7 Chapter Seven

Cali spun once more in front of the mirror, hinagod ng tingin ang kabuuan. She's wearing a black pencil cut skirt na ang haba ay bahagya lamang umabot sa kanyang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng baby blue chiffon long sleeved blouse na kanyang itinuck-in sa kanyang suot na palda. She completed the look with a black 6-inch pumps.

Her long straight hair was pulled up in a ponytail. Bahagya siyang nagpahid ng make-up sa mukha, sa labi ay light pink lipstick na bumagay sa maputi niyang kutis.

She smiled at her reflection. Perfect! She looks professional yet still charming as a woman.

Inabot niya ang bote ng Chanel na pabango at nag spray sa pagkabilang palapulsuhan, ganoon din sa likuran ng kanyang tenga.

She exhaled. Today is the day they will finally be meeting the CEO of Ambassador's Hotel. She wanted to look smart and professional, isa itong malaking break para sa Perfect Space and she wants everything to be great.

Isang buwan na lamang at magsisimula na ang trabaho nila sa naturang hotel. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na sa kanila ipinagkaloob ng Ambassador's ang tiwala ang mga ito. Kung tutuusin ay mas maraming mga may sinabing kumpanya na mapagbibigyan ang Ambassador's para sa naturang proyekto, but for some reason, the company trusted them and so they also have to do everything in their power to deliver strong, more than satisfactory results.

Isinukbit ni Cali ang shoulder bag sa balikat at lumabas na ng silid niya. As always, Mat will pick her up. May sarili rin naman siyang sasakyan - isang maliit na Toyota Yaris na hatchback. Magdadalawang taon na rin niya iyong gamit, ngunit dahil parehas naman sila ng pupuntahan ni Mat at on the way ang condo niya sa bahay nito ay malimit na lamang silang magsabay upang makatipid na rin sa gasolina.

"My! My! You look so lovely darling" bigay papuri ni Mat sa kanya na noon ay nasa lobby ng condominium. She invited him up to her unit earlier ngunit tumanggi ito.

She gave her friend a broad smile "Thank you, Mr. Esteban! You look dashing yourself" iniangkla niya ang kanang kamay sa braso ng kaibigan at magkasabay nilang tinungo ang parking lot.

"What do you think the CEO will be like?" balewalang tanong niya kay Mat habang binabagtas nila ang daan patungong BGC.

"Hmm?" tinapunan siya panandalian ng tingin ng kaibigan "maybe old?"

"Paano mo naman nasabi?"

"Well, it's true that it's a start-up hotel chain pero hindi biro ang maakyat ang posisyon na 'yan, Cali".

"Sabagay" pag-sang ayon niya sa tinuran ni Mat "Sana mabait at hindi mahirap ka deal"

"Kaya nga perfect ang suot mo, para pag matandang masungit eh ma-charm mo na lang" biro nito na sinabayan ng tawa.

"Che!" natatawang angil niya rito.

*******

The CEO's office was located at the very top floor of that 25 storey building in Bonifacio Global City. Isa ang building na iyon sa moderno at bagong tayo sa naturang area. Isang malaking paikot na marmol reception desk ang nabungaran nila sa pagpasok ng palapag, sa likod niyon ay nakaupo ang receptionist. Parang nais pagsisihan ni Cali ang isinuot niya para sa meeting na ito, paano ba naman ay mas mukha pang nakabihis ng de-klase ang babaeng nasa front desk kaysa sa kanya.

The woman must be in her late 20's, just like her. Maganda ito at halatang may poise. She was wearing a crisp, tailor-made suit.

"Good morning. How can I help?" pormal na tanong ng babae habang ipinagpatuloy ang pagta-type sa computer.

"Hi, we're here for a meeting with the CEO" ani Mat.

Hindi agad sumagot ang receptionist at sa halip ay tila tinignan ang schedule sa computer na nasa harapan "Mr. Matthew Esteban and Ms. Calista Rodriguez?" sa wakas ay tinignan sila nito.

