webnovel

. Joshua

Whenever he's free sa kanyang showbiz career ay umuuwi sa Tarlac si Joshua at doon namamalagi until his next movie or TV series. And whenever he's in Tarlac, he always spends his time sa kanyang bar and restaurant – ang 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘊𝘢𝘧𝘦́.

Tubong Tarlac si Joshua. Doon nagmula ang kanyang pamilya na lumipat lamang sa Manila noong mamatay ang father niya during his second year in college. Their family needed a fresh start and the Metro gave them the opportunity they were looking for, in the form of a showbiz career for him.

First year college pa lang siya noong magsimulang mag-chemotherapy ang tatay niya na nagkaroon ng lung cancer. Naubos ang lahat ng naipundar ng kanilang mga magulang dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama, na nagtuloy-tuloy pa hanggang sa mamatay na nga ito pagkatapos ng isang taon. Dahil doon ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na rin habang nagtatapos naman sa pag-aaral ang panganay nilang kapatid. He has to give way to her.

Their parents did not come from a wealthy family. Hindi siya katulad ng mga kaklase niya noon sa CPRU na nanggaling sa mayamang angkan. His father was a lawyer, and his mother was a teacher and eventually, a housewife when she gave birth to his Ate. Pinili nitong mag-focus sa pag-aalaga sa kanilang magkakapatid. Their life was great that time and everything seems happy. Until his father became sick.

Their whole life turned upside down. Nag-iba lahat ang nakasanayan nila. Since his father could not work, his mother was forced to return to teaching. Joshua had to stop schooling, ang his younger brother was transferred to a less expensive private high school. Sa CPRU din kasi ito nag-aaral at sobrang mahal ng tuition nila doon.

After his father died, Joshua continued working para mabayaran ang mga utang na naipon dahil na rin sa pagkakasakit ng tatay niya. Kahit anong trabaho pinasok niya, hindi inintindi na ang mga dating kaklase at kaibigan niya ay sila na ngayong pinagsisilbihan niya. Oo, pumasok siya maging doon sa mga kumpanyang pag-aari ng pamilya ng mga dati niyang kaklase at kaibigan. Dahil din doon ay nilayuan siya ng kanyang mga kaibigan. Who would want to be associated with a college drop out who's family has gone from riches to rags?

But fate is still kind to them. Twenty years old siya noon nang makita siya ng isang talent scout sa isang teleseryeng shinu-shoot sa palengke ng Tarlac City. Kinuha siya nitong extra. Naging maganda ang pagganap niya at naaliw sa kanya ang direktor pati na rin ang talent scout na kumuha sa kanya. Dahil doon ay pinalawig ang role na ginampanan niya. Nagkaroon siya ng mga sumunod na appearances sa nasabing teleserye. One thing led to another hanggang maging isang full pledged actor na siya.

And the rest was history. They moved to Manila and he was able to finish his studies through home schooling. Talagang ginapang niyang matapos ang Management course na nasimulan niya noon sa CPRU. He was twenty-five when he finished. Too late for others, but still very precious to him. Natupad lahat ng pangarap niya. Nabayaran niya lahat ng pagkakautang nila dahil sa pagkakasakit ng tatay niya. Nakapagpundar siya ng mga ari-arian at nabayaran rin niya ang pagkakasangla ng dati nilang bahay. Bukod pa doon ay napag-aral din niya at napagtapos ang kanyang bunsong kapatid.

Nakapagpundar din siya ng negosyo kasama ang kanyang mga kaibigan. Sina James, Jeralhd at Mark ay mga kasama niya sa dance group noong high school sila – ang Pure Act Dancers. Ginamit din nila ang pangalan ng kanilang grupo dahil noong high school sila unang nagkakilala at naging magkakaibigan. Tanging ang tatlo lamang ang hindi nang-iwan kay Joshua sa ere nung nagsimulang sumama ang kanilang kabuhayan.

At ngayon nga ay business partners na niya ang tatlo. Kahit may sari-sariling negosyo at trabaho ay nagagawa pa rin ng tatlo na i-manage ng maayos ang 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘊𝘢𝘧𝘦́. Siya naman ay doon nagfo-focus kapag wala siyang project sa showbiz. Ganoon na ang nakasanayan nila mula nang itatag nila ang nasabing negosyo three years ago.

"Mukhang hindi na naman busy ang superstar natin, ah?" ani James pagpasok niya sa opisina ng 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘊𝘢𝘧𝘦́.

