1 ~ Karangyaan ~

.

"Uy! Mare! Bagong t.v.?" Puna ni Aling Rose habang nakatingin sa bagong biling t.v.

"Syempre, malaki ang kita ni Lyka eh," pagyayabang ni Mama sabay himas sa ibabaw ng ulo ko. Isang tipid na ngiti lang ang naging tugon ko. "Punta ka mamaya, magpapakain ako." Imbita pa nito bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Nadatnan namin sina papa at kuya ko na abala sa kani-kanilang mga tablet at laptop. Napatigil naman ang mga ito ng utusan ni Mama na ayusin ang t.v. dahil sa darating na mga bisita.

"Ikaw naman magpahinga ka na para hindi ka mukhang haggard mamaya." Baling nito sa akin.

Paglapat ng likod ko sa kama ay sunud-sunod na patak ng luha ang kumawala sa aking mga mata hanggang sa makatulog ako.

---

"Ang swerte mo talaga dito sa dalaga mo dahil nakakatulong pa rin sa 'yo. Hindi tulad ng anak ko nag-asawa agad." Naiinggit na sabi ni Aling Rose. Abala ang lahat sa pagtingin sa loob ng bahay namin habang kumakain.

Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mukha dahil halos lahat ng gamit namin ay mga latest model. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Pero agad ding naglaho ng tawagin ako ni Aling Vicky at tanungin ang edad ko.

"Eighteen po."

"Hhmm. Tama 'yan tulungan mo muna ang mga magulang mo kesa naman mag-asawa ka agad. Sa ganda mong 'yan siguradong katawan mo lang ang habol ng mga lalaki sa 'yo." Tango na lang ang nagawa ko.

Nang mag-uwian na ang mga bisita at malinis ang mga kalat ay nagtungo na kaming lahat sa kwarto ko. At halos ayaw ko nang huminga ng sumapit na ang oras na pinaka-kinatatakutan ko.

Umilaw ang computer at lumitaw ang mukha ng isang banyagang lalaki na may nakakalokong ngisi nang masilayan ako.

###

avataravatar
Next chapter