webnovel

Meet Mikee and Spencer

Chapter One

Mikee❤

"Bes! Hindi ko naman alam na sa States na pala ako pagaaralin!" paliwanag sakin ni Gelai. Hindi ko parin sya pinansin at tinuloy lang fill-up-an yung enrollment papers ko.

Balak ko namang magaral sa all-boys school, grabe kasing pahirap nung dati kong school eh, binubully ako nung mga babae dahil bakit daw ang ganda ko. Hinihiwalayan tuloy sila ng boyfriend nila at sa akin nanliligaw.

Hindi ko kayo inookray ha, maganda talaga ako. Tinatawag nila akong Androgynous Beauty dahil kahit may lawit ako, if you know what I mean, eh mukha akong babae plus pa na medyo mahaba ang buhok ko.

"Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko!" Nakaisip naman ako ng evil plan kaya hinarap ko sya.

"Are you sure?" Tumango naman sya.

"Kailangan buwan buwan papadalhan mo ako ng chocolates at favorite polo collection ko." Sabi ko. Madali nalang para sa kanya yon. Aba! Ke yaman yaman kaya ng babaeng to.

"Sure! Walang palya!"

One of the prestigious school ang Canion Colleges. Dito nagaaral ang mga mayayaman, at naggwagwapuhang estudyante.

By the way, bago ko makalimutan. Ako nga pala si Mikee Loise Bermudez, I'm just simple, I think. Masasabi ko naman na mayaman ako, I have my own house and cars, yes with S.

But that doesn't matter, I have my mother and father working together abroad as business tycoons. Pero wala pa rin yun sa mga taong makakasalamuha ko sa Canion.

Solo lang akong anak kaya naman spoiled na spoiled ako sa magulang ko. Hobbies? Uhmm, I sing but I don't dance. I can but I just don't. Ang gulo na! Volleyball is my sport. Doon ko matatawag ang sarili ko na master. Varsity na ako sa previous school ko since Grade 4. Una ay hindi pa ako masyadong sanay but nang magsimula ako ng high school ay sunod sunod kong naipanalo ang team namin hanggang palarong pambansa.

Enough with the intro.

Papunta ako ngayon sa Canion para sa Entrance Examination. Hindi lang kailangan ng datung sa Canion, dapat may utak ka din. Katakot takot na 90 percent ang kailangan mong ipasa. Kaya medyo konti lang ang nakakapag aral sa Canion. Pero hindi yon kabawasan.

I just wear denim shirt, fitted above the knee short and flat shoes. And I'm off to Canion Colleges.

Papasok palang ako ng gate ng harangin ako ng guard. Marami na rin nakapila at nakaagaw ako ng atensyon. "Nako, miss bawal po ang babae dito. Kailangan nyo po ng slip sa office."

Ngumiti ako ng matamis sa guard. Lagi nalang ganito ang scenario. "Sorry Kuya pero lalaki po ako."

Nagulat naman si Kuya at natulala pa ata. Pinapasok naman nya agad ako. Pinagtitinginan nga ako eh. Ikaw ba naman makakita ka ng mukhang babae tapos matagal tagal kang off limit sa tunay na babae dahil all boys school to.

"Grabe bro, ang hot naman nya."

"Sigurado ba kayong lalaki yan?"

"Oo naman, sya pa nga nagsabi eh"

"Pede na yan!"

At marami pa akong narinig sa kanila habang hinahanap ko ang building kung saan kami magtetake ng exam. Yung iba pa nga ay sumusunod sa akin. Sanay na rin siguro ako.

*****

Mabilis kong nasagatan ang exam, ilan lang siguro ang hindi ko sure. Mabilis din naman mapoprocess ang papers kaya hapon din ay irerelease na ang rankings at kung sino ang mga nakapasa. Kami ang huling batch na nagtake kaya official ranking na ang ipopost.

Tumambay muna ako sa isang fountain place sa loob ng Academy. May mga benches sa paligid non. Naupo ako sa isa don, maganda ang ambiance. Summer kumbaga. Sabayan pa na ang tahimik.

"Ate! Ano pong ginagawa mo dito?" Lumingon ako sa kumuhit sakin. At nalaman kong isang bata pala ito, 7 to 9 years old siguro sya kung titingnan.

Nginitian ko sya. "Ako nga po pala si Steven. Ang ganda mo po."

Natawa naman ako. Inakbayan ko sya at ginulo ang buhok. Sigurado akong gwapo ito paglaki. "Wag mo ko tawaging Ate kase Kuya ako."

Kumunot naman ang noo ni Steven. Ang cuuuuute! "I'm Mikee. Kuya Mikee."

"Gusto ko po Ate Mikee, kase mukha kayong ate." Tapos nagpout sya. Hahaha! Ang cute talaga nya, hindi ko maiwasang halikan sya sa pisngi na ikinapula naman nya.

"Ate Mikee may boyfriend ka na ba?" hindi agad ako nakasagot. I have bad memories when it comes to relationship things.

"Pede po ba ako nalang? Hehehe..." natawa naman ako at kinurot sya sa magkabilang pisngi. "Oo naman Steven."

"Yehey! May girlfriend na ko!" Tumakbo sya kaya sinundan ko nalang sya ng tingin habang nakangiti. Pumitas lang pala sya ng bulaklak at binigay sakin, its Hyacinth. Beautiful.

