5 Chapter 3

"F*ck! I need to get out of here" gigil kong mura habang nahihirapang tinatanggal ang tali sa'king kamay.

Napatigil ako nang makarinig ako ng mga yabag at boses na papalapit kaya nagpanggap akong tulog. Kung tatyantyahin ang mga boses ay sa tingin kong hindi lalagpas sa lima ang pumasok at alam kong may mga dala-dala silang mga baril pero hindi ako natatakot dahil sanay na ako sa ganito.

"Pero hindi ko kilala ang mga taong dumakip sa'kin." gigil kong saad sa sarili

For goodd*mn sake, wala akong naisip na maling ginawa or what.

Sa pag kakatanda ko lang ay nasa bar lang ako pero pag labas ko ay may bigla na lang pumalo sa ulo ko.

Sa lakas ng impact nito ay nakatulog ako at nagising sa loob ng budegang ito.

"Lagot ako kapag nalaman niya ito. C'mon buddy, think something bago ka pa mabugbog ng mga kumag na'to"sabi ko sa sarili ko habang pasimpleng kinakalag ang tali sa'king likuran.

Natigil lang ako ng tuluyan ng tumigil sa harapan ko ang isang grupo ng mga lalaki pero nakatago sa dilim ang mga mukha nito. Base sa nakikita ko ay hindi lang basta mga lalaki 'to dahil may mga katawan itong kasing laki na ng mga bouncer sa club.

"Gising na pala ang kamahalan" tawang saad ng isa sa kanila

Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa narinig, mukhang alam nilang nagpapanggap ako.

Marahas akong nag angat ng mukha at matatalim silang tinitigan na naging sanhi nag pagtawa nila. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung ginagago ako.

"Sino kayo!" gigil kong sigaw

"Chill lang bata, may kailangan lang kami sayo saglit" saad nito

Mas lalo namang napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.

"At para saan pa?" mayabang kong tanong habang pasimpleng kinakalag ang lubid na unti-unti ng lumuluwag.

"Hintayin mo nalang si Boss, bata." sagot naman ng isa na ngayon ay pinagkalaruan nag kutsilyo sa kamay

Nakaisip naman ako ng ideya ng makalag ko ang tali. Mukhang hindi nila napansin 'yun dahil busy sila sa pag uusap sa'kin.

"Bakit kailangan niyo pa akong igapos?" ngisi kong sagot

"Baka kasi makatakas, eh. Mahirap na."

Bigla naman akong natawa ng malakas dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko kayo tatakasan. Isa pa sa mukha at katawan niyong yan? natatakot kayong matakasan ng isang kagaya ko?" natatawa ko pang sagot

Dahil sa sinabi ko ay lumabas na sa dilim ang mga 'to. Nakita ko pa ang pagkasa ng baril ng isa sa kanila at pagkunot ng kanilang mga noo.

"Aba! mayabang kang bata ka ha" mariing saad ng asa kaliwa.

Kung titignan mula sa pwesto ko ay may dalawang taong naka pwesto sa magkabilang gilid ng isa sa kanila. Ang isa naman ay nasa likuran nila na tila nagmamatyag at nakikiramdam.

"Woah! Chill lang haha wala naman akong ginagawa sa inyo unless... inisip niyong mahina kayo" ngisi kong saad

Tila natahimik naman ang lalaking sumigaw kanina kaya dumekwatro ako ng upo at nag hihintay sa sasabihin nila.

"Hindi ka kasi makapag hintay" saad niya pa at habang sinasabi n'ya yun ay may isa pang lalaki ang pumasok.

Mas matapang ang mukha nito kumpara sa apat. Nakasuot din ito ng itim na polo ay masasabi kong batak ang katawan dahil sa laki.

Sa una ay hindi ko siya nakilala agad pero nang matitigan ko 'to ng matagal ay natawa na lang ulit ako ng malakas. Narinig ko pa ang pagpapalagutok ng kamao ng apat dahil sa inakto ko.

"Iwan niyo na kami" saad nito ng may boses na napakalalim at napakalamig.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangisi dala na din siguro sa nag iba na ang aurang meron ito.

