webnovel

I: Underworld of Myszt

Chereluna's Point of View

"Magandang araw, Chereluna at Keiris!"

Napalingon ako sa aking likod at nakita si Mirhea na tumatakbo patungo sa amin ni Keiris habang kami'y naglalakad sa gitna ng mabuhangin na paligid pabalik sa aming mga kabahayan.

May bitbit na basket itong si Mirhea habang tumatakbo patungo sa'min. Mirhea is also a Canastelean at bagaman pareho kami ng edad na 355 na taon nang nasa underworld, nagawa na niyang makontrol ang kanyang kapangyarihan. 'Yun nga lang, hindi ko gusto ang kanyang abilidad na nagpapabago lamang ng temperatura ng isang bagay. Napatingin naman ako kay Keiris na nakangiti lamang nang walang dahilan. Kahit na mukhang ka-edad namin itong si Keiris, hindi maipagkakaila na nasa 700 taong gulang na siya.

"Pabalik na kayo sa Canastelean Village? Sama na ako!" Mirhea chuckled. Mukhang nasa magandang mood siya dahil palagi itong nakasimangot kapag nakikita ko siya. Tumango lamang kaming dalawa ni Keiris dahilan para tumalon sa tuwa si Mirhea at muling nagsimula sa paglalakad.

"Ano'ng laman niyan?" Turo ko sa kanyang basket na tinatakpan ng isang makapal ng tuwalya. "Mga laman ng mga mortal na galing sa mga Xythernians" wika ni Mirhea na nagpasigaw kay Keiris.

"Mabuti naman at nagbigay sila," tugon ni Keiris habang nakangiti.

Dito sa Underworld of Myszt, may iba't ibang mga immortal species na sama-samang gumagawa ng iisang trabaho, ang parusahin ang mga mortal. Naging parte ng buhay namin ang mga mortal dahil sila ang nagbibigay ng lakas at nagpapanatili ng aming kapangyarihan.

Subalit, kaming mga Canasteleans na lamang ang gumagamit ng mga laman ng mga mortal bilang pagkain. Hindi namin alam kung bakit biglang nagbago ang ilang mga immortals.

We evolved desperately. We wanted more blood. We wanted to become more powerful. At ito'y para sa darating na plano. Kaya naisip ni Keiris na pumatay kami ng mga mortal sa mundo nila sa halip na maghintay ng kanilang oras.

"Ano'ng ginawa po ninyo?" Sa aming pagdating sa harap ng Canastelean Gate, hinarang kami ng isang matangkad at matabang Canastelean na si Verelus, ang tagabantay ng Canastelean Village.

"Ginawa namin ang nararapat," nakangising sagot ni Keiris na aming ikinatawa ni Mirhea. "Wow, hindi nga kayo nagsisinungaling!" Lumaki ang mga mata ni Verelus matapos niyang basahin ang aming mga isip. He's a mind reader and because of that, he was chosen to be the guardian, along with his twin.

"Okay. Maaari na kayong pumasok, master." Nakangiting yumuko si Verelus kay Keiris habang naunang maglakad papasok sa kulay itim na gate si Keiris. I adore Keiris. Wala siyang kinatatakutan at lagi siyang palaban. Namana niya talaga ito sa kanyang ama na dati ring may hawak ng posisyon.

"Nice one, Chereluna. Ganyan pala tingin mo sa kanya." Nagulat ako nang biglang magsalita si Verelus habang sabay kaming naglalakad ni Mirhea papasok. Napahinto at napalingon kami ni Mirhea kay Verelus na nakangisi sa'min.

"Tumahimik ka!" sigaw ko kay Verelus at hinila si Mirhea papasok para lumayo sa nakakainis na immortal na 'yun. Hindi ko na naman inaakalang babasahin ni Verelus ang isip ko.

"Ano ba ang nasa isip mo?" biglang tanong sa'kin ni Mirhea habang hinihila ko ang kanyang braso. "Hindi na mahalaga iyon, okay?" diretso kong sagot. Mirhea only chuckled at me.

Sa pagpasok namin sa Village, napangiti lang ako dahil sa tahimik na paligid at sa nakakakalmang atmosphere. Walang mga nakaka-excite na pangyayari. It's just us, Canasteleans minding our own business.

