Ate, nandito lang ako kung sakaling kailangan mo ang tulong ko pero pakiusap alagaan mo ang sarili mo. Tawagan mo na lamang ako sa telepono kung kailangan mo ako."

"Salamat." Tumango si Xinghe ng bahagya at kumilos para buksan ang pintuan ng kotse.

"Ate, hayaan mo ako!" Ngumiti sa kanya si Xia Zhi bago ito patakbong lumabas ng kotse, umikot dito at tulad ng isang personal bodyguard, tinulungan siya na buksan ang pintuan ng kotse.

"Please, Ms. Xia." Seryosong sabi niya habang inilalahad ang kamay. Ang ngiti niya ay maganda sa paningin, at akma naman sa elegante at kagandahan ni Xinghe.

Napangiti si Xinghe sa ginawa niya. Kinuha niya ang inilahad nitong kamay at lumabas na ng kotse…

Sa sandaling iyon, ang dalawang bellboy na nakahotel uniform na nanonood sa kanila ay napatunganga sa kanila.

Nang makita nila ang Ferrari, akala nila ay isa sa matataas na tao ang nakasakay dito pero hindi nila sigurado na isa itong VIP. Five-star hotel ang pinagtatrabahuhan nila, at sanay na silang makakita ng mga nagdadatingang panauhin na ganito.

Pero hindi nila inakalang isang diyosa ang bababa mula dito!

Ubod ng ganda si Xinghe sa suot nitong maroon gown na may plunging neckline.

Lalong tumingkad ang arko ng kanyang leeg gawa ng neckline at ang litaw niyang collarbones ang nagpakita ng kasexyhan niya.

At ang hapit na hapit na disenyo ng damit ang nagpatingkad din ng magandang hubog ng kanyang katawan.

avataravatar
Next chapter