webnovel

Miss, bulag ka ba?

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng bigla na lang may bumunggo sa'kin na matangkad na lalaki. Teka, siya yung Jed na parating pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko. Nasa katabing seksiyon 'ata siya, eh. Sabi nila gwapo daw siya, kaya lang hindi ko pa talaga siya nakikita dati.

"Miss bulag ka ba?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa'kin ng diretso.

Naiinis ako na kailangan ko pa talagang tumingala habang nakikipag-usap sa kanya. Feeling ko kasi ang liit-liit ko

"Pasensiya na. P-pero ikaw naman yung—"

Bigla na lang siyang umalis. Bastos yun, ah. Hindi man lang humingi ng tawad. Siya naman talaga ang nakabunggo sa'kin eh. Pero bakit ako yung humingi ng tawad? Pinagkibit-balikat ko na lang yun at pumunta na ng klase. Baka kasi late na ako.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Nang matapos ang klase ay nakita ko na naman si Jed. May kasama siya ngayong babae. Mukhang isa siya sa mga kaklase ko. Si Erin. Nakakapit siya ng mahigpit kay Jed. Yumuko na lang ako dahil ang awkward naman kung titingnan ko sila 'di ba? Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad sa kabilang bahagi ng hallway para siguradong hindi ko sila maabala. Siniguro ko pang malapit lang ako sa locker. Pero nagulat ako ng mabunggo ako sa kung ano at napaupo sa sahig. Tumingala ako para sana makita kung ano yun.

"I-ikaw?"

"Miss, bulag ka ba?" sabi ni Jed.

Pa'no nangyari yun eh kani-kanina lang nasa kabila naman sila, ah.

"P-pasensiya na." awtomatikong sabi ko.

Heto na naman ako at humihingi ng tawad sa hindi ko naman kasalanan.

"K-kasi naman ano. K-kani-kanina lang nandu—"

Bigla na naman siyang nagwalk-out kasama yung kaklase ko. Bastos talaga yun, no. Naiwan na lang ako dun na napatanga. Nang makabawi ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at tinungo ang pintuan palabas ng school.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

"Xia, patulong naman dito o. " sabi ni Mitch sa akin.

Nandito kami ngayon sa library para gumawa ng project naming miniature zoo na ipapasa namin bukas.

"Bakit?" simpleng tanong ko.

"Naubusan na kasi tayo ng Popsicle sticks. Baka pwede kang humingi kena Jena." tukoy niya sa isa pa naming kaklase.

Tumango lang ako at pumunta na sa parte kung nasaan sina Jena.

"Jena, meron pa ba kayong extrang Popsicle sticks?" tanong ko.

"Wala na eh. Humingi ka na lang sa kabilang seksiyon. Ganito rin yung ginagawa nila eh. "

"Anong seksiyon? Yung sa left o right? " tanong ko.

"Sa left. " simpleng sagot niya.

Tumango na lang uli ako. Teka, wala naman akong kakilala sa ibang seksiyon eh. Nagpalinga-linga na lang ako. Sino kayang pwede kong hingian? Eh kung bumili na lang kaya ako? Kaso, hindi kami pinapayagan ng guard ng school na umalis kapag ganitong oras. Wala namang nagbibenta ng school supplies dito sa loob. Kakapalan ko na lang talaga 'tong mukha ko at hihingi na lang sa ibang seksiyon. Nag-about face ako ng may mabunggo na naman ako. Bakit ba parating nangyayari to? May mga nahulog yung nakabunggo ko.

"Miss, bulag ka ba?"

That line again. I should have known, si Jed na naman.

"Pasensiya na. " sinserong sabi ko.

Sa pagkakataong ito kasi kasalanan ko na yun. Pero, bakit na sa likuran ko siya? Sa laki ba naman ng lobby na'to tapos wala namang masyadong tao dito. Nagkibit-balikat na lang ako at tumingin na lang ako sa baba para pulutin yung mga nahulog niya. Popsicle sticks? Tinulongan ko na siya, pagkatapos ay ibinalik sa kanya yung mga stick. Sa kanya na lang kaya ako humingi, tutal marami naman yang Popsicle sticks niya eh.

"Ah-ano, k-kasi..." nauutal na sabi ko.

"Ano yun?" sabi niya sabay tingin sa akin ng diretso sa mata.

"Ano, k-kasi..." tiningnan ko siya ulit ganun pa rin ang hitsura niya.

"Ano nga?" namimilog ang matang tanong niya.

Hindi ko masabi kung naiirita siya o naeexcite. Pero bakit nga naman siya maiexcite 'di ba?

"Ah, w-wala. " sabi ko na lang.

