62 Jealousy for the Second Time (2)

"Kyaah! Bet ko siya. Akin nalang siya ah. Tapos sayo na si Joshie." Sabi nung isa na panay pa ang tingin kay Cody habang hawak hawak pa ang kanyang cellphone.

Napakurap si Cody nang marinig ito. Pero imbis na pagtuunan ng pansin, he just pointed his eyes sa dalagang nasa harapan niya.

'Bakit parang deja vu ito?' Bea thought habang kinakalma pa ang sarili dahil sa pagkakapahiya kanina.

Pinipilit niya sanang tingnan si Cody pero talagang hindi niya kinakaya. She couldn't take it! The moment na ilalapat niya ang kanyang mga mata sa mukha ng binata, agad siyang napapatingin sa mga labi nito saka maaalala ang sinabi nito na -- 'I love you...'

POOF!

Bumuga ng puting usok ang kanyang ulo saka dagling tatanggalin ang tingin sa binata.

Cody's lips suddenly made an alluring smile kasabay nito ang pagsingkit ng mga mata.

'Haha. So cute. 😄' Ubod na pagpigil ni Cody sa sarili nang manggigil na naman siya sa dalaga.

"Kyaah!" Dahil dito lumundag ang mga puso ng mga babaeng kanina pa malagkit na nakatingin sa binata. Halos naging hugis puso na ang mga mata ng mga ito habang patuloy ang paghawak sa kanilang mga cellphones.

"Ahem..."

Upang matanggal sa pagpapantasya ang utak ng binata, he cleared his throat saka napagdesisyunang mag-order.

"Ahh... one latte please." Ikling niyang sabi saka tumitig sa dalaga.

Bea's eyebrows suddenly lifted up nang matauhan.

"Oh-oh...ay este... y-yes po. Right away. Ah.. dun... I mean... you could... er... wait po dun sa may bukana ng garden.. yan nalang kasi ang vacant..." Nagkakanda utal utal ang dalaga.

'😆 Hahaha. Ano raw? 'po?' Nagpapanggap ba siya na hindi niya ako kilala?' Natatawa na sinambit ni Cody sa kanyang isipan. Ngunit hindi niya na binigyan pansin. Actually naisip niya na rin na ayaw niyang gumawa ng esksena tulad nung dati sa batangas. Narealize na rin kasi na parang napakaimmature nung ginawa niya dati eh.

He just quickly gazed yung mga babaeng nakatingin pa kanina sa kanya at agad namang inalis saka tumungo na sa kanyang upuan, malapit kay Kale.

"Waaahh!! Tiningnan niya ako!"

"No. Ako yung tiningnan."

"Bulag ba kayo? Dito siya tumingin sakin."

"You mean, sakin na katabi mo."

Saka nagkagulo ang mga babae dahil sa isang sulyap lang ng binata. Parang hindi na makatotohanan ah. Pero yun talaga ang nangyari. Meron talagang ganun na mga tao, yung looks nalang talaga ang nakikita.

Cody gently sat down habang nakatitig sa dalaga na natatarantang nagpiprepare ng coffee. He slowly leaned his back sa upuan saka nagcross legs. Ah! So regal! Parang prinsipe! Tyaka ang appeal kasi nung tatlong butones sa taas ng long sleeves niya na hindi nakasara, kaya kitang kita talaga ang collar bones niya.

Unconsciously, napapasmile si Cody habang tinitingnan niyang magbrew si Bea as he slowly rubbed his fingers on his lips.

Meanwhile, masyado nang natataranta si Bea dahil kitang kita niya sa kanyang peripheral vision na nakatitig pa hanggang ngayon si Cody.

'Calm down. Calm down. 😲' Paulit-ulit niyang sabi sa kanyang sarili. Parang open book ang mukha ng dalaga, obvious talaga na kumakaripas ng tibok ang kanyang puso.

'Oh my gosh! Ano nga yun? Ahhh.... grind the coffee beans... then ah... extract... ah shoot yung gatas! Gatas... asan ka na milk... ah... ito... then... begin frothing... ay gosh! Purge muna! Okay... then... frothing...'

In this moment, paikut ikot nalang ang dalaga saka hindi na alam ang gagawin. Nafeel niya na rin na parang namumula na ang kanyang pisngi.

Pansin ito ni Cody... lalong lalo na ni Joshua na katabi niya lang habang nakatingin lang sa natatarantang dalaga. Gusto niya na sanang tulungan kaso natatakot siya kay Cody.

TRING!!!

Bumukas ang pinto.

'Customer again!'

Napasabay na napatingin sina Josh and Bea sa pintuan na parang gusto nilang itulak palabas ang pumasok.

Pero wala silang magagawa. Trabaho nila ito eh.

"G-good morning po." Bati ni Josh since bumalik si Bea sa ginagawa niya.

"Mmm... Macchiato please." Agad na order ng babaeng dumating.

"Ah. Right away po maam. You could-" Naputol ang sasabihin niya nang marealize na wala na palang upuan siyang iooffer. Actually meron pa... yung isa pang upuan sa table ni Cody. Pero walang magagawa si Josh... eh kapatid ng may-ari ng shop ang nakaupo dun eh! