11 This Isn't Me at All

"Ah. Hi?" Bati nung isang babae na mahaba ang buhok tapos nakasuot ng pink na damit.

Napatingin ako sa kanila. Syempre hindi ko sila i-snob baka masubunutan ako rito.

"H-hi." Sabi ko saka nagwave. Ang layo nila ah para magwave ako. T.T

"Hilig mo ba ang coffee?" Sabi nung isang babae na nasa gitna.

Napatango ako.

"Talaga? Then will you help us out?" Sabi nung huli.

"Uy. Ano ba kayo. Wag na." Sabi nung naunang babae sabay tikwil sa kanila.

"Sige na. Ngayon na ang chance mo." Sabi nung gitna.

"Huh? Ano ba sana?" Sabi ko.

"Ah. Well. But before that. Ako nga pala si May." Offer nung gitna ng hand niya. Saka ako nakipagkamay.

"Ako naman si Liza." Sabi nung huli.

"Tapos ito si Lesley." Pakilala ni May dun sa unang girl.

"Ah. Nice to meet you. Bea pala." Saka ako nakipagshake hands ulit.

Nice naman pala sila.

"Sorry nga pala kanina kung mainit ang tingin namin sayo. Ahaha." Tawa ni May.

"Ah. Eh." Hindi ako nakapagsalita agad. Right on point kasi eh.

"Eto kasing si Lesley, ma-" Naputol ang sasabihin sana ni Liza nang pigilan siya ni Lesley.

"Uy. Nakakahiya." Sabi niya.

Ay! Alam ko na to bes! Ganitong linyahan! Ganitong ganito ako nung elementary palang ako. HAHAHA. I thought as looked at them.

"Ahh. Crush niya si Hiro?" Guess ko.

Napatingin sakin ang tatlo.

"Tumpak bes!" Napasigaw bigla si Liza.

"Talaga?" Sabi ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin kasi also felt that.

"Yieeeeee!!!!" Hindi ko napigilang kiligin. Ampangit ko pa naman kung kinikilig.

"Ahahaha." Saka sila nagtawanan.

"Namumula na si Les, oh." Sabi ni May.

"Uy. Hindi ah." Sabay tikwil ng daliri ni May na nakaturo sa mukha niya.

"Oh siya, balik tayo sa favor namin sayo, B-bea? A-ate Bea?" Sabi ni Liza.

Naalala ko agad si Kale.

"Ah. Bea nalang."

Ahaha. Natawa ako sa isip ko. Ganun ba ako katanda.

"Ano ba favor niyo?"

"Mmh. Gusto kasi namin maimpress si Hiro kay Les, eh magkababata sila eh, pero ito naman kasing si Lesley shy DAW. Kaya hindi niya masabing gusto niya bestfriend niya." Paliwanag ni May.

Walang kibo si Lesley na nakatingin sa mga coffee beans at namumula. Halatang gustung gusto niya si Hiro. She was very gentle as lamb and she is beautiful. Halata talaga sa kanya ang pagkamahiyain.

"Eh. Di ba wala naman masama kung magsasabi ka ng, 'Friend, crush kita noon pa.' Di ba?" Sabi ni Liza.

"Ahahaha." Natawa ako sa sinabi niya.

"Oo. Pwede naman. But hindi ganun linyahan." Sabi naman ni May.

"Eh di, 'Hiro, may sasabihin sa sayo. C-crush kita.' Tyaka magpabebe face. "

"Ahahaha." Mas lalo akong natawa sa ityura ni Liza, in-act na in-act niya talaga ang sinasabi niya.

"Tama na nga yan, kaya ngayon Bea, we would like you to help her para mapaimpress niya si Hiro in this coffee making. Kasi ito talaga ang kinagigiliwan ni Hiro. Baka you know kahit man lang kunti, ma turn on siya kay Les."

"Gusto ko sanang tumulong, I've been there na rin kasi, pero pano? Eh hindi ko naman agad agad matuturo sayo ang coffee mixing."

"Don't worry, eto gagawin natin."

###

Nakatayo sina Ken and Cody sa may tabi ng restaurant while sina Jay and Steve hindi ko alam kung saan pumunta.

"Wait lang Chris, tawagan ko lang si Simone baka urgent yung sasabihin niya sakin."

"Okay. Take your time." Sabi ni Cody habang nagmamasid masid sa paligid niya.

"Hello?" Sabi ni Ken sa cp niya saka medyo dumistansiya kay Cody.

