1 1: Cryptic

Chapter 1

It was around quarter to 6 when I arrived inside my office with my matching sleepy eyes and uncombed hair. I was waiting for my mission for almost 3 hours and it's boring the shit out of me. Kulang na lang ata maglupasay at gumulong gulong ako sa loob ng buong opisina ko para may magawa ako bukod sa pagtitig sa pader sa harapan ko. Sobrang tagal naman mag-approve ni Ace. Jusko!

Buti sana kung konti lang ang gagawin kapag nakuha mo na ang documents pero hindi eh. Siyempre, kailangan pang maghanap ng mas maraming impormasyon tungkol sa mga targets namin. May mission documents naman pero siyempre hindi naman nun mabibigay ang lahat ng kailangan mong malaman. Ace requires us to make a blueprint of our plans for us to execute it perfectly. Kailangan din malaman kung kailangan ba ng tulong mula sa iba pang agents para matapos ang mission. Ang bagal talaga, Ace. Pasalamat ka...

"Aqua, this is your Beta Mission 311," sabi ng isang napakagwapong lalaking nakasuot ng itim na suit na bara barang pumasok sa opisina ko.

Tinignan ko siya nang masama kasi... what the hell! Uso naman kumatok ahh. Poker face? Check! Kahit kailan meron talaga siyang malamig na aura na parang nagsasabing kailangan mo siyang layuan. Why would he even be called Frost in the first place, right?

"Why are you looking at me like that?" Iritableng tanong niya habang nakakunot ang noo.

Ang sungit! Hindi ko alam kung naging ganyan lang siya simula nang nakilala ko siya o kung ganyan talaga siya iniluwal ng nanay niya.

"Mukha kang natatae," pang-aasar ni Nicholas Hawker o Frost habang nagpipigil ng tawa niya. Ngumuso naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hoy lalaki! Mas mataas pa rin ang posisyon ko sayo ah. Tss, ihampas kita sa pader eh," sigaw ko habang iniirapan siya pero nginisian niya lang ako.

"Ahh," tipid niyang sagot.

Pigilin niyo ako kasi mumurahin ko na talaga 'to! Nagbuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Back to Earth, Aqua. Back to Earth. Be professional. Mamaya mo na sapakin ang lalaking 'yan.

"What do I have to know?" Seryosong tanong ko kaya nagsimula naman niyang mag-discuss habang dinadaanan ko ng konting basa ang mission documents.

"Your main target is Wendy Santiago. She's clingy, childish, always jealous, and immature as hell. She's currently studying in Elite University which means she's from a very rich clan. She drives herself to school most of the time and she arrives at approximately 9 AM," pagpapaliwanag niya habang seryoso lang akong nakikinig sa kanya habang nag-iisip ng plano.

"Her boyfriend's name is Luke Barton. What should I know about him?" Tanong ko bago kagatin ang dulo ng ballpen ko nang hindi namamalayan.

"Their relationship has a weak point already so you can easily finish the mission with a little help. Kaya mo na 'yan at saka tinatamad akong umalis ehh. Just a tip, infidelity is an issue before," pagpapatuloy niya bago humikab. Ngayon ko lang napansin na mukhang puyat na puyat ang lalaking ito. Ano kayang ginawa niya kagabi?

"Once a Casanova—"

"always a Casanova. I know, Aqua," pagpapatuloy ni Nicholas ng sinasabi ko bago maglakad patungo sa fridge. As usual, gutom na naman siya. Minsan nga iniisip ko kung na-titrigger ba ang gutom at uhaw niya kapag pumapasok siya sa opisina ko eh.

"Thank you, Frost. May plano na akong naisip," halos bulong ko bago ngumiti nang malapad kaya nakakita ako ng mapaglarong ngisi mula sa mga labi niya.

I arrived earlier than I thought but I'm up for waiting because the early bird catches the worm. Minaneho ko ang Ferrari ko papasok sa loob ng carpark ng campus habang nakasuot ng uniporme ng isang college sa university na ito. Ayon kasi sa research ko, hindi pwede ang outsiders sa loob ng campus kung wala kang kakilalang estudyante sa loob. Mabuti na nga lang madaling magaya ang sticker ng university nila kaya nakapasok agad ang sasakyan ko nang walang kahit anong problema.

Nagpatulong ako sa mga tauhan namin ni Frost para masigurong meron nang mga nakaparada sa parking spots malapit sa kabilang exit. Basta kailangan nilang magtira ng mga pwestong malapit sa sasakyan ko at siguradong dadaan ang target sa exit kung saan ako malapit. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay at paglalaro ng susi ko, may dumating na red Porsche kaya agad kong tinignan ang plate number ng sasakyan. Siya 'yun. Sigurado akong siya 'yun.

"Target acquired," bulong ko sa sarili ko bago lumabas ng sasakyan.

Dahil nga marami nang nakaparada sa kabilang exit, pumarada ang target ko malapit sa sasakyan ko. Agad akong naglakad papunta sa pinakamalapit na exit nang makita ko siyang palabas na ng kotse niya. Mapapansin mo agad na may kakaiba sa kanya kapag tinignan mo siya. Meron siyang aura na sumisigaw ng isang malaking bad boy sign at hindi nga niya sinusunod ang tamang uniporme ng college nila dahil naka-shirt lang siya sa loob ng coat niya imbes na long sleeves.

