125 Lahat ay Salamat sa Iyo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang nayayamot na Wushuang ang sumimangot. Kung nasa labas si Chui Ming at magdamag na nakipagkasiyahan sa ibang babae, sumusumpa siyang hindi niya ito mapapatawad!

"Nakauwi na po ang master." Nag-iisip pa din si Wushuang kung ano ang nangyari ng muling nagsalita ang katulong. Itinaas niya ang kanyang ulo at nakitang mabagal na papasok sa silid si Chui Ming.

"Honey, saan ka ba nagpunta. . ." Masayang salubong ni Wushuang pero napatigil siya matapos ang dalawang hakbang.

May naramdaman siyang kakaiba kay Chui Ming.

Ang kanyang mukha ay napakadilim na tila ba natatakluban ito ng ulap na hindi mawawala.

Ang kanyang damit at buhok ay magulo. Hindi siya nag-ahit noong gabi kaya naman may kaunting balbas na tumubo sa baba nito.

Napakalungkot ng kanyang itsura na tila ba… nakaranas ito ng napakalaking dagok!

Gayunman, ang pinaka naging senyas sa kanya ay ang mga mata nito. Ang pares ng mga mata nito na tumitig sa kanya ay nakakatakot ang kalamigan.

Hindi maintindihan ni Wushuang kung ano ang ginawa niyang mali o kung ano ang nangyari.

Hindi mapalagay na nagtanong siya, "Honey, ayos lang ba ang pakiramdam mo? Pagod ka ba sa trabaho?"

Alam na ng buong mundo ang pagbagsak ng Chui Corps pero hindi ng kanyang asawa. Walang galak na tumawa si Chui Ming sa kabalintunaang ito.

Natakot si Wushuang dahil dito. "Honey, ano'ng problema? Huwag mo akong takutin ng ganito, natatakot na ako…"

Matapos nito, ay buong suyo niyang inakap ang braso nito. Gusto ni Chui Ming na siya ang nasusunod sa relasyon nila. Ibibigay niya ang lahat ng mga kahilingan nito kapag umaapila ito sa kanyang mga ideyolohiya.

Pero, wala itong silbi sa oras na ito.

Agad na sinakal siya ni Chui Ming. Nagulat siya sa biglaang agresyon.

Kinalmot niya ang malalakas na bisig nito at nagpupumiglas. "Chui Ming, ano ang ginagawa mo?!"

Lumapit si Chui Ming at sadya itong nagtanong, "Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa labas?"

Panandaliang natigilan si Wushuang pero sumagot ito ng mas malakas kaysa dati. "Paano ko malalaman iyon? Bitawan mo ako! Paano mo nagagawang tratuhin ako ng ganito?"

"Bakit hindi kita tatratuhin ng ganito? Kung hind isa iyo, ako ba, si Chui Ming, ay mapupunta sa ganitong kalagayan?!"

Natigilan si Wushuang. Ang kanyang sixth-sense ay nagsasabi sa kanya na may matinding pangyayari.

"Ano ang ibig mong sabihin diyan… Ano ang eksaktong nangyari? Wala naman akong ginawa. . ."

"Hindi ba't kaaway mo si Xia Xinghe, tama?" Galit na tanong ni Chui Ming, "Tinarget niya ako dahil sa iyo! Tapos na ang Chui Corps salamat sa kagagawan mo, b*tch!"

Nanlaki ang mga mata ni Wushuang sa pagkagulat. "Ano ang sinasabi mo… tinarget ka ni Xia Xinghe, tapos na ang Chui Corps? Ipaliwanag mo ng maigi, ano ang talagang nangyari?"

Binitawan ni Chui Ming ang kanyang katawan at napasalampak siya sa sahig na tulad ng basang damit.

Bago pa siya makaupo, isang kopya ng diyaryo ang malakas na sumampal sa kanyang mukha. Narinig niya ang dumadagundong na boses ni Chui Ming sa kanya na nagsasabing, "Basahin mo!"

Hindi na sinubukan pang hamunin ni Wushuang si Chui Ming. Pinulot niya ang diyaryo gamit ang mga nanginginig niyang mga daliri.

Sa unahang pahina ay ang balita tungkol sa pagbagsak ng mga stocks ng Chui Corps. . .

Ang mga stocks ay patuloy na bumababa simula ng magbukas ang merkado at sa ngayon, bumaba na ito ng husto ng wala ng balikan pa.

Isa itong malaking disgrasya!

"Paano ito nangyari?!" Itinaas ni Wushuang ang kanyang ulo para magtanong. Ang kanyang mukha ay kasing puti tulad ng pahina ng papel.

Tumayo si Chui Ming sa kanyang harap, natatabingan niya ang ilaw. Mula sa pananaw ni Wushuang, ang kanyang hitsura ay kasing dilim ng anino na bumabalot sa katawan nito.

avataravatar
Next chapter