"Sa susunod muli, Chereluna, mag-uusap kaming mga nasa taas kung sino ang aming ipadadala sa mundo ng mga mortal." Nagulat kami ni Mirhea nang biglang sumulpot sa aking tabi si Keiris. Nakakalimutan namin ang kanyang kakayahang dalhin niya ang sarili saanmang lugar na nais niya.

Bago pa man akong makapagsalita, bigla na agad siyang nawala na parang bula sa aming paningin. "Iba ang tingin ko sa inyong dalawa," giit ni Mirhea sa aking tabi na nakangisi sa akin.

"Ewan ko sa'yo. Ibenta mo na iyan sa palengke para magkaroon ka ng salapi," bigkas ko sa kanya na lalo niyang ikinatawa.

Naglakad kami sa gilid ng tahimik na daanan, tinititigan ang bawat kulay itim na bahay ng kapwa naming mga Canasteleans. Sa aming mga yapak, lalong lumalakas ang aming naririnig na sigaw ng mga mortal sa Death Field. It satisfies us. Sapat na ang araw namin kapag narinig ito.

"Magandang araw, Chereluna at Mirhea!" Narinig namin pagtawag sa'min ni Fernash na kumakaway sa daan sa tapat lamang ng Death Field. Nakikita ko na ang mga nakasabit na mortal sa itaas ng mga kahoy. I got excited.

"Pinanonood mo sila?" natutuwa kong tanong kay Fernash nang makarating kami sa harap niya. Sa likod ng mga bakod ng field ay makikita ang mga magagandang paraan ng pagpapahirap sa mga mortal. May ibang sinusunog nang buhay at ibang binabalatan habang nakadikit sa kanilang mga upuan. At ang ibang mga mortal na hindi pa pinahihirapan ay nakasabit lamang sa mga matataas na kahoy habang sila'y hinihipan ng malalakas na hangin. Napukaw rin ang aking atensyon sa Mortal Fountain kung saan nagmumula ang aming lakas na nakatayo sa gitna ng field

"Oo, pupunta sana ako sa tindahan ng inumin para bumili ng binong dugo," ani Fernash habang inaalog niya sa kanyang mga kamay ang baryang salapi.

"Gusto kong sumama!" Napatalon ako habang nakangiti. "Sige." Tumango lang sa'kin si Fernash. Si Fernash ang ilan sa mga matalik kong kaibigan na madaling mahingan ng tulong at madaling makisama sa lahat ng bagay.

"Sige, pupunta na muna ako sa palengke." Kinalabit ako sa aking likod ni Mirhea habang nakanguso sa inip. "See you!" sigaw ko kahit na nasa harap ko lamang si Mirhea.

Kumaway kami sa isa't isa habang naghiwalay kami ng daan ni Mirhea. Habang kami'y naglalakad paalis sa Mortal Field, unti-unting humina ang mga iyak at sigaw ng mga mortal na pinahihirapan.

"Ano'ng nangyari kay Tyrina?" tanong sa akin ni Fernash habang nakatingin kami sa mabuhanging sahig na daan. Natawa lamang ako sa kanyang tanong dahil alam kong sasabihin niya rin sa akin iyon.

"Pinatay namin siya," I replied proudly. Dinig ko ang mahinhing tawa ni Fernash habang naglalakad. "That's what she gets for replacing me to a weak mortal."

Sinabayan ko rin ang kanyang pagtawa kahit na alam ko na malaking kalungkutan ang kanyang tinatago sa loob. Who wouldn't get hurt from being replaced by your woman without you knowing?

Sa aming pagpasok sa tindahan ng mga inumin, tumambad ang maraming mga immortal na masayang nag-iinuman sa bawat sulok ng maliit at madilim na gusali. May ilang nagkakantahan at ilang nag-iiyakan pero iisa lang ang tunguhun, ang mailipas ang oras.

"Ano'ng gusto ninyo?" tanong ng tindera sa aming pag-upo sa harap niya. Nakasimangot ang nakatulala siya na para bang she's done with everything.

"Dalawa nga pong Apple Blood Cell Wine," mabilis na sagot ni Fernash habang ako'y nakangiti lang sa kanya nang pilit. I feel uncomfortable from these people around me. Kung may mangyari man, hindi ko mapoprotektahan ang aking sarili dahil ang aming mga kapangyarihan ay bawal gamitin laban sa kapwa Canasteleans, maliban na lamang kung ikaw ay may posisyon. Mabuti na lang, mansana iyon at hindi dalandan kung saan allergic ang aking kapangyarihan. Hindi ko maiisipan na magiging malas ang araw na ito kung ganoon.