"Yep. That's us!" magiliw na tugon niya na sinamahan ng sigla ng tinig at ngiti. The lady smiled just a little bit but didn't look interested or friendly at all. Sinabihan lamang sila nitong maupo muna sa malaking couch na narorooon at pagkatapos ay lumakad patungo marahil sa opisina ng boss nito.

"Suplada" she whispered to Mat.

"I hope mabait ang boss" ganting bulong ng kaibigan sa kanya.

Maya maya ay nagbalik ang babae sa reception area, surprisingly with a smile on her face.

"Mr. Lu-... I mean the CEO will see you in a minute. Is there anything I can get for you? Tea? Coffee?"

Palihim na nagkatinginan ang magkaibigan. Biglaan ang pag-iiba ng mood ng babae na kanina lamang ay daig pa si Miss Tapia sa kasungitan.

Cali smiled politely "water for me would be fine. Thanks"

"I'll have a cappuccino" si Mat.

"Alrighty" ang babae. Tumalikod na ito upang ihanda ang refreshments.

"Pabayaan mo siyang mahirapan magtimpla ng kape hmp!" malditang usal ni Mat sa kanya na kanya namang mahinang ikinahagikgik.

Hindi pa nila napangangalahatian ang iniinom nang tumunog ang telepono ng sekretarya na mabilis sinagot ng huli. Pagkatapos ay tumayo ang babae sa kinauupuan "Please follow me".

Binuksan nang babae ang pintuan ng naturang silid at agad na bumungad sa paningin nila ni Mat ang isang ultra modern executive office. Mula sa mga paintings na nakaadorno sa dingding, maging ang malaking desk ay moderno. Ilang mga model ng racing cars ang naka showcase pa sa isang corner ng opisina, in a glass curio.

"Please have a sit. The boss is just finishing up a phone call. He'll see you shortly" anang babae bago lumabas.

She and Mat busied themselves looking around the office. The CEO obviously has a good taste in aesthetics, mula sa kulay ng opisina hanggang sa mga nakapalamuti doon, the office screams modernism and class at the same time, para bang work meets play.

"I don't think he's an old guy" she whispered to Mat.

"Who knows? Baka naman pang bagets lang ang type" mahina silang nagkatawanan sa sinabi ni Mat.

"I'm sorry if I was a little late" baritonong tinig ang pumukaw ng kanilang atensyon.

Mabilis ang naging pagbaling ni Calista sa pinanggalingan ng tinig, a charming smile prepared on her lips "Good mor-" she stopped mid-sentence nang makilala ang lalaking nasa harapan.

She blinked a couple of times but remained mum. Ang buong katawan niya ay nanlamig at pakiramdam niya ay gusto niyang kumaripas ng takbo palabas ng opisinang iyon. Parang siyang tanga na napatulala sa kaharap.

Banayad siyang siniko ni Mat na nagtaka sa kanyang naging reaksyon.

"Good morning. Nice to finally meet you. I am Matthew Esteban, co-owner of Perfect Space" inilahad ni Mat ang kamay na tinanggap naman ng lalaki bagaman ang mapanuri nitong mga mata ay hindi siya kailanman hiniwalayan.

"Oh and this is my partner and co-owner of Perfect Space, Ms. Calis-"

Mat couldn't finish what he was saying nang sa ilang malalaking hakbang ay tinawid ng lalaki ang pagitan nila at sa kanyang pagkamangha ay ginawaran siya ng isang mabining halik sa pisngi.

Shock would be an understatement. Daig pa niya ang tinamaan ng kidlat sa mga nangyayari.

"It's nice to see you again, Cali" his voice was low and his eyes were nailed on hers.

Calista clenched her fists, pilit pinaglalabanan ang tila panghihina ng mga tuhod niya at lagabog ng puso niya sa kaba.

"W-what are you doing here... Drake Lustre?"

avataravatar
Next chapter