117 Sino ang Nangahas na Gambalain ang Kapayapaan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga taong nakarinig sa kanya ay nagulat ng husto.

Sino ba itong Xia Xinghe na ito at ang lakas ng loob niyang sagut-sagutin ng ganoon na lamang si Chui Ming? Hindi ba siya natatakot sa kamatayan?

Mas masahol pa ito sa pambubwisit kay Chui Ming, nasusukol na niya ito ng husto. Hindi ba siya natatakot na gantihan siya ni Chui Ming?

Si Xinghe, sa kanyang parte naman, ay wala ng takot dahil ang pagpapasindak o hindi ay hindi mababago ang katotohanan na tinatarget na sila ni Chui Ming. Mabuti pa nga na hayagan na niya itong hamunin at maglaban na sila hanggang magkamatayan!

Hindi rin inisip ni Chui Ming na malakas ang loob ni Xia Xinghe na tapakan ang kanyang pagkalalaki ng paulit-ulit.

Ang kalupitan sa kanyang mga mata ay nababanaag ng buong madla. "Magaling, Xia Xinghe, aaminin ko na napakatapang mo. Ngunit, kung matalo ang X PC Manager mo matapos na mabunyag ang resulta, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ng mahal ang mga insulto na ipinukol mo sa akin!"

"Sa madaling salita, tiwala ka na mananalo ka?" Patuyang hamon ni Xinghe.

Patuya ding sumagot si Chui Ming, "Oo naman, o akala mo na mananalo pa ang third-rate software na gawa mo? Huwag mo nga akong patawanin!"

May pinaniniwalaan naman si Chui Ming sa kanyang mga binitiwang salita.

Kahit na inaamin niya na ayos naman ang X PC Manager pero hindi pa rin ito maikukumpara sa King Kong Internet Security na nalampasan na ang mga pagsubok ng taon. Sa mga nakalipas na taon, ang software ay napaghusay at napaigi na.

Maaari nang sabihin na ito ay isang perpektong security software.

Hindi siya naniniwala na ang isang mabilisang sinulat na software ay mas mahusay pa kaysa sa kanya!

Kaya naman buo ang tiwala ni Chui Ming na ang kanyang King Kong Internet Security ang magwawagi. Ipapamukha niya ng husto ang kanyang tagumpay sa pangit na mukha ni Xinghe.

"Ginagawa mo lamang na katatawanan ang iyong sarili dito," deretsahang sagot ni Xinghe. "Sinubukan mong gamitin ang isang bagay na ninakaw mo para sumali sa kumpetisyon! Chui Ming, ang mukha mo ay mas makapal pa kaysa sa Great Wall of China."

"Xia Xinghe—" galit na angil ni Chui Ming. Sa oras na ito ay sinagad na siya ni Xinghe, inaakusahan siyang ninakaw ang software ng ibang tao.

Hindi na siya nito binigyan ng kahihiyan, ipinahiya na siya ng kaliwa't kanan.

Napuno na siya.

"Men, turuan ninyo siya ng marahas na leksyon, pagbayarin ninyo siya sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig!" Utos ni Chui Ming. Habang nagmamadaling lumapit ang ilang malalaking bodyguard patungo kay Xinghe, agad na hinila nila Xia Zhi at Xiao Mo si Xinghe para itago sa kanilang likuran, pinoprotektahan siya sa paparating na panganib.

"Sino ang nangahas na gambalain ang kapayapaan?" Biglang umalingawngaw ang boses ni Mubai sa bulwagan.

Tumayo siya at ang kanyang malaharing presensya ang nagpatigil sa kilos ng bawat panig.

"CEO Xi, maraming beses na akong inaakusahan ng walang basehan ni Xia Xinghe. Hindi ko na siya papalampasin pa rito kahit na mamagitan ka pa!" Babala ni Chui Ming kay Mubai.

Ang impluwensiya niya ay hindi kasing lakas ng kay Mubai pero kahit na, may sapat itong lakas para mapatigil ang lahat.

Kasing lamig at tigas ng bato ang ekspresyon ni Mubai habang nagsasabi ito, "Hindi ako nakikialam sa kahit na sino pero intindihin ninyo na ito ay lugar ng paligsahan. Matuto kayong irespeto ang kumpetisyon at ang mga organizer."

"Hindi ako ang gumagawa ng eksena," balik ni Chui Ming.

Mahinang dumagdag si Xinghe, "Sinasabi ko lang ang totoo."

"Ang lakas ng loob mo na sabihin na itoa ng katotohanan kahit na hindi pa nailalabas ang resulta?" Tinitigan ng masama ni Chui Ming ito, at malupit na idinagdag, "Xia Xinghe, kung ang aktwal na resulta ay iba sa sinabi mo at natalo ka, gusto kong lumuhod ka para mag-kowtow at humingi ng tawad sa akin."

Nananakot lamang si Chui Ming pero sa kanyang sorpresa, tumango si Xinghe at sumang-ayon. "You got a deal."

Nagulat ang lahat ng nasa silid.

Ganoon katiwala si Xinghe sa gawa ng kumpanya niya?

"Mainam, hindi kita papayagan na hindi sundin ang pangako mo!" Matagumpay na tumawa si Chui Ming. Hindi na siya makahintay na ipahiya pa ito.

"Pero…" malamig na tumitig sa kanya si Xinghe. "Ano ang gagawin mo kapag natalo ka?"

avataravatar
Next chapter