"Nagbalik na pala ang isang 'to" bulong ko

Nang makalabas ang apat ay nakatayo lang siya sa harapan ko na ikinataas ng isang kilay ko.

"May sasabihin ka ba?" magaspang kong tanong

Wala naman akong nakuhang sagot dito bagkus ay kumuha pa ito ng upuan upang umupo sa harapan ko.

"Bakit hindi ka pa umayos nang upo? natanggal mo na yung tali, hindi ba?" kalmado nitong saad

Napangisi naman ako at tinaas ang kamay kong sinusundan niya na nang tingin. Kasabay nun ang pag laglag ng tali na ngayon ay putol na.

"Happy?" pang iinis ko sa kaniya.

Tinitigan lang niya ako nang matalim kaya mas lalo akong napatawa ng malakas.

"Hindi ko aakalaing ikaw ang may gawa nito" ngiting aso kong sagot bago sumugod sa pwesto niya.

Mabilis ko siyang dinambahan ng suntok sa mukha na ikinailag niya. Alam kong alam niya ang gagawin ko pero mabilis kong inikot ang isang paa ko sa binti niya na ikinatumba.

Akmang susuntukin ko na siya sa mukha ng mahuli niya ang kamao ko kaya natawa na lang akong muli.

"Humihina ka na ata" pang iinis niyang saad

Naiiritang binawi ko naman ang kamay ko sa kanya at tumayo na. Marahan ko namang pinagpag ang nalukot at nadumihan kong polo.

"Ano bang pakana 'to? kailangan ka pa natutong magpadukot? hindi bagay sayo... nakakasuka" pang iinis ko sa kaniya habang tinutulungan siyang tumayo

"Namiss lang kita, hindi ko aakalaing yun ang isasalubong mo sa'kin. Gusto mo bang malaman 'to ni-"

Pinutol ko ang pagsasalita niya sa pagbibigay ko ng malamig na titig sa kanya na ikinatawa niya naman.

"Napaka initin talaga ng ulo mo"

"Ano ba kasing kailangan mo? ayaw mo naman sigurong dagdagan ko yang peklat sa katawan mo" ngisi kong saad

Nakita ko pang napakuyom siya ng kamao pero sa kalaunan ay napabuntong hininga din bago nagsalita.

"May balita na ako sa kaniya"

-

"Captain! mauna na kami" sabi ng iba sa teamates ko habang papalabas na ng shower room.

"Oo" maikli kong saad habang dinadama lalo ang lamig ng tubig

Katatapos lang namin maglaro ng basketball. Naisipan na din naming maligo tutal may pupuntahan din ako. Dadaretso pa ako sa mall dahil may kailangan akong daanan doon.

"Mukhang problemado ang captain na'tin ha?"  natatawang sabi ni steven ang shooting guard ng grupo nila

"Halata nga pre, kita mo naman ang mukha... parang nalugi haha" sagot din ni troy

Mariin lang siyang napapikit dahil wala siyang lakas na makipag kulitan sa kanila dahil masakit pa rin ang kaniyang katawan matapos ang nangyaring UF kahapon. Kinabukasan din nun ay laro nila sa kabilang unibersidad kaya wala siyang ganang para makipag sabayan pa sa kanila.

"Manahimik nga kayo baka mamaya ay umuwi kayong bugbog sarado" natatawang saad naman ni daimon

Bago siya umalis sa pwesto ay binigyan niya muna ng matalim na titig ang dalawa kaya natahimik din sila mula sa pagtawa.

"Tapos na ako, mauuna na ako sa inyo" malamig kong saad bago ko binalot ng tuwalya ang kalhati ng aking katawan.

Nang makabihis ay agad ko ding nilisan ang iskwelahan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko. Gusto ko ng mahiga sa kama dahil sobrang sakit ng katawan ko.

Habang nag mamaneho ay nakatanggap naman siya ng mensahe. Sinigurado niyang naka red light bago niya 'to binuksan.

