10 Chapter Ten

Cali's heart was racing in her chest. Isang hindi pamilyar na sensasyon ang lumukob sa kanyang pagkatao. Her stomach felt as if it was in a knot at kahit pa ramdam niya ang pagtama ng pang gabing hangin sa balat niya ay tila hindi siya makasagap ng sapat upang hindi mangapos ang kanyang hininga.

Drake's lips were still on hers, softly engulfing hers with a warm, tender kiss.

Her eyes remained shut, ang mga kamay niya ay naitukod niya sa malapad na dibdib ng binata. Drake's right hand moved from her face to her waist, gently pulling her closer to him, as he expertly continued kissing her.

She parted her lips a little bit, hoping to catch some more air, dahil parang nalulunod na yata siya sa sensasyong nararamdaman. Little did she know that Drake would use that to deepen the kiss.

Her knees turned into jelly the moment his tongue delved in, exploring the sweetness of her mouth. Hindi niya sinasadya ngunit isang ungol ang umalpas mula sa kanyang lalamunan.

Drake's hand travelled from her jaw to the back of her head. His head was tilting right and left as he continued kissing her. Hindi malaman ni Calista kung paano tutugon sa paraan ng paghalik nito sa kanya. For God's sake ngayon pa lang siya nahalikan!

She tried to mimic what he was doing and shyly tried to meet his tongue. She heard him moan when their tongues met at sa kanyang gulat ay hinuli iyon ni Drake and gave it a gentle suck. That was the last straw for Cali. She felt an unfamiliar warmth was coursing down from the pit of her stomach down... hindi niya maipaliwanag kung ano pero may palagay siyang pinagpapawisan na siya sa mga nangyayari. Nanginginig din ang mga tuhod niya at para siyang nawalan ng lakas.

Drake gently pulled away from her after a while, ang mga kamay nito ay nanatiling nakahawak sa kanyang baywang. She heard his rugged breathing. Alam niyang nakatunghay ito sa kanya but she was avoiding his eyes. Pulang pula marahil ang mga pisngi niya sa nangyari!

Marahang hinawakan ng binata ang baba niya at itinaas ang mukha niya, "look at me, Cali" he commanded.

No! How could I possibly look him in the eye?! Nakakahiya!

"Sweetheart, please look at me" his voice was still a little rugged.

Marahan siyang nag angat ng paningin upang salubungin ang mga mata nito. But instead of his eyes, she couldn't help staring at his lips! Mamula mula pa iyon marahin sa paghalik sa kanya! Lalong nangamatis sa pula ang mukha niya ang maalala ang pinagsaluhan nila kanina lamang.

"There's nothing to be shy about" his voice was full of assurance. "You're my girl from now on, hmm?"

Isang nahihiyang tango ang kanyang naging tugon.

Drake smiled broadly sa kanyang naging sagot, exposing a set of pearly white teeth. Kinabig siya nitong palapit sa dibdib at niyakap "you'll never regret it Cali" he planted a kiss on her forehead.

******

"Cali!!!" Tili ni Lilet papasok pa lamang siya sa gate ng unibersidad, tila yata kanina pa siya inaabangan nito. Patakbong lumapit sa kanya ang kaibigan at iniangkla ang braso sa kanya.

"Good morning!" Bati niya rito. "Ano ba ang meron at parang ang aga-aga eh ang excited mo?"

"Oh my Gosh! Wait until makita mo kung ano ang naghihintay sa'yo sa room!" Abot tenga ang ngiti ni Lilet.

She frowned at bahagyang tumigil sa paglakad "ano ba ang meron?"

"Hay basta! Halika na bilisan na natin para makita mo na! Dali!" Halos kaladkarin siya nito.

Lahat yata ng mga mata ng mga kaklase niya ay nakatuon sa kanya nang pumasok siya. She felt uncomforable, pakiramdam niya ay para siyang isang specimen na mina-microscope.

Just what is going on? Seriously?!

"Cali!" Si Trisha, ang isa sa mga sosyalera niyang kaklase na ni minsan yata ay hindi siya kinausap. Himala?! Kilala pala siya nito?!

"May manliligaw ka ba? Was that from him?" Ani Trisha na hinayon ng tingin ang desk niya. Noon lamang napansin ni Cali na mayroon isang regalong nakapatong doon.

She quietly walked to her desk. Hindi naman niya birthday, so sino ba ang bigla na lang magreregalo sa kanya.