Hinalikan ko uli sya sa pisngi. "Sino nga pala ang kasama mo dito Baby Steven?"

Ngumiti uli sya bago sumagot. Ang cute talaga. "Si Kuya po. May kausap po sya kaya tumakas po ako."

"Gusto mo bang hanapin na natin sya?"

Tumango lang si Steven. Mukhang hindi na naman kailangan hanapin dahil may narinig akong tumatawag kay Steven mula sa likuran.

"Kuya!"

"Ano bang ginagawa mo dyan! Bakit umalis ka sa tabi ko!"

Amg gwapo nung boses! Kaso mukhang antipatiko. Humarap na ako at saktong nagkatinginan kami. Parehas kaming napatanga sa isat isa. Shet, ang gwapo nya. Makalaglag panty! Sya yung tipong papayag ka na sa lahat.

Nang makabawi kami sa pagkagulat ay nagsalita sya. "Oh, miss. Mukhang naligaw ka ata. Want to come to my place?" at kinindatan nya ako.

Siguro ay madadala nya ako sa paganyan ganyan nya. Well, andami ko ng napagdaanan na ganyan. At ayoko muna. Landi landi lang.

"Hahaha I'm a boy actually." At nakita ko na naman ang gulat nyang mukha. Hindi nya ba halata? Wala akong boobs no?

"And I'm not interested." Yun lang at tinalikuran ko na sya. Bago yon ay nagpaalam muna ako kay Steven.

*****

Hindi na ako nagtaka kung bakit ako Top 5 sa Exam. Madali lang naman kasi yon. Nandito na ako sa parking at pasakay na ng kotse. Dala ko na rin ang schedule ko dahil next week ay maguumpisa na ang klase. Sobrang bilis din kasi talaga ng proseso dito sa Academy.

Dumaan ako sa Starbucks para na rin bumili ng frappe. I love their frappe. Then I saw this guy, he's attractive. He has a headset hanging in his neck. Korean hairstyle at bagay sa kanya dahil chinito sya. Gumana ang landi hormones ko kaya tumabi ako sa kanya dahil solo lang naman sya.

"Hi?" bati nya, ngumiti ako at lumapit pa ng konti sa kanya.

"Paupo ha." Tumango lang sya. Ayaw nya ata ng kausap kaya hindi ako nagsasalita.

"Anong pangalan mo?" This time tumingin na ako sa kanya. Nakangiti na sya at litaw na litaw ang mapuputi nyang ngipin. Nawawala din ang mga mata nya kaya mas nakadagdag ng kagwapuhan.

"Mikee Loise Bermudez." I answered. Nangalumbaba naman sya sa mesa at tinitigan ako. "I'm JC anyway, music lover."

"Uhmm friends?" Tanong nya at iniabot ang kamay nya. Tinanggap ko naman yon. Tatanungin ko sana sya kung saan sya nagaaral pero sinabi na nya.

"Sa Canion ka rin ba nagaaral?" Tanong nya. Tumango lang ako. Ang cute nya talaga lalo na pag ngumiti.

"Pede bang makuha number mo para sure na magkikita uli tayo?" Ibinigay ko na sa kanya yung number ko. Wala din naman kasi akong textmate eh.

"See you?"

Oh. Hindi na ako sumagot at nagpaalam na. Pogi talaga sya pero hindi katulad nung kanina, sobrang gwapo nung kuya ni Steven kaya lang may pagkabastos at may pa "my place" pang nalalaman.

Umuwi na ako ng bahay, as usual wala na naman akong naabutan. Kaya natulog nalang uli ako.

Ang boring sa bahay, kaya nagdesisyon akong pumunta ng simbahan. Kahit naman hindi ako masyadong makadiyos ay hindi parin ako nakakalimot.

Nagdasal lang ako at nagpasalamat sa lahat ng biyaya at pagkatapos non ay lumabas na. Naupo muna ako sa gazebo at kumain ng bibingka na itinitinda doon.

Hindi naman ako maarte sa pagkain kahit uhm mayaman ako.

"Ate Mikeeee!"

Si Steven! "Oh? Hi Baby Steven!"

"Wag mo nga syang tawaging baby! 8 years old na yan." Napatingin naman ako sa nagsalita at yung kuya pala nya. Ang pogi talaga shit! Hindi ko maiwasang tumitig pero syempre hindi ako nagpahalata.

"Uhm kuya! Sya nga pala si Ate Mikee! Girlfriend ko po!" Nakita ko namang bumusangot ang mukha nya. Problema ba nito?

"Tsaka ano yang kinakain mo? Malinis ba yan?"

Tiningnan ko naman sya ng masama. "Oo naman, palibhasa ignorante ka."

"Anong sabi mo?" Galit nyang sigaw.

"Narinig mo ko, wag mong gawing bingi ang sarili mo!" Pagtataray ko.

"Aba!"

Halatang galit na galit na sya, natatawa nalang ako sa itsura nya. Buti nalang at sumangat si Steven.

"Kuya! Wag mo ngang awayin ang girlfriend ko!" Lalo naman akong natawa ng lalong bumusangot ang mukha nya.

"Hindi mo na sya girlfriend dahil break na kayo. Di ako papayag na sya ang girlfriend mo Steven. Hindi ka bakla!" sabi nya kay Steven at hinila na paalis, narinig ko namang nagiiyak si Steven.

Haaay! Ang sama talaga ng ugali!

Nhojies

[Vote and Comment!]

Next chapter