128 Pagpaplano ng Pagpatay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung ano ang iyong ibinigay ay siya mong matatanggap.

Ang isipin kung paano siya trinato ni Chui Ming nang araw na iyon ay nagpakulo ng dugo niya sa galit.

Wala ng mabuting lalaki sa mundo!

Kaya wala ng rason para sa kanya na ipagpalit ang marangyang buhay niya para sa isang lalaki.

Isa pa, sinabi din ni Chui Ming na babalikan siya nito kapag hindi siya ang umayos kay Xia Xinghe.

Ang kanyang eksaktong salita ay ililibing siya nito kasama ng Chui Corps kapag hindi niya natapos si Xinghe.

Hindi sinasadyang nanginig si Wushuang ng maalala ang malisya na nakita niya sa mga mata ni Chui Ming.

Galit ang inggit ang namuhay sa puso niya ng maalala ang pagbabago ni Xinghe.

Kailangan na talagang mawala sa buhay niya ang bwisit na ito kung hindi ay hindi na matatahimik ang buhay niya!

Isang malupit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi at sinabi niya kay Wu Rong, "Mom, kontakin mo na si Black Three. Gusto ko nang mamatay si Xia Xinghe sa oras na ito mismo!"

Napatawa si Wu Rong. "Huwag kang mag-alala. Hindi na siya sisikatan pa ng araw bukas."

Nagpalitan ng tingin ang mag-ina, at ang eksena ay maaaring ihalintulad sa dalawang mangkukulam na nagpaplano kung paano kukulamin ang susunod nilang biktima.

Wala ng inaksaya pang oras si Wu Rong, agad na kinontak si Black Three at naghintay na sila ng mabuting balita mula rito.

Ang isipin na nalalapit na ang katapusan ni Xinghe ay nagpabilis ng puso ni Wushuang at nagdala sa kanya ng kakaibang ligaya at nerbyos.

Kahit na hindi siya ang personal na pumatay sa kung sinoman pero ang magplano ng pagpatay ay nagbigay sigla sa kanya.

Ang pagdedesisyon kung sino ang mabubuhay o mamamatay ay nagbigay ng pakiramdam sa kanya na siya ay makapangyarihan na tila isang diyos.

Maligaya siya sa pag-iisip na papatay siya!

Tumigil na sa pag-aalala si Wushuang at unti-unting ninamnam ang ligaya na hawak niya ang kapangyarihan na tapusin ang buhay ng isang tao.

Sa kabilang parte ng siyudad, ang mga kaibigan at pamilya ni Xinghe ay nagdiriwang.

Sa kanilang basement workroom, sina Xia Zhi at Xiao Mo ay nakatutok sa computer screen. Pinapanood nila ang mga bilang ng stock numbers ng Chui Corps.

Kapag lalong bumababa ang bilang, lalo silang nagbubunyi.

"Magpustahan tayo kung mag-aanunsyo ng bankruptcy si Chui Ming bukas," sabik na suhestiyon ni Xia Zhi.

Ngumisi si Xiao Mo. "Pupusta akong idedeklara niya ang pagiging bangkarote niya ngayon!"

"Brother Xiao, huwag kang mag-alala. Base sa mga hitsura ng pangyayari ngayon, mangyayari ito ngayon o bukas. Sino ang mag-aakala na darating agad-agad ang ganti kay Chui Ming?"

Seryosong tumango si Xiao Mo. "Tama ka. Kahit ako ay hindi ito inaakalang makikita ko agad ng ganoon kabilis."

"Dapat ay kumain tayo ng masasarap mamaya para magdiwang!" Masayang proposisyon ni Xia Zhi.

Mabilis na sumang-ayon si Xiao Mo. "Mukhang magandang ideya iyan."

Si Xinghe na nagtatrabaho sa kanyang computer ay tumutol dito, "Hindi, masyado pang maaga para magdiwang."

"Bakit?" Tanong ni Xia Zhi, "Ate, kahit na makaligtas ang Chui Corps dito dahil sa himala, nakabitin na lamang ito na parang sa sinulid. Isa pa, pumirma na tayo ng partnership sa Xi Empire kanina. Rason na iyon para magdiwang."

Umikot si Xinghe para tingnan silang dalawa. "Akala ba ninyong dalawa na nasa magandang posisyon na tayo ngayon?"

Nagkatitigan sina Xia Zhi at Xiao Mo, nalito sa mga sinabi niya.

"Ate, hindi ka ba masaya tungkol dito?" Tanong ni Xia Zhi.

Mabalasik ang naging anyo ni Xinghe. "Oo naman masaya ako sa mabilis na pagbagsak ng Chui Corps pero binalaan ko ang sarili ko na huwag maging masyadong masaya."

"Bakit mo naman gagawin iyon?" Si Xiao Mo naman ang nagtanong.

Nagpaliwanag si Xinghe sa mahinang tinig, "Dahil ang mga bagay na labis ay masama sa iyo, kasama na ang sobrang kasiyahan dahil magiging pabaya ka. Hindi pa naman natin naaalis ang ugat ng mga problema natin kaya hindi tayo pwedeng maging pabaya lalo na ngayon."

Naturuan ng mahalagang aral sina Xiao Mo at Xia Zhi.

Tila ba may kung sino ang nagbigay babala sa kanilang ulo.

Oo, hindi pa ito ang oras para magdiwang. Maaari silang saktan ni Chui Ming sa kahit na anong oras.

avataravatar
Next chapter