"Buksan mo na" excited pa ring ani Lilet sa kanya.

"Maybe it's a prank? Baka kung ano ang laman nito ah" bulong niya kay Lilet as her eyes surveyed the class. Karaniwan ng mga kaklaseng niyang lalaki ay mabait sa kanya, ngunit mayroong ibang sadyang sutil. Baka mamaya ay kung ano ang inilagay ng mga ito sa kahon.

"What are you waiting for?" untag ni Lilet na tila kating kating makita ang nilalaman ng regalo.

She sighed and hesitantly started to rip the wrapper. Marami sa kanyang mga kaklase ang nagsilapitan upang tignan ang nilalaman niyon, lalo na si Trisha na naupo pa sa kanyang desk, directly eyeing her every move.

Mga usyusera! piping angal ng isip niya.

Nang lubusan niyang matanggal ang balot niyon ay halos lumuwa yata ang mata ni Trisha sa pagkakatingin sa kahong tumambad sa kanila.

She's not the type who uses designer stuff pero hindi rin naman siya ignorante sa mga brands. Ilang ulit na rin naman niya iyong nakita sa mga commercials at magazine. Ang ibabaw ng kahon na iyon ay mayoong logo ng animo'y dalawang letter C na magkaharap, sa isang gilid ay isang magandang puting bulaklak na Camellia ang naka adorno sa kahon.

"Chanel?!" Ani Trisha na napataas ang boses sa pagkabigla kasabay ng pagtayo sa kinauupuan. Maya maya ay painsulto itong tumawa "I bet that's fake! Chanel costs a fortune, sino naman ang makaka afford na magregalo sa iyo niya- "

"I hope you like it, Sweetheart - Drake" malakas na basa ni Lilet sa maliit na card na kasama ng regalo. Ni hindi niya napansing kinuha iyon ng kaibigan.

Lalong namilog ang mga mata ni Trisha ng marinig ang sinabi ni Lilet. Agresibo nitong inagaw mula sa kamay ni Lilet ang card.

"Drake?! as in Drake Lustre?!" Trisha's voice was an octave higher than usual. "and sweetheart?! what does that mean?!" matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya.

"Well just like how you heard it, Trisha" sabat ni Lilet. "The infamous Drake Lustre of St. Vincent University is officially my friend's boyfriend!" 

"I- I don't believe this! Someone must be pranking you! Buksan mo yang kahon, pihadong prank lang ang laman niyan!" 

"Aba't!" gigil na asik ni Lilet sa babae "Why don't you leave my friend alone and mind your business!".

"Lilet, hayaan mo na" malumanay niyang sabi.

"Why? too chicken to see what's inside? For all we know, baka ikaw lang din ang nagpadala niyan sa sarili mo! Ume-effort ka ba para makasabay sa amin?" umismid ito "You can never be on our level Ms. Probinsyana!"

"Buksan mo na nga at ng matigil yang malditang 'yan!" udyok ng kaibigan.

With a heavy sigh ay inangat niya ang takip ng kahon. Might as well get this over with tutal ay mukhang hindi siya titigilang pestehin ni Trisha hanggang hindi nito nakukuha ang gusto.

She gasped a little too when she finally revealed what's inside. It was a Chanel drawstring bag in white. Hindi niya kailangang maging henyo o sosyal para malaman kung magkano ang halaga niyon.

"What the-?!" si Trisha.

"Satisfied?" aniya at muling ibinalik ang takip ng kahon.

"Ugh!" nagpupuyos na tinalikuran siya ni Trisha.

"OMG napaka galante naman pala ni Drake" kinikilig na ani Lilet.

"I'll have to return this to him". 

"Ano? loka ka ba? ang ganda kaya! Ni sa panaginip ko hindi ako bibilan ng ganyan ni Mommy eh!"

"I can't take this kind of thing from him!" naupo siya at itinabi sa gilid ang kahon.

Naupo rin si Lilet sa katabing upuan at nangalumbaba sa kanya "He's your boyfriend, ano'ng masama dun?"

"Ah basta! I can't take this!"

Makikipag argumento pa sana si Lilet sa kanya nang pumasok ang professor nila at agad na nagtawag para sa biglaang recitation. Nagkagulo tuloy ang lahat, at nagmamadaling naglabas ng kani-kaniyang mga notes at libro.