Nginitian lamang ito ni Joshua.

"Tapos na iyong movie?"

"Sa Valentine's day, ha? Huwag mong kakalimutan," sa halip ay sagot niya.

"May date ako noon."

"Alam ko."

It was a joke. James is currently not in a relationship, at ito lang ang masasabing legit na single sa kanilang apat. Si Jeralhd kasi ay may long-time girlfriend. Si Mark naman, wala ngang girlfriend pero lagi namang may ka-mingle.

"Pero hindi naman kasi human being ang 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵, James. Hindi mo siya pwedeng isamang mag-date."

James smiled. "You got me on that one."

Sa kanilang apat, si James ang laging nasa 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘊𝘢𝘧𝘦́. Ito kasi ang medyo nakakaluwag ang schedule dahil na rin sa puro pagmamando lang naman ang ginagawa nito. Lahat ng trabaho ay ginagawa ng libo-libong tauhan ng mga kumpanyang pag-aari ng kanilang pamilya.

James belongs to the elite de Vera clan. Their main business venture is the infamous 𝘛𝘢𝘳𝘭𝘢𝘤 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘭 𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭. Though ang mga pinsan nito ang namamahala ng nasabing ospital, may mga shares din naman doon ang kanilang pamilya ang his father and brother are both part of the board of directors of the hospital. Tinanggihan nga lang ni James ang posisyon dahil mas gusto nitong magtatag ng sarili nitong negosyo.

It was the main reason why Joshua agreed to venture on this business. Alam niyang magaling magpatakbo ng negosyo si James. Ilang negosyo na rin ang naitatag nito at kahit maliit pa lang ay talaga namang maganda ang takbo ng mga ito. But Joshua knows that 𝘗𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘊𝘢𝘧𝘦́ is his favorite. Kaya nga lagi itong nandito.

"So, when's your new project?" tanong ni James sa kanya.

"Ikaw naman! Katatapos pa lang nung pelikula ko, eh gusto mo na akong mag-shooting ulit?"

"You were like that before," ang sabi ni James. "Ni hindi ka nga tumitigil dati, eh."

Totoo naman iyon. Hindi siya tumigil sa pag-aartista lalo na noong nakatapos na siya ng pag-aaral. Talagang nagpursige siya sa trabaho, at ang naging resulta ay blockbuster films and high rating teleseryes.

"I guess I'm getting old."

Tinawanan siya ni James. Maging siya ay natawa na rin.

"May naalala nga pala ako," ani James. "Recently, I talked to Ria."

Joshua frowned.

"You remember her, don't you?"

"Oo naman," ani Joshua. "How can I forget her? Eh halos one-third yata ng mga ginawa kong pelikula, gawa niya?"

"Yeah… That girl really slayed the bestseller list."

"You bet she did…" ani Joshua. "I'm just surprised that you got the chance to meet her."

"Ewan ko ba doon. Hindi na napirmi dito sa Tarlac."

"Hindi na napirmi sa isang lugar kamo," ani Joshua. "Saan ba siya galing recently?"

"Japan," James answered. "Anyway, so nagkausap nga kami. Ang sabi niya, hindi na daw tayo nag-reunion."

"Coming from someone who rarely goes home," natatawang wika ni Joshua.

Napangiti rin si James sa sinabi niya. "Yeah… but, I just thought, she has a point. Right?"

Napaisip naman si Joshua. "Right." Never pa nga silang nagkaroon ng high school reunion simula noong mag-graduate sila ten years ago.

"We never attend the annual homecoming."

May annual homecoming party ang CPRU para sa mga high school graduates nito. Para itong annual gathering na pinupuntahan ng lahat ng alumni kahit pa anong batch sila nag-graduate. At dahil nga halo-halo ang mga batches ay walang gaanong nagpupunta sa homecoming na iyon. Maliban na lamang sa batch na sponsor ng party sa taong iyon.

"Well, hindi naman kasi masyadong reunion ang dating noon, eh. Kasi nga halo-halong batches ang nandoon."

"Yeah…" sang-ayon naman ni James.

"But the reunion is a good idea," ang sabi ni Joshua.

"Oo, di ba? Iyong tayo-tayo lang magkakaklase?"

"Wow! Ten years! Ang tagal na nating hindi nakikita iyong iba."

"Ikaw lang naman ang lagi naming nakikita." James smirked.