May dumaan na mga employee ng resort and nakita nila si Cody saka sila nagbow.

Nagsmile naman si Cody sa kanila. At a distant narinig niyang nagtanong yung isang lalaki dun kasama niya.

"Siya ba yung chairman?"

"Ulol. Hindi. Anak yung nung kaibigan ng may-ari ng resort na ito."

"Yung Tito ni Sir Ken?"

"Yung kaibigan nun."

Hindi nalang inintindi ni Cody ang narinig niya saka pinagpatuloy ang pagmamasid. Saka niya naaninag yung isang babae na may katabi pang tatlong babae sa loob ng restaurant habang kausap ang isang barista.

Si Bea. He thought.

Napatitig siya sa direction ng counter.

"It's almost 8 years yet you still haven't change a bit. No wonder my brother fell in love with you."

He made a worried for a second saka napasmile siya bigla.

Well, I shall take care of this!

Maglalakad na sana siya papunta sa loob ng maalala niya si Ken na may kausap pa sa phone.

###

"I'm back." Sabi ni Hiro habang nakasmile na may bitbit na tray with 3 cups of coffee.

"Now, sino mauuna humula?" Sabay taas ng mga kilay at smile ni Hiro.

I took my chance agad para iexamine ang mga coffee. Kinuha ko ang unang coffee and a scoop some coffee gamit ang maliit na kutsara. Then inulit ko ito hanggang pangatlo. Saka ko ulit hinawakan ang pangalawa at inikot ang cup.

"So? Hulaan mo lang, and can you tell me kung bakit?"

"Fail ang pangatlo. Nakulangan sa temperature. Since americano ang coffee we need to brew it around 70 to 80 degrees celsius, but it taste like mas matabang kesa sa dalawang ito." Sabi ko nang malumanay na boses habang I kept on glancing Lesley.

"Okay. So, failure ang pangatlo. You have an interesting taste buds." Sabi ni Hiro saka nagsmile sakin.

I made naman a small bow to accept his compliments. Saka ako tumingin kay Lesley.

Oh. Ikaw na. I hope you get what I want to say to you. Sabi ko sa isip ko.

Naku! Nakakakaba to ah! Parang ako dito ang nenerbyos ah! Dyosko. Parang krimen ang ginawa ko para kabahan ako ng ganto.

Naintindihan niya kaya ako?

Saka kinuha ni Lesley ang isang maliit na kutsara sa sinimulang tikman ang tatlong coffee.

"For me... for me.." Biglang napahinto sa Lesley.

For you...? Sabi ko sa isip ko habang nanlamig ang kamay ko. Don't tell me hindi na gets ang ginawa ko?

Biglang tumingin sakin si Lesley.

Whutt?

Napatingin bigla sakin si Hiro na parang nag susupetsya.

Ba't ka tumingin sakin?! Ano ba?! Mapapahamak tayo neto. Sabi ko sa isip ko with a poker face.

"I think it's..." Sabi niya naman habang napaisip ulit siya.

"I thinks it's the second one."

Napatingin kaming apat sa likod namin saka ko nakita yung dalawang babaeng umuorder kanina't napagsabihan ako.

"Eh? Hahaha. Wow. Pano mo nasabi? You dont even get tasted and smelled it." Sabi ni Hiro sabay ngiti sa kanila.

"Simple. I am very talented." Sabay taas ng kilay nung babae. Napa-smirk naman yung isa.

Tama ang sagot nila. Napaisip ako bigla. I was trying to point the second cup to Lesley but I think mas naunang maintindihan netong dalawang babae nato ang gusto kong sabihin.

"Well, Mr. Hiro, would tell me if Im correct?" Sabi niya.

"Ah eh." Napakamot si Hiro. "Well, I am not the one asking you. It's Les. Les, ano sagot mo?" Sabay paliwanag ni Hiro saka ibinaling agad ang tingin niya kay Lesley.

Ba't parang naawkward siya bigla. Napatitig ako bigla dun sa babae.

Ang taray niya, gosh! Saka ko ibinaling ulit ang tingin ko kay Hiro. I smell something fishy.

"I- um. I-" Naputol ang sasabihin ni Les.

"Don't tell me pipiliin mo ang pangalwa. I hope hindi since nauna ko na yung pinili, kung hindi mukhang ginagaya mo nalang ako niyan para lang mapaimpress si Hiro." Sabi nung babae.