Eh pa'no ba naman kasi. Nabunggo ko siya kani-kanina lang tapos ngayon, hihingi ako ng kung ano sa kanya. Hindi naman kami close eh. Pumasok na lang siya sa room nila. Teka, diyan rin pala ako pupunta. Dahil bukas naman ang pinto ay dun nalang ako nanatili sa may doorstep. Tumikhim muna ako.

"E-excuse me." bigla na lang lumingon ang lahat sa direksiyon ko.

"Teka siya ba yun?" tila naririnig kong sabi ng isang babae.

Sunod-sunod naman ang pagsasalita ng iba pa nilang kakalase na tila nagbubulungan tungkol sa akin. Dagdag nerbiyos to ah. Sana hindi ako maihi dito sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kasi ay nasa lalamunan ko na ang puso ko.

"A-ano kasi. M-meron ba kayong extrang Popsicle sticks?" nauutal at nahihiyang tanong ko.

Nagulat ako ng halos magkasabay na tumayo yung tatlong lalaki sa magkakabilang grupo na may hawak pang mga Popsicle sticks. Naka-porma kasi ng maliliit na circle yung mga upuan nila kaya ko nalaman na sa magkakaibang grupo sila. Nang papalapit na sila sa akin ay biglang tumayo si Jed at kaagad pumunta sa direksiyon ko at hinarang ang katawan niya.

"Tinanong niyo na ba yung mga kagrupo niyo kung hindi niyo na kakailanganin 'yang mga sticks na hawak niyo?" seryosong sabi niya sa mga kaklase.

"Oo nga Kiel. Gagamitin pa na'tin 'yan eh. " sabi ng osang babae.

"Oo kulang pa yung fence natin." sabi naman ng isa mula sa ibang grupo.

Tumingin ako dun sa tatlo na nakayuko dahil 'ata sa kahihiyan.

"Salamat na lang sa inyo." nakangiting sabi ko sa tatlo.

Nagliwanag naman yung mga mukha nila at nakangiti na tumango at bumalik na sa mga upuan nila. Nakita kung naningkit ang mga mata ni Jed. O imahinasyon ko lang ba yun. Pero para namang may ipagbabago 'yang mukha niya. Parati naman nalukot. Aalis na sana ako ng magsalita si Jed.

"Miss bulag ka ba?"

"H-huh?"

May kakasalanan nanaman ba ako? I'm pretty sure na wala.

"Eto na lang ang gamitin mo. Dapat nanghingi ka na lang sa'kin kanina." sabi niya sa akin.

"M-maraming salamat." nakangiting sabi ko.

Eh nahihiya nga ako eh. Napansin ko naman na umiwas siya ng tingin sa akin.

"Sige alis na ako. " sabi ko at umalis na lang.

Ibinagay ko na ang mga Popsicle sticks kay Mitch at ipinagtuloy na ang project namin.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Halos araw-araw na lang nakakabunggo ko si Jed. This is a really strange thing. Minsan naiisip ko na lang, isinumpa ba ako? Para kasing sadya na yung nangyayari eh. Pero impossible naman 'ata yun. Bakit naman sasadyain 'di ba? Bigla na lang tumunog ang bell. Naku, late na ako. Tumakbo na lang ako papuntang room namin. Pero...

"Aray. " sambit ko ng mapa-upo ako sa sahig.

Kahit nasaktan ako parang naexcite pa ako ng may bumangga sa akin. Naalog na ba 'tong ulo ko?

"Pasensiya na miss. "

Hindi yun ang inaasahan kong sagot ah. Dismayado akong napatingala. Hindi siya.

"Ayos lang yun." sabi ko.

Inilahad nung lalaki ang kamay niya sa akin na inabot ko naman at nakatayo na ako.

"Sige, una na ako. " sabi ko.

"Teka lang Xia."

"Kilala mo 'ko?"

"Syempre naman. Crush kita eh. Ako nga pala si Will. "sabi niya sabay lahad uli ng kamay niya.

Nagdadalawang-isip tuloy akong makipagkamay sa kanya. Nang hahawakan ko na sana yung kamay niya biglang may sumulpot na lalaking naka-skate board sa kung saan. Allowed ba yun sa loob ng school?

"Miss, bulag ka ba?"

Tila biglang huminto ang tibok ng puso ko ng marinig ang apat na salitang yun.

"Pasensiya na. P-pero ikaw naman yung biglang sumulpot sa kung saan."

Wow, first time kong makabuo ng sentence sa kanya tuwing ganitong tagpo. Pero tulad ng dati, bigla na lang siyang umalis ng hindi man lang humihingi ng tawad.