*******

Katulad ng kanyang inaasahan ay naroon ang sasakyan ni Drake at nakaparada sa harapan ng malaking gate ng eskuwelahan ng hapong iyon. Malayo pa lamang siya ay tanaw na niya ang lalaking patamad na nakasandig ang likod sa magarang kotseng nasa likuran nito. She couldn't help gasping. How can he look so dashing even from afar? He was wearing faded blue jeans na ang laylayan ay bahagyang nakatupi, on his feet were dark brown lace up boots. Naka white t-shirt ito na pinaibabawan ng dark blue polo na nakabukas din naman ang harapan. Naka Rayban Aviator shades ito na tila ba isang artistang naghihintay kuhanan ng camera para sa isang photo shoot.

God! Is he really my boyfriend? gusto niyang mahinang tampalin ang magkabilang pisngi. Hindi kaya isa lamang panaginip ang nangyari kagabi? Paanong ang isang ganito kagwapong lalaki ay siya ang maiibigan?

Drake must have seen her standing there because he smiled charmingly at her and waved. Bumalikwas ito mula sa pagkakasandig at lumakad patungo sa kanya.

"Hey beautiful" bati nito sa kanya.

"H-hi..."

"What's with the face? hmmm?" hinawakan nito ang baba niya at bahagyang itinaas upang makitang mabuti ang kanyang mukha.

Cali refused to meet his eyes, paano ay ang halik na pinagsaluhan nila kagabi ang sumusuot sa isip niya kapag nakikita ito.

"Is there a problem?" his eyes went to the box she was carrying "hindi mo ba nagustuhan?" he asked, referring to his gift.

Noon lamang niya naalala ang kahong dala niya na naglalaman ng surpise gift nito sa kanya kaninang umaga.

"About this-"

"Oh there you are Drake!" malanding anang isang babae na nagpaputol sa sasabihin sana ni Calista. She grimaced at halos manlaki ang mata nang ikawit na lamang nito basta sa bisig ni Drake ang sariling bisig.

 Nagpapa cute itong lumabi kay Drake "Tell me it's not true that you're the one who gave Calista that gift right? There's this strange rumor's going around that you are dating..." ibinitin nito ang sinasabi at nakakainsulto siyang sinipat mula ulo hanggang paa na para ba siyang isang nakakadiring ipis "...her?"

Pabalyang inalis ni Drake ang bisig mula sa pagkakapulupot ni Trisha at kaswal na naglakad palapit sa kanya. Without any warning ay inakbayan siya nito at kinabig palapit sa sarili. Sa gulat niya ay halos nasubsob siya sa dibdib nito.

"Yes, I am not only dating her, Trish. Cali is my girl".

Lihim na napangiti si Cali. My girl...He sounded possessive of her and she liked it.

"Drake! This is a joke, right?!" pahisterya itong tumawa "Alam na ba ito ni tita Evelyn?!"

"I'm not an 8 year old boy, Trisha, Mama doens't need to know everything that I do with my life. Now if  you'll excuse us" tumalikod na sila patungo sa sasakyang nakaparda sa hindi kalayuan, nakaakbay pa rin ang binata sa kanya.

"Tita Evelyn will know about this!" Trisha shouted. "You here me Drake Lustre? I am so telling your mom about this!"

Drake didn't even bother looking back. Itinaas lamang nito ang isang kamay sa ere at sumenyas ng "okay sign".

Nagpupuyos sa inis si Trisha na padabog na sumakay sa sariling sasakyan.

"I dind't know you and Trisha are close?" aniya a maliit na tinig. They were on the way to Valenzuela, doon kase siya nakatira sa bahay ng ninang niya.

"Nah, we're not really close. Our parents are friends and business partners and Trisha was a constant presence in our household as I was growing up"

"Eh bakit kung makapulupot sa'yo ang braso, akala mo sawa...." naiinis niyang naibulong.

Malakas na humagalpak ng tawa si Drake at nilingon siya "Are you jealous, Ms. Calista Rodriguez?" may panunuksong tanong nito.

"W-what? h-hindi ah!" mabilis niyang tanggi.

Muli siyang nilingon ni Drake, nakaplaster na yata sa mukha nito ang malapad na ngiti. He pinched her cheek "you are so jealous, Ms. Rodriguez, and I love it" ngumisi ito.

Lalong pinamulhan ng mukha si Cali sa sinabi ng binata. She tried to hide it by facing the window, away from his gaze. "Ah ewan ko sa'yo!" kunwari ay naiinis niyang sabi.

avataravatar
Next chapter