"Fernash!" Napalingon kami sa isang lalaki at isang babae na kumakaway kay Fernash sa isang sulok ng tindahan. I guess they're his friends.

Mabilis silang tumayo mula sa kanilang kinauupuan at lumipat sa tabi ni Fernash habang dala ang kanilang mga inumin. "Kamusta na kayo ni Tyrina?" pagtapik ng babae sa kanya. Natawa lamang si Fernash habang nakaharap sa kanyang kaliwa upang makausap ang dalawa. Naiwan akong tahimik sa kanyang kanang tabi habang pinagmamasdan ang tindera sa paggawa ng aming inumin.

Ang awkward talaga kapag wala kang kausap sa harap ng maraming tao. "Hi Chereluna."

Kumalabit sa aking ulo ang babaeng kaibigan ni Fernash habang nakangisi ang kanyang mga labing nababad sa kanyang inumin.

"Ako nga si Sammyrine, would you like to drink? Tikman mo lang." Alok niya sa akin ng kanyang inumin na aking inayawan dahil sa mahiyain ako.

"Tsk. Ayaw mo? Ang sarap kaya" Natatawa niyang sambit. Napangiti lang ako habang tumatango-tango sa kanya. Ano ba'ng mayroon sa kanyang inumin na wala sa inuming binili ni Fernash?

"Pagbigyan mo na si Sammyrine, lasing na kasi," wika ng lalaking kaibigan ni Fernash na nakatingin sa amin. Ano naman kung gano'n?

"Just one! I'm just sharing my drink!" Pilit na ibinibigay sa akin ni Sammyrine ang kanyang inumin. "Fine!" Dahil sa aking inis, hinawakan ko ang salamin na baso at dahan-dahan kong ininom nang kaunti sa aking bibig. "It's sour, right?"

Napapikit ako sa pagkaasim ng kanyang alak at sabay na ibinalik ito sa kanya. "M-Medyo," I answered. Ikinatawa lamang niya ang aking reaksiyon at bumalik sa kanyang upuan. Saktong ibinigay na sa'kin ng tindera ang aming biniling inumin ni Fernash.

It is a very relaxing day.

Ngunit akala lang 'yun.

Ilang minuto ng aking tahimik na pag-inom ng alaks, bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking tiyan na nagpabitaw ng baso ko dahilan para makuha ko ang atensiyon ng karamihan.

"Oh dead! Ano'ng nangyayari?!" Napabuling ako sa sarili ko habang unti-unting lumalapit sa akin ang karamihan. Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo at dahan-dahang lumalabo ang aking paligid.

"Power Poisoned!" hiyaw ng isang matandan lalaki sa isang table. "You better go to Ms. Laxine para pakalmahin ang isip mo," Fernash said as he tried to comfort me.

"Baka food allergic siya sa dalandan tulad sa inumin mo Sammyrine," tugon ng lalaking kaibigan ni Fernash sa akin tabi na aking ikinainis. Sabi ko na nga ba at dapat inayaw ko ang alok. Ang allergies namin ay nakakaapekto ng aming mga kapangyarihan bilang Canasteleans.

Ang malas nga ng araw.

Kahit na nanginginig ang aking mga tuhod, itinayo ko ang aking sarili at tumalon sa mga bubog gawa ng baso na aking nahulog.

"Teka! Hindi mo kayang mag-isa!" sigaw ni Fernash sa'kin ngunit dahil sa hiya sa harap ng maraming tao, mabilis akong tumakbo palabas ng tindahan kahit na nawawalan ako ng balanse.

Hindi ko alam kung saan ako patungo pero dapat makita ko si Ms. Laxine sa gitna ng mausok na paligid. Tumakbo ako sa gilid ng daan habang sinisigawan ang mga kapwa ko na humaharang sa daan.

I feel like I'm running out of breath. I feel like someone is holding my chest tightly. I'm going to pass out anytime. This allergy can affect us immortals in the worst ways.

"Chereluna!" Narinig ko ang boses ni Mirhea na nanggagaling sa aking likuran ngunit hindi ko na pinansin dahil alam kong nawawalan na ako ng lakas. Kailangan ko lang mahanap ang tahanan ni Ms. Laxine para makahingi ng gamot na kayang kumalma sa epekto ng allergies.