"O si Joven?"

"Oo nga pala." Saka lang parang naalala ni James ang sikat na kaklase.

"Sige, go ako diyan," ani Joshua.

"Ria wants to organize the reunion, pero siyempre kailangan niya ng tulong."

"Well, kung hindi ako busy sa showbiz, I can help."

"Sige, sasabihan ko siya."

It was five when Joshua decided to leave. Naiwan pa si James dahil sa meron daw siyang imi-meet na college friends after. That is not unusual for James, since he normally stays late at the bar whenever he has free time. He even tends the bar himself sometimes kapag nasa mood ito. That is actually one of the reasons why he put up that business. He has this passion in mixing cocktails and bartending in general.

Naglalakad papunta sa kanyang kotse si Joshua nang makita niya ang patawid na babae. Nasa may tabi ng daan kasi naka-park ang sasakyan niya kaya kita niya ang highway sa harapan ng bar. The girl seems to be on her early twenties. Ngunit ang mas nakakuha ng atensiyon ni Joshua ay ang tunog ng mabilis na pagdating ng isang sasakyan.

Joshua looked at the direction of the vehicle. Isa itong elf truck at sobrang bilis ng takbo nito. Papunta ito sa direksiyon ng babae na kasalukyang tumatawid ng daan. Biglang nag-panic si Joshua nang ma-realize kung ano ang maaaring mangyari.

"Look out!" he shouted to the young lady.

Pero parang na-shock ang babae. Napatingin na lamang ito sa parating na sasakyan at hindi na ito nakagalaw pa. Adrenaline rushed through Joshua's veins as he ran towards the girl, grabbing her and dodging the truck that stopped after almost hitting them.

Sumadsad sa tabi ng daan si Joshua at ang babae. Nang masigurong ligtas na sila sa panganib ay saka niya ito tinignan.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa babae.

The girl looked at him. "Joshua Socorro."

There was something in the way the girl looked and smiled at him that made Joshua uncomfortable. Sanay na siyang ma-recognize ng mga fans dahil nga sa alam naman niyang sikat siya. Pero may kakaiba sa paraan ng panggiti ng babae sa kanya ngayon. Tinulungan na lamang niya itong tumayo.

"Wala bang masakit sa iyo? Should I take you to the hospital?"

The girl is just smiling at him. Lalo siyang nawirduhan kaya tinalikuran na lamang niya ito. Tutal naman ay parang okay lang naman ito at hindi nasaktan sa nangyari. Pumunta na lamang siya sa may harapan ng truck upang makausap ang nagmamaneho nito.

"Kakausapin ko lang itong muntikan nang makasagasa sa iyo-"

Natigilan si Joshua nang makita ang loob ng truck. Wala kahit isa mang sakay ang elf truck! Nagpalinga-linga siya sa paligid pero hindi niya mahanap ang driver ng truck. Actually, wala kahit isa mang tao sa lugar na iyon nang mga sandaling iyon. Taliwas iyon sa eksena kaninang lumabas siya ng bar upang magtungo sa sasakyan niya. Joshua clearly remembers that there were people outside the restaurant nang makita niya ang babaeng patawid.

Weird, pero wala ring papadaan o dumaraang sasakyan. Biglang kinilabutan si Joshua. Bigla kasi ay naging eerie ang dating ng paligid. There's something mysterious and uncanny going on, and what's more unsettling is that Joshua can't figure what it's about.

"Joshua Socorro."

Nakita ni Joshua na palapit sa kanya ang babaeng iniligtas niya.

"Birthday: August 08, 1993. Father: Mr. Joseph Socorro. Mother: Mrs. Olivia Flores."

Joshua gaped at the woman. Of course, people already know those things about him lalo na't medyo open naman ang personal life niya sa mga fans. But what's strange is the way the woman is speaking. Para itong iyong napapanood sa mga pelikula at teleserye na secret agent na naglalahad ng susunod nilang subject o target.

"Siblings: Jessica, two years senior; Jacob, three years junior."

"Who are you?"

Hindi na mapakali si Joshua. Something seems strange about this woman. Hindi lang niya matukoy kung ano iyon.

Sinagot naman ng babae ang tanong niya. "Sa totoo lang, marami kayong tawag sa akin. Tadhana, Kapalaran, Fate; pero ang pinaka-popular sa lahat… ay Destiny."

𝘋𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘺…

Now things are becoming more and more weird.

Next chapter