+09*********

Hey babe, how are you? I miss you so much. Btw, malapit na ako umuwi sa pilipinas! Let's meet at my condo when I get home ok?"

Receive (5:48 PM)

Hindi niya alam kung sino ang nagmamay ari ng numiro na'yon pero isa lang ang kilala niyang babaeng pumasok sa isipan niya.

Si Maddie mendoza, she's a spoiled brat at hindi siya gusto ng magulang ko para sa'kin especially my mom. Ewan ko ba pero stalker ko ang babaeng 'yon at wala akong gusto dun.

Hindi ko na lang ito nireplayan dahil sayang lang sa load at nag green light na din kaya pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.

Habang humaharurot ay doon niya lang napansin ang sumusuod sa kaniya.

"What the...." irita kong saad

Tangkang ililiko ko na sana ang aking sasakyan nang bigla akong naharang ng isang nakakotse at sa loob nun ay may lalaki na nakasuot ng all black at tinututukan na ako ng baril.

'Great' bulong ko pa

Pinaandar ko nang mabilis ang sasakyan ko na parang nangangarera sa bilis. Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ang siya ding bilis nang putok ng mga baril na tumatama sa sasakyan niya

"Shit! Limited Edition 'tong sasakyan ko at bagong bili lang!" sigaw ko ng biglang nabasag ang bintana sa likod ng sasakyan ko.

Bigla kong kinabig ang kambyo pakaliwa ng bigla akong pinaputukan ulit nito.

Tinamaan ako pero daplis lang naman, malayo sa bituka.

Nag paputok itong muli ngunit natamaan nito ang gulong ng kotse ko kaya sumalpok ako sa puno buti nalang hndi sumabog.

"Kapag minamalas nga naman oo" gigil kong bulong ng makalabas ako sa kotse

Mabilis niyang tinakbo ang gubat mabuti na lang ay sa dulo noon ay may highway at madaming mga tao. Kasabay ng paglabas niya sa gubad ay nakarinig naman siya ng pagsabog. Paniguradong pinasabog nila ang sasakyan ko.

Tumakbo siya hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa mauubusan siya ng dugo. Wala din siyang dalang armas para lumaban sa kanila.

Habang tumatakbo ako ay may bus akong nakita kaya pinara ko agad ito. Mabilis naman akong pumasok sa loob dahil napansin kong malapit na ang mga humahabol sa'kin.

Nilibot ko ng mabuti ang aking tingin at napansin kong puno na nga dahil sa dami ng pasahero but I saw another seat in the last row kaya doon ako dumaretso.

Natigil ako sa pag upo ng mapansin na may natutulog at base sa itsura niya ay babae 'to.

Nandidiri niyang tinignan ang dalagang nakakanga. Pero no choice siya kaya nang makaupo siya ay siya namang pag hilik ng malakas ng dalaga.

Kahit nagsisisi ay wala na akong nagawa kung hindi tiisin ang hilik niya. Mabuti namang nadala ko ang wallet ko pero naiwan ko ang cellphone ko sa kotse.

"Fuck!"

Naramdaman niya ang pagkirot ng sugat sa braso kaya hindi siya nagdalawang isip hiklatin ang panyong nakatabing sa mukha ng dalaga at iyon ang pinangbalot niya. Mabuti na lang ay nakasuot siya ng varsity jacket kaya hindi na mapapansin 'yon.

Habang nagtatali ay nakaramdam naman siya ng pagsandal at pagdantay sa kanya.

Sumandal lang naman sa'kin ang babae kaya bigla kong tinapik ang ulo nito dahil natamaan nya ang sugat ko sa balikat.

Nang nalihis ang ulo ng dalaga ay siya namang paghinga niya ng malalim at tinapos ang pagtali sa kanyang braso.

Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa sobrang pagod pero napatigil ako ng may maramdaman akong pumatong ulit sa'king balikat.

"Great, so fckng great. Anong karapatan niya para gawin akong unan" galaiti kong sigaw sa'king isipan.

Napatigil naman ako sa pagwawala sa isip ko nang mapansin kong may puting tumutulo sa labi niya at malinaw din iyon hindi ka--

"ohh shit, shit, shit!"

