4 Chapter 2

Isang malakas na ingay ang sumira sa tahimik na paligid ng opisina nang basagin nito ang isa sa mga nakahilerang pugirin.

Napag alaman niyang hindi pa rin nahahanap ang kanyang puntirya kaya ganun na lang ang kanyang galit at isa din ang dahilang pagpalpak muli ng kaniyang utusan.

"PALAGI NALANG BANG KAPALPAKAN ANG IBABALITA NIYO SA AKIN?!" Sigaw nito sa taong nakayuko sa kanyang harapan habang nanginginig na sa takot.

"Patawad po ngunit wala pa po kaming balita. Hinanap na din po namin sa ibat-ibang parte ng bansa pero wala po talaga" sagot ng lalaking nakayuko na ngayon ay nakaluhod na .

Tinitigan niya naman ito habang nililinis ang paburito niyang baril.

"Then, do something! dahil kung hindi ay kayo ang malalagot. Naiintindihan niyo ba?!" mababang sigaw niya

Dali-dali namang tumango ang lalaki.

"Yes, chairman" ani nito at nagmamadali nang lumabas.

Napahilot na lamang siya sa sentido niya dahil sa lahat ng nangyayari.

Faith's POV

"Iha... gising"

"A-ano ba... ang ingay naman" naiinis kong sabi dahil naririnig ko sa paligid pero bigla akong napabalikwas ng malaman kong nasa bus station na pala ako.

"aruy, nakatulog pala ako.." mahina kong tinapik ang pisnge ko habang pipikit pikit pa pero nawala agad ang antok ko ng marinug ang pagtikhim ang taong nang gising sa'kin

"N-nako naman manong pasensya na nakatulog po ako. Hindi ko po kasi namalayan"

Lumabas ako ng tricycle upang mag pasalamat at para na rin ibaba ang aking mga bagahe pero napansin kong lahat ng iyon ay naka hilera na sa labas ng motor.

"Manong nag abala pa kayo sana ginising niyo nalang po ako. Nakakahiya naman po, maraming salamat po" kamot ulo kong payahag samantalang ang driver naman ay napa iling nalang at nag paalam ng aalis.

"MANILA, MANILA, MANILA... AALIS NA ANG BUS PAPUNTANG MANILA!"

Dali-dali kong binuhat ang gamit ko kahit na may kabigatan. Pinilit ko ding tinakbo ang kondoktor na nagtatawag huling pasahero.

"Iha, manila ka din ba?" Tinanong agad ako nito ng ako'y makalapit kaya tango na lamang ang aking na isagot

"Akin na ang bagahe mo ng maisilid na sa compartment. Dalhin mo na lang ang kailangan mong dalhin"

Bago niya kuhanin ang gamit ko ay kinuha ko muna ang isang maliit na baunan sa bagahe at mabilis nang pumasok sa loob upang mag hanap ng pwesto sa loob ng bus.

Halos mapuno na ang bus ng makapasok siya pero laking pasasalamat na lang niya dahil may isang pwesto pa sa dulo. Pang dalawang tao upuan kaya dun na lamang niya piniling pumpwesto at sinakop ang isa pang upuan sa tabi.

Sa sobrang antok ay minarapat niya na lamang matulog sa byahe dahil panigurado ay malayo pa ang babyahihin niya.

"Shit!"

Tila naalipungatan ako ng marinig ko ang mura na'yon.

"Hmm, bakit nagsasalita yung unan? atska ang bango" sabi ko sa isip ko.

Dahil sa kalambutan ay mas lalo ko pang sinandal ang ulo ko dito at marahang yumakap.

"Anak naman ng kabayo" galit na bulong nito

Isang kalabit naman ang nakapag pagising ulit saglit sa'kin pero binaliwala ko na lang ito dahil na rin sa pagod at antok na aking nararamdaman.

"Hey! Miss, Wake up!" galit na bulong ng lalaki

Dahil sa kaantukan ay hindi ko na alam kung kaninong boses ba'yon. Wala pa naman siguro ako sa maynila kaya matutulog muna ulit ako kahit kaunti.

"Unti pa" bulong ko na para bang may kausap

Sinilip ko saglit ang bintana sa'king tabi at nakita kong medyo makulimlim na pero kahit ganun ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapapikit at maglikot.

"Great, so fckng great. Anong karapatan niya para gawin akong unan" rinig kong bulong nito.

Pero nilamon lang ako lalo ng antok ulit kahit na rinig na rinig ko pa ang huling sabi nito.

"Ayaw mong gumising ha"

Natigil naman ako sa pag kislot nang may maramdaman akong matigas at mabangong amoy na ngayun ay nakadikit sa'kin kaya mabilis akong nagangat ng tingin dito.

Kahit nanlalabo ay pilit kong dinidilat ang aking mga mata kaya lang naramdaman ko namang tila may bumubunot sa'king buhok.

"ARAY NAMAN!" Sigaw ko napaayos ako bigla ng upo.

Nababadtrip kong nilingon ang taong kanina ko pa naririnig na nag mumura at ang may kagagawan ng pagkagising ko.

"OH MY GOSH" tili ko sa aking isipan

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa kakisigan nito at daig ko pa baliw dahil sa pagtitig ko ng husto sa kaniya.

"Finally, you're awake. Geez, muntikan na k--wait are you drooling?"

