1 Prologue

PROLOGUE

They say that the most beautiful music in the world is your own heartbeat, because it assures you that you will survive even when the whole world leaves you alone.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.

It isn't nearly as clear when you just put your ear to the chest to listen.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub

Sometimes people won't believe a thing because they haven't seen it.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.

"One . . . two . . . three . . . four . . .", pagbibilang ko sa bawat pagtibok na naririnig ng tenga kong nakadikit sa kaniyang dibdib. "Five . . . six . . .", sinabayan ko din ito nang bahagyang pagtapik ng daliri kong nakapatong sa kaniyang kamay na may swero.

Ang paningin ko ay nakatuon sa monitor na nasa gilid ng higaan. 89 heartbeat per minute, ang sabi nang kulay kalimbahim (pink) na linyang panay akyat-baba.

Patuloy pa rin ang pagbibilang ko at pagdantay sa dibdib niya habang nakikinig ng pagtibok nito na para bang isang napakagandang musika na nagre-replay, "Twenty . . .".

"B-Bakit . . . ka u-umiiyak?"

Napabalikwas ako nang marinig ko muli ang boses niya. One week. One week na ang nakakalipas nang huli kong marinig ang boses niyang para bang anghel sa langit. Nakapako ang tingin ng kulay hazel nut niyang mga mata sa akin. Bahagya ding nakanuot ang kaniyang noo at nagsasalubong ang makapal niyang kilay.

"G-Gising ka na!" I exclaimed.

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay na kanina'y tinatapik ko. Pinilit niyang abutin ang mukha ko at pinahid ang mga luhang hindi ko namalayang tumutulo.

"Bakit ka umiiyak?" Muli niyang tanong.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Hindi ko magawang magsalita. Para sa akin, masaya na akong gising na siya.

Hinawakan ko 'yong kamay niya at marahang ibinaba ito. Umiling ako kasabay ng pagpahid ko sa aking pisngi. Humugot ako ng hangin at nginitian siya.

"Tatawagin ko na si doc."

Tumayo na ako at akmang aalis na nang muli kong maramdaman ang kamay niya sa kamay kong mahigpit na nakakapit.

"Teka—"

"B-Bakit?"

Hindi niya ako sinagot at nanatili lang nakatitig sa mukha ko. Ako na mismo nagtanggal ng pagkakapit ng kamay niya at muli itong binalik sa higaan.

Nagpatuloy na ako maglakad papunta sa pinto. Ngunit napatigil ako sa pagpihit ng sedura dahil sa tatlong salitang lumabas sa bibig niya.

"Kilala ba kita?"

Napahigpit ang hawak ko sa sedura ng pinto. Napakagat ako sa aking labi at pinigilang lumingon.

Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pintong kakasara ko lang at tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Napatitig naman ako sa replyeksong nakikita ko sa salamin sa harap ko.

Nakikita ko ang isang babaeng halos hindi na makahinga sa kakaiyak, ang buhok nito ay tumatama sa manggas ng puting t-shirt na suot, ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang malaking butas sa dibdib nito.

Nakahihindik.

Nakakatakot.

Wala akong puso.

They say that the most beautiful music in the world is your own heartbeat, because it assures you that you will survive even when the whole world leaves you alone.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.

It isn't nearly as clear when you just put your ear to the chest to listen.

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub

Sometimes people won't believe a thing because they haven't seen it.

"Oh," nakita ko ang isang kamay na may inaabot na puting panyo.

"Punasan mo nga 'yang luha mo."

avataravatar
Next chapter