webnovel

Nahulog sa mga Kamay ni Xia Xinghe

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naitanong ni Xia Zhi ang katanungan na naisip ng lahat.

Kung iisipin mo, hindi ba't mas mainam na kutsilyo ang gamitin para sa layunin niya?

Ang baseball bat ay mas masasabing pansamantalang sandata. . .

Nagpaliwanag si Xinghe, "Gusto niyang patayin tayo, oo, pero hindi ito maaaring magmukhang pinagplanuhang pagpatay."

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Tanong ni Xia Zhi. Paanong hindi niya maunawaan ang mga paliwanag ng ate niya?

Niliwanag ni Xinghe ang paliwanag, "Kapag natagpuan tayong napatay, ang unang pagsususpetsahan ay si Chui Ming. Kaya naman, ang kamatayan natin ay dapat na magmukhang isang aksidente."

Sa wakas, naunawaan din ni Xia Zhi. "Ang ibig mong sabihin plinano niya na gamitin ang bat para mawalan tayo ng malay at pagkatapos noon ay gumawa ng isang maling imahe na namatay tayong lahat sa isang aksidente?"

Tumango si Xinghe. "Tama iyon."

Matapos iyon, nagawang mahanap ni Xiao Mo ang isang lighter na nasa katawan ni Black Three. Napakunut-noo siya at nanghula, "Mukhang tatapusin niya tayo gamit ang pagsabog ng gas."

"Iyon lamang ang paraan para ang lahat ng ebidensiya ay masira ng tuluyan at mabilisan." Kumpirma ni Xinghe.

Hindi sadyang nanginig si Xia Zhi. "Anong klaseng tao ang makakaisip ng malademonyong plano tulad nito? Plinano niyang patayin tayong lahat!"

"Miss Xia, tatawagan na ho ba natin ang mga pulis?" Tanong ng isa sa mga bodyguards.

Lahat sila ay nasa ilalim ng kautusan ni Mubai na protektahan si Xinghe. Ngayong lahat ng panganib ay wala na, pakiramdam nila ay oras na para ibigay na ang lahat sa mga nagpapatupad ng batas.

Ngunit, may ibang plano pa si Xinghe na naiisip.

"Huwag muna nating isali ang mga pulis. Dalhin ninyo iyan sa basement. Zhi, dalhan mo ako ng isang palanggana ng tubig, ang kaibigan natin dito ay kailangang basain ang kanyang mukha," sabi ni Xinghe na may misteryosong ngiti.

Agad na naunawaan ni Xia Zhi ang ibig niyang sabihin. "Opo, madam!" sagot niya, may lukso sa kanyang mga hakbang habang ito ay umalis.

Ang lamang tubig ng palanggana ay sumampal sa mukha ni Black Three.

Napaangil sa sakit ang assassin at bumukas na ang mga mata niya.

Mabilis siyang kumurap mula sa pagkakasilaw sa mga ilaw ng basement.

Isa sa mga bodyguards ay itinindig siya at nagbabala, "Ang kapalaran mo ay nasa aming mga kamay kaya ipinapayo ko na sa iyo na sundin mong maigi ang mga utos namin at magsabi ka ng totoo dahil kung hindi ay hindi ko magagarantiyahan ang mangyayari sa iyo."

Agad ni sinuri ni Black Three ang kapaligiran at namulat siya sa katotohanan.

Pumalya ang kanyang plano at siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Xia Xinghe.

Marahas na pumintig ang kanyang mukha, nagsisisi sa kanyang kapabayaan.

Tinapunan niya ng malupit na tingin si Xinghe na siyang nakaupo sa kabilang ibayo niya at tumawa. "Sa tingin mo ay may makukuha kang impormasyon sa akin? You b*tch, pinapayuhan na kita na kalimutan ito dahil ako, si Black Three, ay mas nanaisin pang mamatay kaysa magsabi ng kahit ano sa iyo!"

Binigyan ni Xiao Mo ng malakas na sampal sa mukha si Black Three. Pagalit siyang nagbabala, "Ikunsidera mo ang iyong sitwasyon bago ka magsalita pa!"

Kahit si Xia Zhi ay napalundag dahil hindi niya inaasahan na mabibigay si Xiao Mo ng biglaang pisikal na pagtugon.

Pero, aaminin niya na isa itong mahusay na sampal!

Ibinuwelta ni Black Three ang duguan niyang mukha at tinapunan ng masamang tingin si Xiao Mo. Matapos noon ay nagpakawala siya ng nakakahindik na tawa.

Hindi naapektuhan si Xiao Mo. Lumingon siya kay Xinghe at nagtanong, "Miss Xia, paano kaya kung hayaan mo kaming turuan ng leksyon ito para magsalita siya agad?"

"Ate, sinusuportahan ko ito!" Dagdag ni Xia Zhi. Masigasig siya na turuan ng leksyon ang lalaki, na siyang nagtangka sa buhay ni Xinghe ng dalawang beses.

Sumang-ayon si Xinghe ng walang alinlangan. "Sige, pero mag-iingat kayo kung saan ninyo siya tatamaan."

Sumagot si Xiao Mo ng may malupit na kislap ang kanyang mga mata, "Huwag kang mag-alala, hindi namin siya hahayaang mamatay ng basta-basta."

Matapos noon, nagpakawala na siya ng sunud-sunod na suntok at sipa kay Black Three.

Sumali na din si Xia Zhi.

Ang dalawa ay nanigurado na ang mga sugat ay nasa mga lugar na hindi halata at kanilang iniwasan ang mga maseselang parte ni Black Three.

Next chapter