Gosh! Kontrabidang kontrabida ang dating ah! At eto namang kasama niya hanep sa pagkasupporting friend. Smirk ng smirk.

Pati ako naawkward narin. Hindi ko kayang maipagtanggol si Les since baka mabuking ang pandadaya namin. And parang wala ring lakas ng loob sila Les na rumesbak.

That two wicked women were like queens here.

Silence.

"Well, pano ba yan. Ayaw sumagot nitong tinatanong mo." Sabi ni Wicked Girl1. Pangalanan muna natin, nahihirapan ako, hindi ko sila kilala.

Lumapit silang dalawa sa counter. Nahiya ako bigla nang parang daring ang aura nilang dalawa.

Whaaaat???!!! What. What. What. What do we have here? Ba't parang inaakit niya si Hiro?

Tiningnan ko bigla sila Les.

Uh!

And I came to conclusion. Alright. Magkaribal sila ni Les kay Hiro. Kitang kita sa mga mata nila May and Liza, nag-aalburuto na sila sa inis. Nabaling ang tingin ko kay Hiro.

Nakayuko lang siya and his eyes went dull kumpara nung kanina.

Gusto ko sanang sumingit kaso it's not my right place na makibutt-in sa usapan nila. Baka mas lumala pa ang gulo. Tutal hindi ko naman alam kung ano ang real story.

"Then tama ba ang sagot ko?" Taas kilay ni girl.

Napasulyap si Hiro sa kanya saka dahan dahang tumango.

"Oh di ba! I'm always right. Well, pano ba yan. I hope you'll treat me." Sabi niya.

Napatingin kami nina Les kay Hiro na napatingin din kay WickedGirl1.

"Uh. Of course. I-I will brew you a cup of coff-"

"No. I don't like coffee."

Napakirot ang noo ko sa sinabi niya.

"How about a date ngayon?" Sabi niya bigla habang nakapout ang lips niya saka pinopoint niya ang hintuturo niya sa labi niya na parang nag-iisip.

Nashock kami sa sinabi niya. Straightforward. Wala tayong panama diyan.

"Pasensya, I can't. Meron pa akong trabaho." Napakamot si Hiro.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Atleast may boses na man pala siya pagdating sa babaeng 'to. Hindi pa rin naaalis ang worried look ni Les.

"Don't worry. Youre not the only barista here. Just blame it to me if you will be scolded later. "

"Bu-but h-"

"Hay nako. Come on!"

Kyaaaah! Nagulat kami bigla nang hinablot ni Wicked Girl1 ang kamay ni Hiro.

W-wait lang!

N-no. Napatingin ako kay Les. She was really sad. I kinda felt what she's really feeling.

No. Wait. Unconsciously, tumaas bigla ang braso and when I was about to grab her ...

"Mr. Hiro." A cold voice sounded from behind.

Napatingin kaming lahat.

"S-sir Aldens." Biglang nagbow si Hiro sa sobrang pagkabigla.

Cody! Medyo nashock ako sa pagkakita sa kanya buti nalang dumating siya.

"Eh?" Napansin ko bigla yung ibang mga waiter. Nakabow sila lahat sa kanya. Woah! Respetado pala dito ang kaibigan ni Ken ah!

"Where do you think you're going?" Sabi ni Cody.

"Ah. I-I'm sorry sir. Wala po. Babalik na po ako sa counter." Sabay pwersang tanggal ng kamay ni WickedGirl1 sa braso niya saka siya tumakbo pabalik sa counter.

"Well, I would like to remind you, you're an employee here hindi bakasyonista." Sabi ni Cody with a very cold eyes.

Aray! Ang harsh ha! Napatingin ako kay Cody, gusto ko sana siyang senyasan na tama na, hinila lang siya but he's not looking at me. Ouch! It hurts my pride.

"Hindi na po mauulit. Sorry po." Sabay bow ulit.

Napatingin ako kila Les they were staring at Cody. Parang na starstruck ata sa kanya. I don't know kung it's the first time na makita siya nila but from their epxression mukhang oo.

"I'm very sorry, Mr. Aldens but I would like sana na hiramin si Hiro for a while." Sabi ni Wickedgirl1

Ehhh!!!!? Shes so persistent. Pati rin sina Les na tigtig na tigtig kay Cody biglang napailing kay Wickedgirl1.

"Please." Dagdag niya.

Whaaat!! That look. That daring look again. Para akong masusuka.

Gulat na gulat sina Les pati na rin si Hiro.

