110 Siya si 001!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na siya nasorpresa ng lantarang hamunin ni Xinghe si Chui Ming, pero nagulat siya ng makita na alam ni Xinghe ang kanyang ginagawa sa computer!

Hindi lamang iyon, isa siyang hacker!

Parang napakaimposible at nahihirapan si Mubai na tanggapin na ang hacker sa kanyang harapan at ang dati niyang asawa ay iisa lamang.

Sa isip ni Mubai, si Xia Xinghe ay isang babae na walang alam kaya paano na bigla siyang naging marunong sa paggamit ng computer?

Plus, base sa kanyang mga teknik, napakahusay niya rito.

Dahil malakas ang loob niyang maghamon ng laban kay Chui Ming, nangangahulungang kumpiyansa siya sa sarili. Kahit na malapit ng ma-hack ang kanilang X PC Manager, naniniwala pa rin ito na makakaya niyang pabagsakin ang security software ng Chui Corps bago pa mangyari ito.

Marahil ay nagkukunwari siya, na malabong mangyari, o talaga namang mahusay siya sa kanyang trabaho.

Ang drastikong pagbabago, bago at matapos ang diborsyo, kay Xinghe ay mahirap para kay Mubai na sikmurain.

Ngunit, mabilis na niyang natanggap ang katotohanan.

Kung susundan ang mga pagbabago kay Xinghe at ang mga serye ng mga pangyayari, ay may naunawaan si Mubai.

Bago siya pakasalan ni Xinghe, dati siyang estudyante mula sa Mathematics Faulty ng Academy S.

Ang Academy S ay isa sa top ten na eskuwelahan sa buong mundo. Ang entrance exam ay sinasabing sobrang hirap. Isa pa, ang Academy S ay tanyag dahil sa Mathematics Faculty nito.

Marami sa mga tanyag na mathematicians ang nagmula dito.

Kung nagmula sa faculty na iyon si Xinghe, hindi na malayo dito na maging isang computer expert. Kaya naman, sapantaha ni Mubai, na dati na siyang mahusay sa computer.

Ang pagkakaroon niya ng amnesia noon ang nagtago ng talento niya.

Marahil ay kakabalik lamang ng kanyang memorya dahil ito lamang ang paliwanag sa biglaan niyang pagbabago!

Kaya pala nakahanap siya ng pondo para bayaran ang operasyon ni Xia Chengwu at makapag-ayos ng husto para makadalo sa party ni Lin Lin…

Marahil ay kinita niya ang pondo na iyon gamit ang kanyang extraordinary computer skills.

Ang ibig sabihin ay siya si... 001!

Siya nga marahil ito dahil sumakto ito sa panahon na lumitaw ito.

Siya si 001 na tumulong sa Chui Corps na resolbahan ang isyu sa virus para sa malaking pabuya.

Sa totoo lang, siya rin marahil ang gumawa ng virus na nag-target sa security software ng Chui Corps' sa una pa lamang…

Kaya naman, lohikal na masasabing siya rin ang pangunahing programmer sa likod nitong X PC Manager!

Matapos na maliwanagan sa pangyayaring ito si Mubai, gusto niyang tumawa ng malakas.

Nakaramdam siya ng ibayong kaligayahan. Ito ang sensasyon na matagal na niyang hindi nararanasan.

Tulad ni Magellan na nakadiskubre sa New World, pakiramdam niya ay kumukulo ang kanyang dugo sa ligaya at pag-asa.

Ang mga mata niyang nakatutok kay Xinghe ay nagliwanag rin.

Agad na nakaramdam ng kakaibang pagbabago sa kanyang kaibigan si Junting. Siniko niya ng may pag-aalala si Mubai at bumulong, "Bakit mo tinitingnan yung babae ng ganyan?"

Ayaw alisin ni Mubai ang mga mata niya kay Xinghe. Sumagot siya, "Ano ang ibig mo'ng sabihin?"

Ang tono ng kanyang boses ay pareho pa din pero hindi nito naitatago ang kaligayahan dito.

Kinilabutan si Junting.

Maraming taon na silang magkaibigan ni Mubai, ito pa lamang ang una at nag-iisang oras na nakita niya ang kaibigan na umakto lalo na tungkol sa babae… ng ganito katindi.

Hindi ba't wala siyang interes sa mga babae?

Inakala pa nga ng mga kaibigan nila na isa siyang bakla dahil kahit minsan ay hindi naman seryosong tumitingin sa mga babae si Mubai.

Pagkatapos niyang maikasal at magkaanak, agad nilang napagtanto, na hindi naman siya hindi interesado sa babae, pero walang babae na nakakukuha ng interes niya.

avataravatar
Next chapter