"Pasensiya ka na. Sige, una na ako. "

"Bakit ikaw ang humihingi ng tawad?" tanong nung lalaki.

"Huh?" yun lang ang nasabi ko dahil wala akong maisagot.

"I mean bakit ikaw yung humingi ng tawad sa kanya? Never mind na lang sige alis na ako. " sagot niya at 'saka umalis na.

Bakit nga ba ako ang humihingi ng tawad? Wala naman akong kasalanan dun ah.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Break namin ngayon. Nandito ako sa labas at nakaupo sa pinakahuling bench. Dito kasi ang pinakatahimik na parte ng school namin. At mahangin rin dito. Nagulat ako ng makita ko si Jed. May kasama uli siyang babae. Nakakapit ito ng mahigpit sa kanya. Parang may biglang kumurot sa loob ko. Pero isinawalang bahala ko na lang. Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Ano ba yan? May tao pala, dito. Umalis na lang tayo, Jed." narinig kong sabi nung babae.

"Dito lang tayo." sabi niya sabay upo sa tabi ko kasama nung babae.

Diyan pa talaga naglambingan ang dalawa. Hindi tuloy ako makafocus sa binabasa ko. Tumayo na lang ako para umalis na, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Miss, bulag ka ba? " tanong ni Jed sa akin.

Sana nga ganun na lang. Para hindi ko siya nakikitang may kasamang iba. Teka, ano ba 'tong naiisip ko.

"Ano na naman ba ang kasalanan ko? And let me remind you na kung ano man yun, hindi na ako hihingi ng tawad dahil sigurado akong wala akong kasalanan. Kaya sabihin mo na kung ano yun." lakas-loob kong sabi.

He just grinned. May sayad ba tong lalaking to? Hindi ko namalayang nakaalis na pala yung babae kanina.

"Hindi mo talaga alam? Bulag ka nga siguro no. "

Tinitigan ko siya ng masama.

"Grabe kang mang-insulto ah. Bakit? Ano ba talaga ang kasalanan—"

Nagulat ako ng bigla niya na lang akong hinalikan. Tumigil sa pagtibok ang puso ko. No way, kani-kanina lang may kasama siyang babae, tapos ngayon hinahalikan niya ako. Itutulak ko sana siya kaya lang sa sobrang gulat ay nanigas ang katawan ko at nanatili na lang ang kamay ko sa dibdib niya. Pagkatapos ay saka ko lang naipikit ang mga mata ko. Napakurap na lang ako. What just happened?

"B-ba-bakit mo g-ginawa yun?" nauutal na sabi ko.

"Hindi mo pa rin makuha Xia?"

"Kilala mo ko?"

"Syempre naman, matagal na akong nagpapapansin sayo pero parang hindi mo man lang ako nakikita. Kaya parati kong tinatanong sayo kung bulag ka ba. Tapos humihingi ka naman ng tawad. Tapos kanina tinanong mo pa ako kung anong kasalanan mo. Ewan ko rin kung ano. Pero hindi ka mawala sa isip ko. Mahal kita." sabi niya.

Parang may nagkarerehang kabayo sa dibdib ko sa bilis ng tibok nito. Tama ba yung narinig ko? Mahal niya ako?

"Ganyan mo ba nakukuha yung mga babaeng nakakasama mo? Dahil ako hindi mo ako mauuto. Kani-kanina lang may kasama kang iba tapos ngayon ako naman ang pagtitripan mo?"

"Kung ganun napapansin mo pala ako. Hindi ka pala bulag. 'Wag kang mag-alala kaibigan ko lang naman ang mga yun eh."

"Kaibigan eh, ang lakas makapuluput sa'yo. Daig pa ang linta." bulong ko sa sarili ko pero narinig pala niya.

"Bakit? Nagseselos ka ba?"

"H-hindi ha." sabi ko na umiwas ng tingin dahil ang init na ng pisngi ko.

Hinawakan niya ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. Sa kung anong dahilan ay ngumiti siya.

"Kung ganun. Pupuntahan ko na lang si Lea."

"Sinong Lea?" biglang nagsalubong ang kilay ko napalakas ang boses ko.

Nang marealize ko kung anong nasabi ko ay umiwas ako ng tingin at tinakpan ang bibig ko. Tinanggal niya naman ito.

"Nagseselos ka nga. Pero hindi dapat kamay ang tinatakip diyan. Ito! " sabi niya at pinalitan ang mga kamay ko ng mga labi niya.

Siya na yung first at second kiss ko. Nangyari lahat ng yun sa araw lang na'to. Hindi ko alam pero parang okay lang sa'kin yun ang manatili sa tabi niya.

Fin 〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

l