1 Moribund

"I told you to get some break. I-transfer mo na ko sa ibang doctor dyan." Walang ganang sabi sa akin ni Yoongi habang chinecheck ko ang vital signs niya.

Nakaconfine siya dito sa hospital na pinagtatrabuhan ko since last month. He has a heart cancer, Primary Cardiac Tumor. Kakaunti lang ang pwedeng magkaroon ng sakit na ito pero hindi siya nagagamot.

"Blood pressure 120/90, pulse rate 100 per minute and temperature is 38.8°C." Pagbabasa ko sa na-note kong vital signs niya at hindi na lamang pinansin ang sinabi niya.

I volunteered, gusto ko ako ang maging doctor niya para makasama ko siya lagi dahil mayroon na lamang siyang natitirang ilang araw. Sakto naman kasi ang trabaho ko ngayon dahil isa akong Cardiologist.

"Vish, listen to me." Naiirita niyang sabi kasabay ng malalim na paghinga niya.

Nilingon ko siya para tignan. Para akong tinutusok ng injections sa puso sa nakikita ko. He's dying. Makikita mo ito sa itsura niya ngayon dahil sobrang payat na nito, maputla na siya kaysa sa natural na kulay niya at mukhang pagod na pagod na ito. Nagtama ang mga mata namin, nakatingin siya ng seryoso sa akin. Hirap na hirap siyang habulin ang paghinga niya kahit may nakakabit na oxygen support sa kaniya. Hindi ko kayang nakikita siya ng ganiyan. Ayokong nakikitang nahihirapan yung taong mahal ko. Ayokong nakikita siyang unti-unting pinapatay ng sakit niya.

"Tara dito." Pag-aaya niya kaya lumapit nalang ako saka umupo sa tabi niya.

"How do you feel?" Bungad ko sa kaniya at nginitian siya kaya gumuhit din sa labi niya ang isang ngiti na pinaghirapan niyang ipakita sakin.

"I'm fine. Don't worry."

"Really? That's good. Tomorrow is your operation." Malungkot ko pagsasabi sa kaniya pero nanatili sa kaniya ang ngiti.

"I'm dying, Vish. Please ilipat mo na ko sa ibang doctor. Ayokong mahirapan ka at masaktan lalo na kapag hindi naging successful ang operasyon." Pagmamakaawa nito sa akin pero umiling ako.

"Do you think it will not hurt me if I will not do it? Mas lalo kong masasaktan Yoongi, gusto ko ako gagamot sayo. Ayokong marinig nalang na sabihin ng doctor na patay ka na nang wala akong ginagawa na kahit ano. I will do my best promise. Gagaling ka." Pagpapaliwanag ko hanggang sa isa isa nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

"What if? It didn't work? May taning na buhay ko. You don't need to do something like removing that tumor. I accepted it already. You should accept it too." He insisted and he started to cry too.

"Don't say that. Hindi ko matatanggap yun kaya dapat lumaban ka. Paano na ko Yoongi ha? Paano ko? Hindi ko kaya please, fight for me." I sobbed while saying each words to him. Call me selfish but I want him to live longer and normal. He deserves to live.

"Sorry. Hindi ko na kaya Vish. Pagod na pagod na ako. Gusto ko lumaban pero ang hirap na. I will grant your wish. I will have that surgery. If it's successful, let's celebrate but if not, please be happy..." Napapikit siya matapos sabihin iyon saka muling huminga ng malalim.

"Kung kailangang makalimutan mo ko, gawin mo. Ayokong mahirapan ka ng dahil sa akin." Niyakap ko siya ng mahigpit saka humagulgol ng iyak sa balikat niya. Hindi ko kaya yung mga naririnig ko sa kaniya ngayon, hindi siya yun eh. Hindi siya yung Yoongi na nawawalan ng pag-asa.

"Shh. Don't cry Yoongi, mas lalo kang mahihirapan huminga." Pagpapatahan ko sa kaniya nang matapos magyakapan. I hold his face and wipe his tears. Nginitian ko siya bilang assurance na magiging okay ang lahat.

Inalalayan ko siya para makahiga ng maayos at makapagpahinga na. Aalis muna kasi ako para praktisin ang surgery ko sa kaniya bukas.

"Please, always remember that I love you so much." Pahabol niya pa bago ako makatalikod sa kaniya. Napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak niya.

"I love you too." Sabi ko at hinalikan siya sa noo saka umalis.

Declaring his life limit was the painful thing I've ever did. Ayoko na nga sanang sabihin sa kaniya yun pero kailangan, ayokong bigla nalang siyang mamatay ng hindi niya alam. Sa araw-araw na lumilipas ang araw parang araw-araw na rin akong nawawalan ng gana mabuhay. At ngayon, ito nalang ang isang tanging paraan na pwede siyang makasurvive pero ito rin ang isang paraan na pwedeng ikamatay niya. I can't stop thinking about his situation but I will do my best. He only have 10% of survival but I will make him survive.

