86 Tampo for the First Time

Ilang sandali pa matapos kabigin ni Henry ang pinto nang lumabas ito, naiwan na lang sina Cody and Bea sa loob ng bahay. Nakatayo si Bea sa may hagdan with her face na sobrang heavy ang make up.

"Bakit ka nga pala nag make up?"

Bea was still staring at the door nang tanungin siya ni Cody dahilan upang mapatingin siya sa binata sa may sala. Cody's voice was so sweet na kahit parang sarcastic ang tanong, you won't even realize it.

"Ha?" Her jaw slightly dropped as though hindi niya naintindihan ang tinanong sa kanya.

Ano ba naman? Tinatanong pa ba yan! Syempre gusto niyang magpaganda sa harap ng gusto niya.

When Bea realized kung ano ang sinabi ni Cody, her face flushed rosy bloom ngunit hindi halata kasi nga dahil sa brownish blush on nito. Bigla siyang nahiya. Ngayon talaga siya dinapuan ng kahihiyan as her head lowered at tinakpan niya ang cheeks niya.

'Pumangit ba ang mukha ko? Mukha ba talaga akong dancer sa club?'

In a swift click of the clock, Bea's eyes fell dejectedly. Just this morning, sobrang excited siya sa magiging reaksyon ni Cody kung makikita nito na mag make up siya, eh grabe nga effort niya, kulang nalang ubusin niya ang buong araw sa pagpeprepare. Tapos...

A brisk excruciating pain on her heart made her face turned ashen. Nawalan agad siya ng confidence na harapin si Cody with her face slowly lowered upang iavert ang paningin mula sa binata.

Without answering the question the young man gave, Bea quickly strode inside her room.

"Wait lang. Tatanggalin ko lang ang make up." She pressed her lips together matapos sumakit ang dibdib niya dahil sa kanyang sinabi. Nagmix kasi ang emotions niya.

She really wanted to show her effort towards Cody, the man she really loved but she had no choice kundi ang alisin ang make up since hindi ito nagustuhan ng binata. She was hurt inside. Ang sakit sa puso. Ganto pala ang feeling na magtampo sa taong mahal mo.

Mabilis niyang kinuha ang foam saka mabilis na inalis ang make up as though parang liha ang ginagamit niya. Hindi niya alam kung bakit ang sakit sa kanyang dibdib made her mad. Nainis siya bigla kay Cody na para bang si Cody ang may kasalanan.

At instant nagtaray ang kanyang kilay habang nakatingin sa salamin. Her mind was thinking about sa tinanong ni Cody sa kanya.

'Ba't ako nagmake up?! Hindi ba obvious! Ang manhid! Napakamanhid! Buysit!' Her mind endlessly nagged. Talagang yun lang ang naalala niya na sinabi ni Cody, hindi yung sweet na sinabi niya na 'maganda siya in a natural face'.

Ano bang nangyayari sa kanya? Nililigawan palang siya ng binata tapos sobra sobra na ang tampo niya ah.

"Hinay hinay lang. Baka mairritate ang mukha niyan." Cody's warm breath gushed on Bea's earlobes dahilan para mapaflinch siya.

Sumunod pala sa kanya si Cody sa taas.

However, just after na makita ni Bea ang mukha ni Cody sa salamin, her eyes rolled saka tumingin sa kabila. She also crossed her arms on her chest and nagscoff.

Although narinig niya ang sinabi ni Cody, hindi niya ito sinunod, instead mas nilakasan niya pa ang pagtanggal sa make up.

Naku! Parang bata ah. Sinusumpong eh.

Because of this, napasmile bigla si Cody. The corners of his lips continuously quivering up kasabay nang pagliit ng kanyang mga mata.

'Cute. 😆 Parang bata.'

At a swift movement, his left hand hovered towards her face until he cupped her hands na hawak hawak ang foam na pantanggal make up.

"Ako na nga."

Cody's deep voice tickled her neck. Her shoulder shuddered until her heart went racing. Namawis tuloy ang kanyang kamay at naconscious sa katawan ng binata na marahang dumampi sa kanyang balikat.

With that second, nakalimutan niya na nagtatampo pala siya for her para mapailing siya bigla.

"Hindi. Ako na. Ako naman nito ang naglagay eh." Mataray niyang sinabi kay Cody.

But what she said was so ironic because she didn't even shove Cody's hand para alisin ang palad nito sa kanyang kamay.

Dahil dito mas lalong napasmile si Cody at dahan dahang kinuha ang foam sa kamay ni Bea.

"Did you forget I told you?" A dark timbre floated in the air mula sa lalamunan ni Cody while his hand was softly caressing Bea's face. Ay este, nililinis.

"..." Hindi nagsalita si Bea. She was still looking towards her side at talagang pinapafeel sa binata na nagtatampo siya.

Habang iniisip kung gaano ka cute ang kanyang prinsesa, Cody made a very sweet smile habang tinitigan ang mukha ni Bea sa salamin.

"...that you're already beautiful, my princess. Hindi mo na kailangan ng ganto. You alone, no filters... you're far more beautiful than you think. If you want to impress me... kung gusto mo talagang magpaganda sa paningin ko..." He paused as his hand softly pinched Bea's chin and dragged her face para mapatingin sa mukha niya.

Bea blinked twice hanggang sa mapatitig da mukha ni Cody.

Dugdug! Their faces were only few inches away at naaamoy niya na ang mint scent na nagmumula kay Cody. Nanlambot bigla ang kanyang tuhod until she couldn't resist na hindi magtampo. She couldn't take his romantic gestures.

Cody gently cupped her face with his other hand saka nagpatuloy sa pagtanggal ng make up. Dahan dahan lang na tila ba hinahaplos niya lang. Kaya't itong si Bea parang dinadatnan na ng antok. It was so relaxing. Those homey touch na nagmumula sa palad ng binata. Why couldn't she dislike it?

"...just wear a smile and you will be the most beautiful girl on my eyes. Okay?"

Cody softly tugged his thumb on her cheeks saka inismudge ang make up.

Bea who was staring at the young man, curved the corner of her lips up. Hindi niya na napigilan. Mas mahirap kasi na magtampo sa ganito kagwapong at kasweet na lalaki sa kanyang harapan.

At instant, walang pasubaling nagsmile ang mga mata ni Bea and her hands loosened then she cupped both hands of Cody sa kanyang mukha.

They've looked at each, napakatagal na nagtitigan.

"Sus. Sweet talker. Alam ko na yan. Wag mo nga ako. Sadyang napapangitan ka lang sa pagkamake up ko eh." Si Bea na ang pumutol sa kanilang tinginan as she removed Cody's hands sa kanyang mukha.

"Kung maganda ang pagkakamake up ko at hindi halata... sasabihin mo na gumanda ako. Hays. Ganyan naman talaga eh. Pampalubag loob. Hmph! 😣"

"Ahaha. Di nga. Totoo nga sinabi ko. 😄 Promise. Cross my heart. Hope to die... with you." Ang corny na natawa si Cody as he grabbed Bea's hands at niyakap.

Dugdug! Kumaripas ng tibok ang puso ni Bea sa kanyang narinig. With that, napangiti nalang si Bea.

"Nyaa!"

Yun nalang ang nasabi niya sabay palo sa balikat ni Cody as her face slumped on his shoulder.

Kinilig ang bruha.

avataravatar
Next chapter