webnovel

PROLOGUE

Masakit man ang mahulog at magmahal ng taong hindi tayo mahal."

Pero mas masakit yung pinapakilig ka,pinasaya, pinalungkot,pinatawa,pina inlove pero hindi ka kayang mahalin.

Nahulog kana pero hindi ka kayang saluhin.

Minahal mo na pero hindi ka kayang mahalin.

"In short pinaasa ka niya at ikaw naman ay isang dakilang umaasa.

Naranasan mo bang mahulog sa isang tao na sobrang sweet,caring,protective,mabait at higit sa lahat may respeto sayo,idagdag na natin ang gwapo?

Hindi pwedeng maging kayo dahil sa kadahilanang may mahal siyang iba at kaibigan mo iyon.

Sinabi niyang masaya siya sayo kapag ikaw ang kachat niya sa facebook at kausap sa cellphone.

Yung tipong mahal niyo ang isa't-isa, pero hindi pwede dahil pumapagitna sa inyo ang kaibigan mo?

Yung tipong tumitigil ang oras niyong dalawa, feeling mo kayo lang ang tao sa mundo kapag nkakausap at nakakasama mo siya.

Namimiss mo siya kapag hindi mo siya nakikita,nakakausap,nakakachat mas lalong namimiss mo ang boses niya in short namimiss ang isang tulad niya.

Ginawa mo siyang mundo mo, umiikot lamang sa kanya ang buhay mo.

Alam mo ang masakit na sa pag-gising mo isang umaga masasabi mo sa sarili mong "Ay wala palang kami".

Pero mas masakit pala yung sasabihin niyang " Sino kaba para pagbawalan ako makipag-usap o makipag-kita sa iba? Sino kaba para awayin ak0? Sino kaba para magalit ka sa akin?At mas lalong sino kaba para magselos sa kanya? Tandaan mo May ikaw at ako pero walang tayo."

Sinampal ako ng katutuhanan na umaasa ako sa wala. Tama nga" Walang Kami".

Walang kami pero pinasaya, pinakilig at pinaramdam niyang special ako.

Pero lumipas ang araw at panahon, lumabas din ang katutuhanan.

Pinaasa niya ako, at ako naman ito umaasa.

Ang masakit ang kaibigan ko na bestfriend ko ang dahilan ng lahat.

Ang bestfriend ko ang unang minahal niya at hanggang ngayon. 

Ako iyong ginamit niya para mapalapit ulit sa kanya.

Ang sakit dahil dalawang taong minahal mo at pinagkatiwalaan mo siya pala ang wawasak ng puso at pagkatao mo.

.

.

.

.

Ako si Samantha Madrigal at ito ang aki--------....

aming kwento..

Next chapter