7 Chapter 6

Third P.O.V

Hanapin niyo siya. Kailangan na niyang makabalik.

Isabelle....

Isabelle...

Isabelle....

Bigla na lamang ako napamulat mula sa pagkakahiga.Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa aking dingding. Pasado alas tres na ng madaling araw. Bigla na lamang may pumasok na malamig na hangin sa aking kwarto. Napatingin ako sa bintana na katabi lamang ng aking orasan. Napakunot ako ng nuo dahil alam ko natulog ako na nakasara ang bintana. Napatayo ako at sinilip ang labas ng kwarto ko mula sa loob ay makikita ang kadiliman na nakapalibot sa buong paligid, mga bituin na nangninining sa langit ,hanging na humahampas sa balat na nagbibigay ng lamig . Hindi ko alam pero nitong mga nakaraan kakaiba ang mga nagnyayari. Umalis na ako sa may bintana at sinugarado na naisara ang bintana ng maayos. Ngunit ng pagharap ko ay sumalubong sakin ang nakakasilaw na nilawanag. Huli ko nakita ay si karuphine na nakatitig sa akin.

Nagising ako sa isang magandamg lugar puno ng mga magagandang bulaklak meron din mga parang paru-paro na lumilipad ibat iba ang kanilang kulay. Namangha ako ng isa sa kanila ang lumapit sa akin mukha lang silang mga ordinaryong paru-paro pero kung pagmamasdan mo sila ng malapitan ay makikita mong meron silang mga mukha. Para silang mga maliliit na tao na may pakpak. Nahulat ako ng magsalita siya .

"Mahal na prinsesa maligayang pagbabalik! "magiliw niyang bait sa aakin

"Ha anong ibig mong sabihin!" tanong ko sa kanya

Nagsilapitab na din ang iba sa aamin pinalilibutan nila ako meron din silang hinahagis na kumikislap ang sarap sa pakiramdam at mabango kung itoy aamuyin mo. Napangiti ako. Napamulat ako dahil sa mumunting tawa na maririnig sa kanila tila bay napakasaya nila..

Nagsalita ulit ang unang paru-paro na lumapit sa akin. Pero napakunot ang aking nuo dahil napansin ko na parang iiyak na siya na nakatingin sa akin.

"May problema ba? " tanong ko sa kanya. Napaguso na siya ng tuluyan.Napa cute niyang tingnan kung pipisilin ko kaya ang pisngi niya papayag kaya siya.

"Hindi kami paru-paro mahal na prinsesa. Ang tawag sa amin ay mga pixie! " sagot niya "Kamj ang nagbabantay dito para mapanatili na maganda ang lugar na ito. "

"Ay ganun ba,pasensya na hindi ko kasi alam. Ano ang ginagawa ko dito. " tanong ko sa kanya may isang lumapit sa aakin at umupo sa balikat ko nilalaro nito ang aking mahaba at kulot na buhok.. Ngumiti siya sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya .

"Gusto lang namin na makita ka mahal na prinsesa. Masyado ng matagal ang pananaliti mo sa labas. Kailangna mo ng bumalik dito"

"Anong ibig mong sabihin. Sino ba kayo at ano ang lugar na ito?" Natataranta kong sagot dahil may lumabas na liwanag sa aking kinatatayuan.

" Ang iyong pagbabalik ang aming hinihintay.Gumising ka na pakiusap" Malungkot niyang sabi at ganun din ang iba pa.

"Maghihintay kami "

Yun na lamang ang huli kong narinig matapos mawala sa liawanag..

"Uy, Yanna gising na!" tapik ni Ms .D ang gumising sa a akin. Napaangat agad ng ulo dahil nakayuko akong natutulog sa lamesa dito sa likod ng locker room.

"Ms. D pasensya na po. Nakatulog po ako " ang unang lumabas sa bibig ko ng maisip na nanduon ako sa Cafe

"Mukhang napagod ka. Ang mabuti pa umuwi ka na. Tutal naman ay fithteens mins na lang ay out mo na ."

"Po. Pasensya na po Ms." Napatitig ako sa taong nasa likod niya. Hindi pala siya nagiisa .May lalo akong nakaramdam ng hiya sa nangyari.

"Siya nga pala siya si Primo pamangkin ko galing manila." Sagot niya ng mapansin na nakatingin ako sa likod niya

"Good afternoon po Sir" bati ko sa kanya. Isang titig lang ang iginawad niya sa akin

"Ang mabuti pa sumabay ka na sa kanya. Tutal ay paalis na din siya." Alok ni Ms. D

"Ay hindi na po.Malapit lang naman po yung daan ko."

" Atleast hindi kana maglalakad at makakapahinga ka ng maaga .Ayos lang naman sayo Primo right?"

"Of course Auntie" muling tingin niya sa akin. Isang malamig na tingin

"Sige na maghanda kana.Hihintayin ka na lang niya sa labas. Dadaan muna kami sa opisina ko "

Nang umalis na sila ay mabilis na inayos ang gamit pati na rin ang sarili. Nakakahiya naman kung ang gulo ng ayos ko. Ilang minuto ng matapos ay dumiretso na ako sa labas. Hindi ko naman alam kung ano ang sasakyan niya. Inikot ko ang aking paningin ng mapansin ang isang pamilyar na sasakyan.Hindi ako sigurado kung lalapit ba ako hindi ko naman sigurado kung yun ba ang gamit niya.

"Lets go" napatalon ako ng bahagya dahil sa boses ng narinig ko mula sa aking likod. Pansin ko ang pag taas ng kanyang kilay dahil sa aking naging reaksyon. Sumunod na lang ako ng nauna siyang lumakad sa akin.

Ng makita ko na binuksan niya ang pinto ng sasakyan ay binilisan ko na ang aking paglakad. Nakanguso akong pumasok sa loob. Napakasungit at seryoso naman nito. Pinagmasdan ko siyang umikot sa sasakyan hanggan makasakay ito.

"Just lead the way to your house " sabi niya ng ilang minuto umaandar ang sasakyan. Napakatahimik. Paghinga lang ang tanging maririnig mo sa loob ng sasakyan. At tulad nga ng sabi niya tinuro ko ang daan papauwi.

"Thank you Sir." Sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

Tulad ng una naming pagkikita pinagmasdan ko ang papalayo niyang sasakyan bago pumasok sa loob. Napasandal ako sa likod ng pinto ng makapasok sa loob. Napakabilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung sobra lang ba akong kinabahan. Pero alam kung hindi dahil bago lang sa akin ang pakiramdam na iyon.

avataravatar
Next chapter