I let out a deep breath. Unti-unti nang nawawalan ang aking lakas, hanggang sa nakita ko na ang yunik na estruktura ng isang gusali. It was Ms. Laxine's house. Hindi tulad ng mga ibang gusali, may chimney ang bahay na nagsisilbing init sa loob para sa mga Canasteleans na natamaan ng kanilang mga allergies. Napangiti ako sandali bago dumiretso sa pintuan ni Ms. Laxine.

"Ms. Laxine?" Kumatok ako nang malakas sa pintong napakaluma na habang tumitingin sa bintana ng gusali. Napatapak ang aking paa sa simentong sahig at aking kinamot ang aking mahabang buhok dahil sa inip. I'm about to pass out and no one's helping me. Nasaan ba si Ms. Laxine? Umalis ba siya?

Dahil sa sobrang sakit ng aking nadarama sa bawat bahagi ng katawan, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng tahanan ni Ms. Laxine mag-isa at pumasok nang walang pahintulot. Puno ng mga istante na kinalalagyan ng mga medicines and spells ang kanyang bahay. I never meant to trespass, but I just need to save myself.

"Chereluna!" Lalo pang nagulat ang puso ko nang tawagin ako ni Mirhea sa labas ng tahanan. "Ano'ng ginagawa mo?"

"Kailangan ko ng gamot para sa allergies ko, pero wala si Ms. Laxine! Mamamatay na'ko!" Napahawak ako sa dalawang balikat ni Mirhea habang nagsasalita sa kanya.

"Paano naman natin mahahanap iyon? Napakaraming gamot dito at baka magkamali pa tayo!" Turo ni Mirhea sa buong bahay. Pinisil ko lamang ang kanyang mukha dahil sa gigil. "Alam ko ang hitsura ng gamot! Kulay asul ang kanyang lagayan kaya mahahanap natin iyon! Bilis na't lalo nang sumasakit ang ulo ko!"

Natawa lamang si Mirhea sa aking reaksiyon. Hindi naman niya sineseryoso ang nararamdaman ko. Alam kong mga immortal ako at kaunti lamang ang mga paraan para kami'y mamatay pero ayoko lang ang maramdaman ang masakit na epekto ng immortal allergies.

Lumapit kami sa mga matataas na istante at tinignang mabuti ang mga lalagyan ng gamot sa bawat butas. Napakaraming mga kulay itim na lalagyan at wala akong makitang kulay asul.

"Wala naman akong makitang kulay asul na lalagyan!" Dinig ko sa kabilang bahagi ng kuwarto si Mirhea na nagrereklamo. Hindi ko lamang siya pinansin at tumuon sa paghahanap.

Sa aking paglakad sa isang pintuan ng bahay habang kinakamot ang aking mga braso gawa sa allergies, napukaw ang atensyon ko sa isang kulay asul na kumikinang na bilog sa ilalim ng mesa sa sala ni Ms. Laxine. Ano iyon?

Hindi ko matandaan kung ano ang hugis ng lagayan ng gamot sa allergies pero 'yun lamang ang kulay asul na nakita ko sa buong bahay ni Ms. Laxine. Could it be?

Mabilis akong tumungo papasok sa sala kahit na madilim ang buong kuwarto. Lumapit ako sa maliit na mesa at tinitigan nang mabuti ang bilog na bagay. It doesn't look like a container at all.

"Hoy! 'Yan na ba ang gamot mo?" Nagulat na naman ako dahil sa biglang pagpasok ni Mirhea sa sala at sa pag-upo sa tabi ko. Umiling lang ako sa kanyang tanong at dahan-dahang binuhat ang mabigat na bagay na patuloy na kumikinang sa aking kamay.

"Ano'ng ginawa ninyo?!" Napalingon kami sa pintuan ng sala nang makita si Ms. Laxine na tumatalon-talon sa inis.

Lalo akong kinabahan. Nakita ko ang dahan-dahang pag-alis ng aking buong katawan sa aking paningin. My body is slowly turning into glowing particles and I don't know what to do.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?!" Kinalabit ako nang husto ni Mirhea. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. I only smiled at her. Ito na yata ang huling araw ko dito at hindi ko inaakalang ganito ang aking hahantungin.

Napapikit ako habang unti-unting nawawala ang buong katawan ko sa mundo. Naramdaman ko ang paglapit ni Ms. Laxine sa harapan ko habang nakangiti lamang ako sa aking kinahantungan.

"Mag-iingat ka sa mundo ng mga mortal at gawin mo ang dapat mong gawin!"

Next chapter