webnovel

PROLOGUE

Prologue...

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, hindi ako tao at kawangis lamang sa inyong pisikal na anyo?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, kaya kong pagalawin gamit ang aking dalawang mata, ang mga bagay na nakikita mo sa paligid mo?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, kaya kong pabilisin, pabagalan, at pahintuin ang oras?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, ang labag sa batas namin sa aming sariling mundo na ginagawa ko dito sa inyong mundo ay may kaukulang parusa kahit na nandito ako?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, hindi ako pwedeng magmahal ng taong may angkin ding kakayahan tulad ko, at parehong mundo tulad ko, ngunit iba ang paniniwala at palasyo sa katulad namin?

Ehh, maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, ang tunay na nagmamahal ay kayang gawin ang lahat lahat para lamang sa kaniyang taong minamahal?

I am Narch Cuanco Donis, 17 yrs old. Napadpad ako dito dahil sa sobrang curious ko sa isang lagusang napansin ko sa isang paraisong tinatahak ko noong ako'y naglalakbay sa mundo namin. Ilang taon na ba akong nandito?Sa pagbibilang ko ay mga nasa 52 yrs na akong nandito.Nagtataka ka ba kung bakit?Bukod kasi sa kaya kong kontrolin ang oras ay hindi rin ako ganun kabilis tumanda sa mundong ito.Pakiramdam ko nga hindi nagbabago ang pisikal na anyo ko ehh. Pagtuntong ko dito sa mundong ito nung una, natatakot ako dahil aware akong hindi normal para sakin ang ganitong klasing mundo. At hindi ko din alam na matatagalan din akong tumira dito dahil na rin sa hindi ko paghinto sa kung paano ulit makakabalik sa aking sariling mundo, kung saan ako hindi naiiba.Ngunit sa puntong ito ay kailangan ko ng tanggapin na baka nga,baka nga hindi na ako makabalik pa sa aking totoong mundong kinamulatan.Gusto ko na ulit maging normal sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Gusto ko na... Gusto ko na...

|>_<|>_<|>_<|>_<|>_<|>_<|>_<|>_<|

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, hindi ako tao at kawangis lamang sa inyong pisikal na anyo?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, kontrolin ang lahat ng bagay na meron ang mundo niyo?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, kaya kong lumipat ng ibang lugar na gugustuhin ko na abot ng aking kakayahan?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, ang labag sa batas namin sa aming sariling mundo na ginagawa ko dito sa inyong mundo ay may kaukulang parusa kahit na nandito ako?

Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, hindi ako pwedeng magmahal ng taong may angkin ding kakayahan tulad ko, at parehong mundo tulad ko, ngunit iba ang paniniwala at palasyo sa katulad namin?

Ehh maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong, ang tunay na pagmamahal ay hindi iniisip ang limitasyon o ang estado ng bawat isa.?

Hindi hadlang ang ang mag kasalungat na paniniwala. Ang tunay na nagmamahal, kahit gaano kahirap intindihin ang paniniwala ng bawat isa, kahit gaano kahirap ipaglaban ang bawat isa sa lalo na sa iba, hindi ito magiging hadlang upang huwag ipagpatuloy ang pag-ibig na namumuo sa inyong dalawa.

I am Mona Yolo Villa-Cantra, 16 yrs old.Actually, 30 yrs na akong nandito, pero hindi ako madaling tumanda sa mundong ito na napakabilis lagi ng oras.Minsan naman pakiramdam ko na paiba-iba ang bagal at bilis ng oras pero, bakit hindi nararamdaman ng mga tao dito sa mundong to?Naalala ko pa, huminto ang oras ng halos 4 na oras.Lahat ng mga tao at mga bagay na nakikita ng mga mata ko ay naging statwa.3 yrs na ang nakakalipas mula nung nangyari iyon.Minsan naiisip ko, sino kaya ang gumagawa nun?galing din ba siya sa mundo namin?Kung sino man siya, alam kong hindi ako nagkakamali na pareho lang ang mundong pinanggalingan namin.

Next chapter