1 Prologo

Chereluna's Point of View

"Walang immortal ang dapat na mahulog sa isang mortal kahit kailan!"

Pinanood ko lamang si Keiris na pinapalo ng latigo ang nakataling katawan ni Tyrina na umiiyak sa sakit habang hawak ko ang isang lantern na nagsisilbing liwanag sa madilim na Dust Room.

"Parang awa mo na, Keiris. 'Wag na n-nating tratuhin ang mga mortal na mas maliit kaysa sa atin!" umiiyak na tugon ni Tyrina habang pilit na tinitiis ang sakit mula sa palo ng mga latigo.

"Sinasabi mo lang iyan para sa kapakanan ng sarili mo," natatawang sambit ni Keiris habang nakatitig sa madilim na sulok ng kuwarto.

Tyrina deserves this. She deserves this because she broke the rules. She broke many rules. Siya ang may hawak ng landas ng lahat ng Canasteleans dahil siya ang mortal communicator ng Canasteleans.

Immortal Communicator. Si Tyrina ang immortal na aming pinadala sa mundo ng mga tao para mangolekta ng kaluluwa ng mga mortal. Ang mga dugo galing sa mga mortal na nakolekta niya ang magpapanatili ng lakas namin bilang mga Canasteleans.

But she failed. She failed because she took this responsibility as an advantage to meet her mortal lover. Ginamit niya ang mahabang oras sa mundo ng mga tao para sa pagmamahalan nila ng isang mortal sa halip na pumatay siya ng mas maraming mga mortal. Dahil doon, naging limitado na lamang ang aming mga kakayahan at mga kapangyarihan.

"Please! Mahal ko po siya! Tama na po, Keiris!" sigaw muli ni Tyrina habang patuloy na iniinda ang sakit mula sa mga palo ng latigo.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat hampas ng latigo na bumabakas sa kanyang nagdurugong mga binti at braso. Pero wala akong magagawa.

"Sige, tama na." Lumingon si Keiris sa'kin at kumindat. "Chereluna, patayin mo na siya." Napalapit ako sa kanilang dalawa nang marinig ko ang aking pangalan. I guess it's my turn.

I focused on looking at Tyrina. Tinitigan ko ang bawat sinturon na nakatali sa kanyang kamay, paa at pati na rin sa kanyang leeg.

"Huwag n'yo akong itaboy dito!" umiiyak sa sigaw si Tyrina nang magsimulang humigpit ang mga sinturon sa kanyang katawan gawa ng aking isip. Lumitaw ang aking kaliwang kamay para makatulong sa aking focus habang lalo kong hinihigpitan ang mga sinturon sa kanyang katawan.

She started to choke when the belt in her neck continued to tighten up. Ngumisi lang ako dahil natutuwa ako sa'king kakayahan. Napakasayang bigyan ng responsibilidad kapag hindi ka tutol dito.

Nang lalo ko pang higpitan ang bawat sinturon, napansin na namin ang unti-unting pagliwanag ng katawan ni Tyrina na nagbigay-ilaw sa madilim na kuwarto. Nagsimulang lumutang ang buong katawan ni Tyrina dahil nadadala ako sa aking kapangyarihan, hanggang sa biglang lumabas ang kulay bahaghari na usok mula sa iba't ibang parte ng kanyang katawan na kumalat sa buong kuwarto. Napapikit ako nang marinig namin ang isang mahinang pagsabog sa puwesto ni Tyrina.

Tanda na ito na wala na siya.

"Well done, Chereluna," nakangiting sabi ni Keiris habang pumapalakpak sa aking tabi. Pinaypay ko ang mukha ko upang umalis sa aking harap ang usok galing kay Tyrina.

My cousin's gone.

Wala akong naging reaksiyon. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam dahil ilang beses ko na itong nakita at ilang beses ko na itong nagawa, because I'm known as the Canastelean Constrictor, the killer of Canasteleans who break the rules.

"Magkakaroon na naman tayong lahat ng isang malalim na usapan para gumawa ng desisyon kung sino ang ipadadala sa mundo ng mga mortal," ani Keiris habang inililigpit sa isang lalagyang karton ang mga sinturon na ginamit kay Tyrina.

Nakangiti ako habang pinaglalaruan ang makulay na alikabok na natira sa mabatong sahig gawa sa pagkamatay ni Tyrina.

"Kailangan natin ng responsableng Canastelean na kayang sundin ang tungkulin bilang parte ng mga imortal, hindi ang mga walang kuwenta na pumunta lang dahil gusto lang nilang maranasan kung paano mamuno ang mga mortal," wika ni Keiris habang dala-dala ang karton at nakatitig sa'kin nang diretso.

"Tama ka po diyan, nakasalalay sa kanya ang kapangyarihan nating mga Canasteleans," pagsang-ayon ko kay Keiris. Si Keiris lamang ang pinuno ng lahat ng Canasteleans. Siya ang aming sinusunod, ang aming nirerespeto at ang aming kinatatakutan.

Naglakad kami patungo sa labas ng Dust Room pagkatapos ilagay ni Keiris ang karton sa isang mesa.

It was a foggy day here in our area, just like any other day. Patay ang mga puno sa bawat bahay, at ang pagiging limitado ng mga kulay sa paligid ay nagpapakalma sa'min. Ramdam mo ang lamig ng hangin at ang nakakatakot na atmosphere.

At ang lalong nagpapasaya sa'kin, amoy mo ang dugo ng mga mortal na pinapatay sa hindi kalayuan dito sa underworld of Myszt.

Underworld of Myszt.

A place where dead mortals are being brought to and are punished severely by immortal species.

We welcome mortals here not to visit, but to die in harsh ways.

avataravatar
Next chapter