"I presume, you're Mr. Christian Cody Aldens, right? Magrerequest na ako ng personal sayo." Saka lumapit habang parang paunti unting kumikembot.

Gosh!!! Habang tumatagal lalo akong kinikilabutan. Tumindig balahibo ko on my left arm.

"What if I say no?" Sabi ni Cody na nakatingin kay WickedGirl1 with a very straight face.

Isang lakad nalang at malapit na nang husto si Wickedgirl1 kay Cody with a very seducing aura.

Woooh! Ang galing mo Cody! Idol! Hindi pa rin natitinag ang poker face ni Cody despite that WickedGirl1s pang aakit.

"Well, it can't be help." Sabi ni WickedGirl1 sabay smile. "Ikaw na lang ang hihiramin ko."

Huh?

Silence...

All of us were in daze. Napanganga ako sa sinabi niya. Well, compare kila Les, mas napanganga sila. Pati yung ibang waiter napatingin din.

Whaaaaattttt?!!! Ang galing ng babaeng to ah!

Fdknfkglkfkgndknkn!!!!! I don't know kung ano na ang expression ng mukha ko.

"Pft!" Napasmirk bigla si Cody.

"Eh?" Napatingin kaming lahat sa kanya.

Why did he laugh suddenly? May nakakatawa ba? Saka siya nag smile. A very wonderful smile.

WOOOOSHHH!!!! [Sound effect]

That smile! It was very refreshing smile. His eyes glistened suddenly. Mas bumagay ang mata niya sa kulay ng skin niya. Mas lalong napanganga sina Les.

Wait. Wait. Dun ko narealize bat siya nagsmile bigla. Dont tell me.

NAAKIT SIYA SA BABAENG YAN!!!

Napatingin ako kay Wicked girl. Abot tenga ang smile niya. Mukhang kinilig. Gosh! Napakunot ang noo ko sa nangyayari.

Nakasmile pa rin si Cody.

"Uy. Beatrice. Don't just stand there. "

Huh? Beatrice? Nailang ako bigla nang tawagin niya akong Beatrice. Almost never niya kasi akong tinawag ng ganyan.

Tumingin sakin si Cody. Napatingin ang lahat sakin in a puzzle look.

Dun nag sink-in na tinawag niya pala ako. "Eh?"

"Inaakit na ng malanding babae ang boyfriend mo sa harap mo, wala ka pa bang gagawin?" Sabay sabi niya saka napasmile ulit, but now nakatingin na siya sakin.

DUGDUG!!!! DUGDUG!!! DUGDUG!!! Huh? Bat bumilis ang heartbeat ko?

But at some point bigla akong nainis. Kelangan ba talagang sabihin sa ibang tao ang trip namin? Hindi ko na alam kung ang dapat kung isipin.

Mapupunit na ang mga labi nina Les nang sinabi yun ni Cody. As in ilang minuto na silang nakanganga. Nanlaki bigla ang mga mata nina WickedGirls sabay tingin sakin.

"B-boyfriend!!!!!" Sabay sabay nilang sigaw sakin.

Biglang uminit ang mukha kaya't napayuko ako bigla. Ayaw kong tingnan si Cody habang nakasmile pa siya, baka mamatay ako. This isn't me. This isn't really me at all.

+++ KALE P.O.V. +++

"Mmm! Sawap!!!"

Napagiggle si Elisse habang pilit na nginunguya ang mainit na takoyaki.

Umupo muna kami sa may malaking fountain na may statue na parang si David.

Napasmile si Josh habang kumakain siya.

"Kung ganito kasarap lagi kinakain natin, hindi ko na iisipin ang game." Sabay tawa ni Elisse.

Napasmile din ako. I admit masarap talaga ang takoyaki para sakin. I don't know kung bakit, masarap talaga siya. Lalo na yung gulay sa loob tapos yung puting sauce na inilalagay. Tapos mas masarap lalo na kung mainit palang kakainin mo na. Parate ko ngang nayayaya si Ate Bea bumili nito kapag wala sila Josh.

"Ang hirap naman kasi ng game." Complain bigla ni Josh.

Napatingin ako kay Josh and napatingin din siya sakin saka ako nag indifferent eyes.

Dummy. Kaya nga ginawang game eh. I thought.

Napangiti bigla si Josh saka umiling.

Alam ko. He thought.

Somehow naintindihan ko ang gusto niyang sabihin.

Bahala ka jan. Saka ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Pft!" Bigla natawa si Josh.

