118 Ang Nangunguna ay ang X PC Manager

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kami – ang Chui Corps – ay hindi matatalo," tiwalang-tiwala na pahayag ni Chui Ming.

Napakomento ng may ngisi si Xinghe, "Chui Ming, sigurado ka bang gusto mong ipagyabang iyan, baka mapahiya ka lamang mamaya. Well, kung nakakatiyak ka diyan, kaya mo bang makipagpustahan sa akin? Kapag natalo ka, gusto kong hayagan mong aminin sa silid na ito na ikaw, si Chui Ming, ay natalo."

Napaubo si Chui Ming. Hindi sa ayaw niyang tanggapin ang hamon pero ang kabayarang gusto ni Xinghe ay tinatamaan ang kahinaan niya.

Mas importante para kay Chui Ming ang kanyang dangal kaysa sa kanyang buhay.

Pinaparusahan niya ang sinuman na namamahiya sa kanya.

Kaya naman, ang pustang iniaalok ni Xinghe ay mas masahol pa kaysa sa paghingi sa kanyang magpatiwakal.

Kahit na sigurado siyang hindi siya matatalo pero kung mangyari nga na matalo sila…

Kakayanin ba niyang gawin ito sa harap ng mga kakilala niya?

Agad na pumayag si Xinghe ng sulsulan niya itong tanggapin ang kondisyon ng kanyang pusta kaya naman nakakahiya sa kanyang parte kung mag-iinarte siyang tanggapin ang pusta ni Xinghe.

Pero, sa ibang kadahilanan, nahihirapan siyang pumayag.

Syempre, hindi papayag si Xinghe na umatras siya ng ganun na lamang kadali.

"Well?" Mapilit niyang panghahamon.

Sa bugso ng galit niya, pumayag si Chui Ming.

"Mabuti! Narinig ito ng lahat tama? Kapag natalo ako, magbibigay ako ng kowtow kay Chui Ming at hihingi ng tawad sa kanya, pero kapag siya ang natalo, ipagsisigawan niya sa silid na ito sa maraming tao ng tatlong beses na 'Ako, si Chui Ming, ay natalo' ng malakas. Ito ang napagkasunduan natin, tama ba, Chui Ming?" Derechong tanong ni Xinghe.

Naningkit ang mga mata ni Chui Ming, nagbabadya ng panganib. "Oo, tama nga."

"Kung gayon ay hintayin na lamang natin ang resulta ng pagsusuri." Sa sandaling matapos sabihin ni Xinghe ang mga ito, ang mga staff members na mula sa testing committee ay nakita na nila sa loob ng silid.

"Narito na ang mga resulta!" May isang sabik na sumigaw.

Halos agad-agad na naglingunan ang mga tao tungo sa staff na kapapasok lamang.

Ang chairperson ng committee ay agad na humarap sa kanila at nagsalita, "Mga binibini at mga ginoo, ang lahat ng isinumiteng software ng mga kumpanya ay tapos na naming suriin. Nasa aking mga kamay na ang resulta, iaanunsiyo ko na ito ngayon."

Inilabas ng chairperson ang isang remote, itinutok ito sa TV Screen at pumindot dito.

Sa kaparehong sandali na iyon, ang ere sa silid na iyon ay mas ninenerbiyos kaysa dati!

Grabe ang nerbiyos ni Chui Ming. Hindi siya kumukurap na tumingin sa TV Screen, at naninigas ang kanyang katawan.

Pakiramdam nila Xia Zhi at Xiao Mo ay titigil ang puso nila sa sobrang kaba.

Kahit si Junting ay pigil-pigil ang kanyang hininga habang hinihintay ang resulta…

Malinaw na lumabas na ang ranggo sa screen. Lahat ay nakikita iyon.

Ang nangunguna ay ang… X PC Manager!

Kinuha ng committee chairperson ang mikropono at nagsalita, "Binabati namin ang nagwagi na nanguna sa lahat, ang X PC Manager."

"Imposible ito!" Nagmamadaling tinungo ni Chui Ming ang harap ng madla, nakatutok ang kanyang mga mata sa screen. "May nangyaring pagkakamali! Paano ako natalo ng isang bagong gawang software!"

Walang alam ang chairperson sa mga naunang pangyayari kaya mabait niyang kinonsola si Chui Ming.

"CEO Chui, walang masamang nangyari. Ang mga produkto ninyo ay isinailalim namin sa parehong pagsusuri, na atakihin ng 100 iba't ibang klase ng computer virus. Hindi pumalya ni minsan ang X PC Manager pero ang sa iyo ay nabigo ng limang beses. Sa madaling salita, ang security rate ng X PC Manager ay 100 porsiyento habang ang sa iyo ay nasa 95 porsiyento."

"Imposible! May pagkakamaling naganap sa pagsusuri, ulitin ninyo ito!" Madilim na madilim ang mukha ni Chui Ming. Hindi niya matatanggap ang resultang ito.

avataravatar
Next chapter