75 HINDI NAGSISINUNGALING ANG VIDEO

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sinabi na nga bang may nakatago siyang motibo sa pagpunta niya suot-suot ang malaswang damit na iyan! Hindi ko naisip na napakasama pala talaga niya."

"Tama ka, ang akala siguro ng babaeng iyan may tsansa pa siya na muling maikasal at mabilang sa Xi Family."

"Buti na lamang at may fiance na si CEO Xi at ito ay ang magandang si Ms. Chu."

"Tama, mas mabait at mas maganda pa si Ms. Chu kaysa sa kanya…"

Nasa gitna ng madla si Tianxin, at halos mag-umapaw sa tagumpay at kagalakan ang kanyang puso.

Binigyan niya ng nakakamatay na titig si Xinghe, habang nagdiriwang ang kanyang kalooban.

Nasaan na ngayon ang tapang at yabang mo, b*tch?

Maraming koneksyon si Chui Ming, legal o hindi, sa ibang salita hindi siya simpleng tao. Ikunsidera niyang isa siyang masuwerteng tao kung malalampasan pa niya ang gulong ito ng buhay siya.

Pero siguradong sirang-sira na ang reputasyon niya ngayon.

Imposible na para sa kanyang bumalik pa, maski ang maikasal muli at mapabilang sa Xi Family pagkatapos ng pangyayaring ito!

Kaya Xia Xinghe, tanggapin mo na lamang ang iyong kapalaran na mananatili ka na lamang na third-class citizen, at lagi akong magiging mas magaling kaysa sa iyo!

Mas naging masaya si Tianxin. Lalo siyang natuwa nang makita niyang dumating na ang mga pulis.

Ang araw na iyon ay ang birthday party ng Young Master ng Xi Family kaya maliban sa pangkaraniwang security, naroroon din ang mga pulis bilang karagdagang proteksiyon.

Nang ipatawag ni Chui Ming ang kapulisan, kaagad na dumating ang ilang pulis na nakadestino doon.

Wala pang isang minuto ng dumating sila sa ballroom.

"Ano ang nangyari? Sino ang nagpatawag sa pulis?" Ang first officer na dumating ang ma-awtoridad na nagtanong.

"Honey, ang tiyan ko…" nanghihinang iyak ni Wushuang.

Binigyan ni Chui Ming si Xinghe ng isang nagbabantang tingin at nagsani, "Ako ang nagpatawag sa pulis! Ang babaeng ito ay may intensiyong saktan ang aking asawa at ang bata sa sinapupunan niya. Gusto kong hulihin ninyo siya agad at gusto ko ng magandang resolusyon mula sa pulisya!"

Agad na tumingin ang pulis kay Xinghe at masungit na nagtanong, "Miss, totoo ba ang sinasabi ni Mr. Chui?"

Walang sigla na tumingin sa kanila si Xinghe, ang boses ay kasing-lamig ng yelo, "Kung talagang may masakit sa kanyang asawa, dapat ay nagpatawag siya ng ambulansiya at hindi pulisya."

"Ang mga tauhan ko ang nagpatawag ng ambulansiya. Xia Xinghe, ipagdasal mo na sana ay hindi nasaktan ang asawa ko o malilintikan k asa akin!" Babala ni Chui Ming. Ang galit sa mga mata niya ay nakakapanghilakbot kaya natigilan ang mga pulis.

Hindi man lang natinag si Xinghe, tila ba wala siyang pakialam sa pagbabanta ni Chui Ming.

"Chui Ming, kung ito ay palabas lamang ng asawa mo para ipagdiinan ako, paano mo pagbabayaran ang lahat ng ito?"

Nanginginig ang mga labi ni Wushuang na nagsalita, "Ate, pero hindi ko…"

"You b*tch, huwag mong akusahan ang asawa ko!" Sukdulan na ang galit ni Chui Ming at inutusan na ang pulis, "Ano pa ang itinatayo-tayo ninyo diyan? Arestuhin na ninyo siya ngayon! Kung nagsususpetsa kayo sa nangyari, maaari nating i-check ang security tapes, hindi nagsisinungaling ang video!"

Hindi nga talaga nagsisinungaling ang video.

Ngunit ang footage lamang ang may video pero wala itong sound.

Kung ang footage lamang ang pagbabasehan, aakalain mong itinulak talaga ni Xinghe si Wushuang ng tinangkang yakapin ng huli si Xinghe.

Naipit si Xinghe sa isang posisyon na mahirap depensahan.

Sa takot na masira ang career dahil kay Chui Ming, nag-utos na ang mga police officer kay Xinghe, "Miss, pakiusap sumunod na ho kayo sa amin sa presinto o mapipilitan kaming kayo ito sa pahirapang landas!"

"At anong klaseng landas bai tong sinasabi mo?" Malamig na tugon ni Xinghe.

Harapan niyang hinahamon ang awtoridad ng kapulisan!

Nagbigay na ng senyalis ang leading officer at nag-utos, "Detain the woman!"

avataravatar
Next chapter