Woooh, it's my time to shine!

"Aray," ngiwi ko dahil nagkunyari akong natapilok nang medyo malapit na siya sa 'kin.

Saktong sakto nga ang timing ko dahil nakahawak ako sa braso niya para wag akong tuluyang matumba. Kahit kitang kita ang gulat sa mga mata niya ay agad naman niya akong inalalayan.

"Miss, okay ka lang?" Magalang na tanong niya at mukhang nag-aalala talaga siya sa akin.

"Uhm, yes," nahihiyang bulong ko. Tinulungan niya akong tumayo pero umarte akong sobrang sakit talaga ng binti ko habang tumutulo ang iilang patak ng luha mula sa mga mata ko.

"A-Aww, hindi ko ata kaya."

"Dadalhin na lang kita sa health service. Okay lang ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya kaya tumango ako at hinayaan siyang buhatin ako nang parang prinsesa.

Napansin ko agad ang kanina niya pang pagtingin tingin sa binti ko. Nalaman ko kasing meron siyang fetish para sa mga babaeng may maliit na tattoo sa katawan kaya nagpalagay ako ng triangles doon. Don't worry, mawawala naman 'yun pagkatapos ng isang linggo dahil Henna lang naman 'yun. Of course, I would do everything to make my mission perfect.

"Wait, kuya. May naiwan ako sa car ko. Pwede bang balik lang tayo sandali? Sorry naabala kita, ha?" Pagpapasensya ko sa kanya na kunyaring nalulungkot. Sana naman convincing ang pag-arte ko dahil ayoko nang bumalik pa ulit dito bukas.

"Hala, okay lang 'yun," masayang sagot niya bago ako ngitian na abot hanggang tenga. Tinuro ko naman sa kanya kung nasaan nakaparada ang sasakyan ko at dinala naman niya ako doon nang walang kahit anong pagdududa.

"Nice ride," puri niya habang pinagmamasdan ang Ferrari ko.

Who wouldn't be amazed by this beauty, right? Nalaman ko rin kasing mahilig si Luke Barton sa car racing na kaparehas ng hilig ko kaya dinala ko ang huling sasakyan na ginamit ko sa karera. Well, sportscars naman halos lahat ng sasakyan ko kaya wala naman akong dapat ikabahala tungkol dun.

"Thanks," bulong ko bago ko siya bigyan ng isang matamis na ngiti.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko para makapasok ako at para maibaba niya na ako sa loob. Kitang kita ko ang pagpikit niya nang maamoy niya ang pinakapaborito niyang pabango ng babae sa loob ng sasakyan ko. Alam ko kasi ang mga bagay na gusto niya na wala sa current girlfriend niya kaya 'yun ang ginamit ko para makuha ang loob niya. Mula naman sa labas ng sasakyan ko ay iisipin mong mukhang may nangyayaring kababalaghan sa loob nito... especially in the view of my other victim.

"Walang hiya ka!" Galit na sigaw ng isang babae mula sa labas ng sasakyan ko. Palihim kong tinignan ang orasan ko nang makita ko ang gulat na itsura ng target ko. Perfect timing!

"Ano? Hindi ka ba mag-eexplain? Napakawalang hiya mo talagang lalaki ka! Manloloko ka! I shouldn't have trusted you!" Dagdag ni Wendy Santiago na parang nakita niya talagang niloloko siya ng boyfriend niya.

"B-babe, andyan ka pala. I was just hel—" Nabubulol na sagot ni Barton na mukhang isang batang nahuling nilalaro ang koleksyon ng daddy niya.

"Ano? Hindi ka na makakalusot. Huling huli ka sa aktong nakikipaglandian sa babaeng ito. Sino ka naman, Miss? Do you know who I am? Kaya kong bayaran ang buhay mo. Kaya kitang bilhin," sabi niya habang dinuduro duro ako kaya napanguso ako dahil dun.

"I'm—" Sagot ko sana pero pinutol agad ni Luke Barton ang sasabihin ko.

"Tangina naman, Wendy. Palagi na lang tayong ganito. Hindi mo man lang ako pinag-eexplain. Yan kasi problema sayo. Ang kitid ng utak mo. Paano kung tinulungan ko lang pala siya which is the truth? Lahat na lang pinagseselosan mo. Lahat na lang iniisip mong nilalandi ko. Miski lab partner ko pinaghihinalaan mo," pagpapaliwanag niya na halos sabunutan na ang buhok niya dahil sa inis.

"Hindi mo ako maloloko kasi you did this in your past relationships. Maraming beses pa nga eh! Hindi na matatanggal sayo ang pagiging babaero mo. Ayoko na sayo! Break na tayo!" Tili ni Santiago na parang isang spoiled brat.

"No, Wendy, I'm breaking up with you," ani Barton sa pinakakalmado pero ma-awtoridad niyang boses kaya umalis nang umiiyak ang ex-girlfriend niya. Wooh! Mission accomplished!

"Sorry Miss. Pasensya na kung nakita mo pa ang drama namin, ha? Ano nga palang pangalan mo?"

"I'm Aqua. I think my ankles are already okay. Thank you ulit," sagot ko bago ko siya ngitian nang sobrang tamis at saka ako naglakad papunta sa driver's seat.

"Ah Aqua, I'm Luke. Would you like to drink coff—"

avataravatar
Next chapter