"Mmh? Ayos ka lang?" Nabigla si Elisse kanya. "Pero oo, talaga. Ang hirap. Ang dami kaya ditong lotus. Pati nga dito may lutos eh." Dugtong niya.

My eyes lit up. Lotus? Napakurap ako saka ko ibinaling ang tingin ko sa fountain. There different fountains dito and dun ko napansin ang isang fountain with a lutos design.

"Ah!" Saka ko itinuro ang statue.

"Huh?" Napatingin sa itinuro ko sina Josh at Elisse.

"Ang tinutukoy ni Kuya Ken na pond of thumbelina hindi mismong pond, kundi itong fountain na 'to." Sabi ko habang nakasmile while walking towards the fountain.

"Talaga? Eh asan si thumbelina?" Sabi ni Elisse.

Napatingin sa taas si Josh ng malaking lutos statue.

"Don't tell me-" Sabi niya as he step few paces backward saka inaninag ang taas ng statue.

"Yes. Naas taas ng statue." Sabi ko.

"Huh? Pano mo nakita?" Tanong ni Elisse.

"So that's why mahirap siyang mahanap." Sabi naman ni Josh. Tinry rin ni Elisse na tingan.

"Ay oo nga! Ang galing! Hahaha." Saka siya napatawa.

"Tara picturan natin bilis!!!" Saka napatili bigla.

Napatingin ako sa mga taong nakatayo sa may garden ng Cadena de Amor na napatingin samin ng sumigaw si Elisse.

Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod kay since kinaladkad niya na rin naman si Josh para magselfie. She grabbed my arm saka inilean niya ang ulo niya on my shoulders saka nagselfie. Nakailan kaming picture since laging ayaw ni Elisse ng ityura niya.

"Tingin niyo, nakita na to nina Ate Bea?" Sabi ko habang chinecheck ko ang mga picture namin sa phone ni Elisse.

Paakyat na kami ng hotel papunta sa room namin since tapos na rin naman ang game namin. We want to rest muna.

"Parang hindi pa naman." Sabi ni Josh na naglalakad sa right side ko while Elisse on left.

"Ang pangit ko naman jan. Delete mo." Sabay hablot ng cp niya sakin.

"Woops." Nabigla si Josh ng muntik na mahulog ang cp.

Napailing nalang ako sa ginawa ni Elisse. She just gave me a smile.

"Well, sana nga." Sagot ko kay Josh.

"Meron bang price?" Ngiti bigla ni Josh as he put both of his arms on his nape.

Napatingin ako sa kanya. His eyes were close while smiling.

Napasmile na rin ako. Brings back the old memories.

"Ewan. Hindi naman sinabi eh." Sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng Room 105, room namin ni Josh.

Katapat ng room namin ay room nina Ate Bea, Elisse and Maam Rose.

"Oh siya, Elisse. Hintayin mo nalang sina Ate Bea pagbalik." Sabi ko kay Elisse.

Napatingin sakin si Elisse.

"Di ba pwedeng diyan muna ako sa room niyo?" Simangot niya.

I gave her indefferent eyes.

"Hindi." And gave her a direct answer.

Napatingin sa kanya si Josh.

"Mauna na ko sa loob." He said saka pumasok sa room.

"Eh. Ang daya naman." Sabi ni Elisse sabay pasok na rin sa room niya habang nagdadabog.

Napakamot nalang ako sa ulo. I don't know kung ang kasama ko ba'y magigi kong girlfriend o babysitter niya ako. I thought saka pumasok ako sa kwarto.

Medyo spacious na rin ang room. Meron dalawang kama na may tig-isang mini table na katabi. Sliding yung window and a white curtain na nililipad ng hangin. Looks like binuksan agad ni Josh.

Nahalata ko ka agad yung window na nakabukas na. Napatingin ako sa kanya. He was lying on the bed saka ibinaon niya ang mukha niya sa unan.

Hindi pa rin niya nakakalimutan. I clenched my fist saka dumiritso sa kama ko saka umupo.

"Tired?" Tanong ko habang kinapa ko ang bracelet ko para tanggalin. Maghihilamos kasi ako saka matutulog muna.

Biglang inangat ni Josh ang mukha niya saka tumingin sakin.

"Hindi naman. I'm just -" He cut and continued.

"Kale, ayos ka lang?" Tanong niya sakin.

Natulala ako sa braso ko as I thought

'Nawawala yung bracelet.'

avataravatar
Next chapter