webnovel

Pagtigil sa Kumpetisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tulad ng dati, inisip ng publiko na isa lamang itong haka-haka na walang basehan. Kung hindi mangangahas ang Xi Empire na doblehin ang presyo, ibig sabihin ay talagang naghihingalo na sila. Isa pa, maaaring malaki ang nawala sa Xi Empire dahil sa kumpetisyong ito. Kaya naman, kapag hindi sila lalaban pabalik, mawawala ang kanilang kagustuhan na lumaban, at mapapabilis ang kanilang pagbagsak.

Hinihintay ni Lin Jing ang pagkakataong ito kung saan mawawala ang kagustuhan ng Xi family na lumaban. Kahit ang mapagmataas na leon, matapos mawala ang kagustuhan nitong lumaban, ay madaling mapapatay. Ngayong wala na si Xi Mubai, nawala na ang mga kuko ng Xi family; ngayon ay inuubos na ni Lin Jing ang hangaring lumaban ng mga ito. Mariing naniniwala si Lin Jing na hindi magtatagal at siya ang mananalo sa nakakabaliw na sugal na ito!

Lingid sa kanyang kaalaman na ang Xi Empire ay hindi pinamumunuan ng ama ni Mubai ngunit ni Xinghe, isang babae na hindi namamatay. Nagkamali ng kalkula ng isang bagay si Lin Jing, kung saan si Xinghe ay hindi lumalaban ng digmaan na wala siyang tiwala na maipanalo.

"Hindi na masama, sa wakas ay may lakas na sila ng loob." Pinag-aralan ni Xinghe ang data sa kanyang computer at nasisiyahang ngumiti. Ang babaeng iyon, si Lin Jing, ay talagang hindi siya binigo; alam niyang may gagawing malaki si Lin Jing at ginawa nga nito.

Nasa isang pagpupulong sa loob ng gusali ng Xi Empire si Xinghe. Nang narinig siya ng mga pinuno ng mga departamento, nagsimula na silang kabahan.

Mayroong hindi maiwasan na payuhan siya, "Miss Xia, hindi mo na maaaring itaas pa ang presyo, ang pagpapatuloy ng kumpetisyon na ito ay hindi na makakatulong pa sa atin!"

Nagsimula nang lumipad ang mga opinyon.

"Tama iyon. Halata namang pinaplano nilang labanan tayo hanggang sa huli. Maaaring may pera nga tayo pero hindi natin pupwedeng sayangin ito ng ganito"

"Miss Xia, tanging tanga lamang ang magsasayang ng pera sa maling pamumuhunan," may laman na sambit ni Haoran. Siya ang pinaka ayaw kay Xinghe sa lahat ng nandoon. Maingat siyang tao at ayaw niya ng mga pamamaraan ni Xinghe.

Hindi sa may alitan sila na personal ni Xinghe, pero iyon lamang ay hindi niya ninanais na masira ang Xi Empire sa mga kamay nito. Kung gustong ipagpatuloy ni Xinghe na itaas ang presyo ng pagbili ulit, lalabanan na niya ito ng husto. Kahit si Jiangsan ay naramdaman na hindi na ito pupwedeng magpatuloy pa.

"Xinghe, ano ang iyong plano? Kapag nagpatuloy itong walang katapusang kumpetisyon na ito, maaaring kailanganin mo pa ng mas mainam na plano," pabulong nitong payo.

Tumango si Xinghe. "Naiintindihan ko. Huwag kayong mag-alala, hindi ko na itataas pa ang presyo."

Nagulat sila na madali itong mapakiusapan sa oras na ito. Sa sandaling iyon, ang kanilang impresyon sa kanya ay bahagyang bumuti.

"Miss Xia, mabuti na sa wakas ay nakita mo din ang liwanag. Pero kapag tumigil tayo ngayon, hindi ba't negatibo ang magiging epekto nito sa ating imahe?"

"Tama iyon, iisipin ng publiko na tayo ay mga palaso na malapit ng matapos ang lipad."

"Kaya nga sinabi ko na huwag nang gawin pa ang planong ito sa simula pa lamang." Sumimangot si Haoran tulad ng isang makalumang guro na pinagagalitan ang kanyang estudyante.

Ngumiti si XInghe. "Ang pagtigil sa kumpetisyon ngayon ay siguradong madudulot ng ilang negatibong pagkilala, pero magiging panandalian lamang ito. Isa pa, huwag kayong mag-alala, dahil walang mawawala sa atin."

Tumawa si Jiangsan. "Tama si Xinghe. Ginawan tayo ng pabor ng Bao Hwa sa pagtaas ng presyo ng ating stock. Salamat sa kanila, napakataas ng ating stocks. Ang bahagyang pagbaba ay hindi makakasama sa atin."

Siyempre, tinulungan din nila ang Bao Hwa sa presyo ng stocks ng mga ito.

Pero, wala pa din silang alam sa kung ano ang pinaplano ni Xinghe.

"Miss Xia, kung ganoon ay ano ang susunod na hakbang ng iyong plano?" May isang nagtanong.

Next chapter