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya dahil pinagmamasdan ko pa rin ito at pakiramdam ko ay naglalaway na ako.

Alam kong pumitikpitik lang ito ng daliri sa harap ko ngunit nakatitig lang talaga ako sa kanyang mukha.

Sa sobrang kinis ay nahiya ang mukha ko. Ang labi niyang mapupula at mukhang malambot, Ang ilong niyang matangos at ang kanyang mata na tila nang aakit ganun din ang mala berde nitong kulay.

"Napakagwapo ng lalaking 'to" sigaw ko sa'king isip

Mukhang natakot naman ang katabi ko dahil sa pagkatulala ko kaya lumayo ito pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaniyang bulong.

"Ampanget na nga, mukhang baliw pa. tsk!"

Bigla naman ako natigilan at nahiya sa'king inakto kaya sumiksik ako lalo sa bintana at yumuko upang takpan ang pamumula ng aking mukha.

'Faith! umayos ka nakakahiya ka masiyado! galit na sigaw ng isip ko

Kahit gusto ko mang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan ay hindi pupwede dahil may nais pa'kong gawin at dapat ayusin.

Kahit nahihiya ay pilit na lang niyang manahimik na lang.Akmang magtatalukbong na siya ng panyo ay siya namang kinabigla niya.

"T-teka? Nasaan yung panyo ko?" taranta kong bulong upang hindi magising ang kan'yang katabi.

Hindi niya alam pero bigla siyang napatingin sa lalaki na ngayon ay nakapikit at naka crossed arms. Dumapo din ang kan'yang tingin sa braso nitong may mantyang pula at may nakaawang na tela mula sa jacket nito.

Biglang nanlaki ang mata niya ng mapagtantong panyo niya 'yon. Gusto niyang gisingin ang lalaki pero naawa siya dahil bakas sa gwapo nitong mukha ang pagod.

Kaya napabuntong hininga na lang siya at tinalikuran ito at dahil nga inaantok pa siya ay hindi na rin siya nakaligtas lamunin ng antok.

~F A S T F O R W A R D~

Andito kami sa may isang bus stop at sabi nila malapit na daw kami sa maynila. Grabe ang haba pala talaga ng byahe, nakakapagod at ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakaupo.

At sa buong byahe din ay wala akong ginawa kung hindi talikuran ang lalaking katabi ko dabil sa kahihiyan pero ng isang makalipas mga isang oras ay sinulyapan ko ito. Alam kong nakakatakot pakinggan ngunit buong byahe ay pinanonood ko siyang natutulog kahit palihim.

Habang nag iinat ay napansin ko yung kuyang pogi na parang balisa at parang may tinataguan.

Kahit nalilito ay pilit ko nalang ipinagsawalang bahala ito at baka mapansin pa ako nito.

Akmang tatayo na ako ng mapatingin ako sa itim na kotseng naka parke malapit sa'ming sinasakyan. Bigla naman akong kinabahan dahil may mga lalaking lumabas lunan nito.

Nakita ko pang nilingon ako ng isang lalaki ngunit bigla na lang bumaba ang kurtina saking harapan at isa lang naman ang may salarin nito.

"Si mamang pogi"

Kinunutan ko naman ito ng noo pero napaiwas din ako ng bigla ako nitong tinignan.

Hinayaan ko na lang ito sa ginawa niya at dahil na rin sa nakakaramdam na ako ng uhaw ay minabuti ko nang tumayo para bumili ng maiinom pero may bigla na lang humila sa'king kamay.

Halos mahimatay ako dahil sa nangyayari dahil napakandong ako ngayon sa poging lalaki pero bigla din naman akong natauhan kaya nag pupumiglas ako sa pagkakayakap niya sakin.

"H-hoy! Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako! m-manyak ka!" Sabi ko habang kumakawala sa mahigpit n'yang yakap pero napasinghap na lang ako ng maramdaman kong sinubsob nito ang mukha nito sa'king leeg.

"Nanay at Tatay, patawarin niyo po ako saking pagkakasala"  mangiyak ngiyak kong bulong pero natigilan na lang ako dahil hindi pa rin nakatakas sa'king pandinig ang sinabi ng mokong na'to.

"Pwede ba panget, Huwag kang maarte. Alam ko naman na type mo ako kaya makisabay ka nalang."

"A-Ang kapal naman ng mukha mo!" namunula kong saad at mas lalong nagpupumiglas sa kaniya.

"Stay. Bibigyan kita ng kiss mamaya" rinig kong bulong nito habang sinisiksik ng todo ang kanyang sarili sa'kin.

Lalo akong namula at napatulala dahil sa sinabi niya ngunit nabalik din ako sa katinuan dahil napansin kong nasa loob ng bus yung mga lalaking nakasakay sa magagarang sasakyan.

"Nalintikan na" dinig kong bulong nito

Sinulyapan ko naman ang lalaking nakasiksik sa'kin at mas lalo pang sumubsob sa leeg ko.

Kahit nangnginig ay tinapunan ko ng tingin ang mga lalaking naka soot ng itim na suit at tila ba may hinahanap pero napatigil sila ng magtama ang aking mga paningin.

------------------

So, madami pa ako babaguhin but as for now, may mga tinaggal at dinagdag po ako sa chapter na'to.

Follow me in wattpad for more updates.

Username: @Pretty_Christia

Salamat!❤

avataravatar
Next chapter