"Hey! miss, wake up!" Sigaw at yugyog nang malakad sa babaeng katabi ko pero hindi talaga nagpatinag.

"Anak naman ng teteng" galit kong sabi

Wala akong pakialam kung pinag titinginan kami ang mahalaga ay maialis ko ang babaeng daig pa mantika kung matulog.

"Panget! Wake up!" pinitik pitik ko na ang noo nito pati ang ilong ngunit ayaw pa rin talagang magising.

Sa sobrang inis ko ay nakaisip ako ng hindi maganda kaya napangisi na lang ako habang tinititigan ang babaeng payapang natutulog sa balikat ko.

"Ayaw mo gumising ha" mala demonyong saad ng utak ko bago gumawa ng kababalaghan.

"ARAY NAMAN!" nag angat na ito sa wakas ng tingin at daretso akong tinignan sa mata. Tila natulala pa siya at napanganga.

Okay, may itsura naman but ang creepy niya sa paraan nang pagtitig niya sa'kin.

Napakunot naman ako nang noo at ilang beses kong pinipitik ulit ang daliri ko sa harap n'ya at mabuti na lang dahil bumalik din ito sa katinuan.

"Finally, you're awake. Geez, muntikan na k--wait are you drooling?"

Wala na naman akong nakuhang sagot dahil nakatulala na naman ito. Natatakot na ako sa titig niya kaya lumayo ako at minabuti na lang na pumikit at bumulong para marealize niya kung ano itsura niya.

"Ampanget na nga, mukhang baliw pa. tsk!"

Kahit naiirita ay minabuti ko na lang na matulog kesa sa makipagtalo pa sa kanya.

Hindi ko namalayang huminto na kami sa isang bus stop. Nagising na lang ako ng maramdaman ang paggalaw ng katabi ko, kahit na pagod ay pinilit kong idinilat ang mga mata ko at matyagang nagiikot ng paningin hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pagparada ng itim na sasakyan sa tapat ng bintana namin.

Napansin ko din ang pag akmang tayo ng katabi ko at saktong napatingin din siya sa itim na kotseng naka parke malapit sa'ming sinasakyan. Bigla naman akong kinabahan dahil may mga lalaking lumabas lunan nito.

Nakita ko pang nilingon kami ng isang lalaki kaya binaba ko kagaad ang kurtina kahit na magmukha akong bastos.

Marahas akong nitong nilingon at kinunutan ng noo pero napaiwas din siya ng bigla ko siyang tinignan.

Hinayaan ko na lang ito sa ginawa niya tutal sarado na man ang bintana. Pumikit na lang ako ulit at nakiramdam hanggang sa naramdaman ko ang pagtayo niya.. marahil ay lalabas siya. Pero nakarinig na lang ako ng yabag kaya mabilis akong napadilat at mabilis ko din siyang hinila sa kamay kaya napakandong siya sa'kin.

"Tiisin mo pete," bulong ng utak ko. Sa sobrang kalikutan niya ay hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya at saktong nakapasok na din yung mga lalaki kaya napasubsob ako sa leeg niya.

"H-hoy! Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako! m-manyak ka!" Sabi niya at malakas na kumakalas. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko dahil dito.

"Amoy baby" bulong ng kanang utak ko.

"Nanay at Tatay, patawarin niyo po ako saking pagkakasala"  mangiyak ngiyak niyang bulong kaya hindi na ako nagdalawang isip sagutin siya.

"Pwede ba panget, Huwag kang maarte. Alam ko naman na type mo ako kaya makisabay ka nalang." madiin kong saad habang sumisiksik lalo.

"A-Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Stay. Bibigyan kita ng kiss mamaya" Masukasuka kong sagot at mas lalo pang sumiksik sa kanya.

Naramdaman kong malapit na sila dahil lalong tumatapang ang masangsang na amoy sa paligid.

"Nalintikan na"

-------------------------

Follow me in wattpad for more updates.

Username: @Pretty_Christia

Thank you sa pag hihintay!❤

avataravatar