webnovel

Ang Makitid na Pag-iisip ni Xi Mubai (End of Foreign Country Arc)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinabi sa kanya aad ni Munan, "Big Sister Xia, hindi siya makakatakas."

Sigurado na ang mga krimen ni Saohuang, si Lin Yun na nakikipagtulungan dito ay maaaring may kinalaman din sa ilang paraan. Hindi magtatagal at ang kaugnayan niya kay Saohuang ay mabubunyag din!

Gagawin din ng Xi family ang lahat para maibunyag ang mga kasalanan nito. Matapos ang maraming bagay na nangyari, ang Xi family at ang Lin family ay naging magkaaway.

Isa pa, halata naman na may masamang intensiyon ang Lin family tungo sa Xi family, kaya naman hindi nila ititigil ito kahit ang pagtutulungan nila kay Saohuang ay nabigo na.

Si Xinghe at Munan ay pansamantalang pinakawalan. Kahit na si Saohuang ay nasa kustodiya na, ang kanilang mga kaso ay hindi pa napapawalang-sala. Kahit na, ilang panahon na lamang ang inilalagi naman ng mga ito. Kaya naman alam ng lahat na mapapatawan sila ng hatol na inosente sila.

Maagang umalis sina Lolo Xi at Jiangnian para hindi maistorbo ang mga kabataan at ang kanilang pagsasaya.

Umalis si Xinghe na napapaligiran ng kanyang mga tagahanga, sina Munan at ang iba pa. Si Mubai, na siyang naghihintay sa may entrada, ay nakita mula sa kalayuan na napapalibutan ng mga lalaki si Xinghe. Masaya silang nag-uusap-usap, pero ang kanilang mga tingin ay hindi miminsang nawala kay Xinghe. Pinanatili ni Xinghe ang isang bahagyang ngiti, sumasagot lamang kapag siya ang tinatanong.

Sa ibang kadahilanan, nagpapakawala siya ng malakas na pang-akit na kahit ang mga kahanga-hangang binata tulad ni Munan ay naaakit sa kanya. Ang kanilang mga mata na nakatingin kay Xinghe ay punung-puno ng paghanga at pagsamba.

Ang nakatayo sa hindi kalayuan na si Mubai ay nainis sa nakikita.siyempre, hindi niya sasabihin o ipapakita ito.

Lumapit siya ng may nakakaakit na ngiti at magalang na kinuha ang kamay ni Xinghe. "Ang lahat ay naging maayos?"

Tumago si Xinghe. "Oo, matagumpay ito."

Masayang hinagod ni Mubai ang kanyang buhok. "Mabuti, umuwi na tayo, pagod ka na siguro."

"Okay." Tumangong muli si Xinghe at hinayaan na maigiya siya patungo sa kotse.

Personal na ipinagbukas ito ng pintuan ni Mubai. Pumasok na din ito matapos sumakay nito at pagkatapos ay… malakas nitong isinara ang pintuan at sinabihan ang tsuper na magmaneho na paalis!

Hindi niya inisip si Munan na kakalaya pa lamang!

"Hey, Big Brother…" ikinaway pa ni Munan ang mga kamay sa kotseng sumibad paalis. Big Brother, wala ka bang nakakalimutang bagay o kung sinuman? Paano mo na lamang ako nagawang iwan ng ganito?

"Iyon pala ang kuya ni Pinuno, si Xi Mubai," humahangang sambit ni Yan Li. "Kamukhang-kamukha niya iyong nakita ko sa TV."

Hindi ba't tama lamang iyon?

Nagtanong si Gu Li, "Pinuno, hindi ba't sinabi mong para kayong magkapatid, kaya bakit…?"

Bakit ka niya iniwan? Mukhang sinasadya ka niyang hindi pansinin.

Hindi na tinapos ni Gu Li ang pangungusap niya ngunit tila nahuhulaan na ng iba pa ang nangyari. Bigla, ang tingin mula kay Gu Li at Yan Lu ay naging mapang-usisa. Kahit si Munan ay nalito. Bakit hindi siya papansinin ng kuya niya? Kung iisipin, dapat ay masaya pa nga ito para sa kanya. Kaya ano ba ang problema?

Para mapagaan ang ere, tumawa si Yan Lu. "Pero mukhang may magandang relasyon siya kay Miss Xia. Gayunpaman, hindi ba't sinabi mo sa amin na diborsyado na sila?"

"Kaya pala!" Napahiyaw bigla si Munan. Ngayon ay alam na niya kung bakit iniwanan siya. Ito ay dahil sa selos!

Xi Mubai, bilang isang nakakatandang kapatid na naipanganak ng ilang taon mula sa akin, kailangan mo pa bang maging makitid ang pag-iisip?

Sa loob ng kotse, mabait na ipinaalala ni Xinghe sa isang tao.

"Mukhang nakalimutan mo si Munan."

"Ganoon ba?" Sabi ni Mubai nang hindi nagbabago ang mukha, "Ayos lamang iyon, kaya naman niyang maglakad pauwi ng sarili niya."

Next chapter