***

Yoongi is in Operating Room now. The Anesthesiologist is giving the first treatments and monitoring his condition while I'm here in my office. Tinititigan ko ang picture namin ngayon ni Yoongi at biglang nagflashback ang mga salitang binitawan niya sa akin bago kami naghiwalay kanina.

"You did well Vish. If the surgery didn't went well, It's okay. You're still the best doctor and girlfriend I have ever met. I love you."

Tumayo na ako para magtungo sa Operating Room at naghugas na ng kamay hanggang siko. Mula sa labas ay pinapanood ko ang ginagawa ng Anesthesiologist sa kaniya. I am really hoping that this surgery will not cause him dead. Kinuha ko ang magagaling na mga nurse at doctors ng hospital for this surgery na mga kaibigan ko na rin naman. Pagkatapos kong maghugas, pumasok na agad ako sa loob at huminto sa harap ng katawan ni Yoongi.

"Do you really want to do it?" Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Yes. Don't worry Doctor Lee." Sagot ko naman at ibinalik ang tingin ko kay Yoongi.

"It is his last week and I want to extend it. I can't loose him. Please do all your best guys. " Seryosong sabi ko sa kanila at tinungo ko naman ang mukha ni Yoongi sa side kung nasan ang Anesthesiologist.

Lumapit sa akin ang isang nurse na kasama ko dito sa loob at pinunasan niya ang luha na tumulo sa mata ko.

"You can start." Sabi ng Anesthesiologist kaya bumalik na ako sa tapat ng katawan ni Yoongi.

"I'll start the surgery." Hudyat ko at nagtanguan naman sila.

Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay nanginginig na dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Sumasakit pa ang sikmura ko dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang ang kamay ko naman ay nanlalamig.

"Are you okay Doctor?" Tanong ng assistant ko at tinanguan ko lang siya. Huminga muna ako bago sinimulan ang surgery.

Nagsimula ang surgery kahit ang kamay ko ay medyo nanginginig pa pero kaya ko namang kontrolin. Habang nagpapatuloy ako sa pag-oopera, patuloy rin ang pagtulo ng mga luha ko sa mata ko. Only 10% of survival ang meron siya kaya ganito akong nahihirapan. I am not God but I want to heal him. This is the only thing I can do or else he will die this week and I don't want it to happen.

"The heart rate is decreasing..."Biglang sabi ng Anesthesiologist na nagcause ng pagkataranta sa amin lalo na sakin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang Holter Monitor. Bumababa nang bumababa ang heart rate ni Yoongi hanggang sa bigla itong tumigil kaya lalo akong nanginig.

"Defibrillator." Natatarantang sabi ko at iniabot naman agad ito sa akin.

"120 joules." Sigaw ko habang nilalagyan ng gel ang defibrillator.

"1, 2, 3!" Bilang ko saka itinapat ito sa dibdib ni Yoongi.

Inulit ko ito ng dalawa pang beses pero wala paring good response kaya binitawan ko na ito saka sinimulan ang CPR. Pinump ko nang pinump ang dibdib niya pero wala parin. Hindi na rin siya humihinga.

"No, fight Yoongi please." I mumbled.

Sunod-sunod na ang tumutulong nga luha sa mukha ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa sobrang emosyon sa puso ko. Hindi pwede 'to, kailangang mabuhay ni Yoongi.

"Vish. Stop it." May humawak sa braso ko kaya napalingon ako dito.

"No. Mabubuhay pa siya. Ikakasal pa kami eh." Sinimula ko ulit i-pump ang dibdib niya hanggang narinig ko ang tunog na ayaw kong marinig. Tunog na nagpapahiwatig na patay na siya.

Napahinto nalang ako at natulalang nakatitig sa patay na katawan ni Yoongi. Pakigising ako please, hindi totoo 'to. Hindi pa siya patay.

"Declare his time of death." Sabi sa akin ng Anesthesiologist at iniabot sa akin ang relo.

Tinignan ko ang relong nakahinto na inabot sakin. Nagsialisan na ang ibang mga nurse habang ako ay walang tigil sa pag-iyak. Hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa bigat na nararamdaman ko.

Niyakap ko ang katawan ni Yoongi at humagulgol ng iyak.

"No Yoongi. I'm so sorry. Forgive me please. Wake up!" Sigaw ko sa kaniya habang inaalog alog pa ang katawan niya.

"I'm sorry for killing you. Sorry. Please wake up, don't leave me alone. I'm sorry for making your life shorter."

"No Vish. It wasn't your fault. Actually Yoongi wants me to tell something to you after this surgery. He knows that it will not work but he let you do this because he loves you so much. He said, 'You did it well.'" Anesthesiologist said while comforting me.

Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hirap ng paghinga ko. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil siguro ay kinukulang na rin ako sa hangin.

I want to die and be with Yoongi. Pinagkait ko sa kaniya yung ilang araw na pwede pa sana siya mabuhay pero dahil sa ginawa ko, wala na. Napakawalang kwenta ko.

"Please tie him." Sabi ko sa Anesthesiologist at inumpisahan niya agad ito.

"Time of death, 8:45 am." I declared.

****

avataravatar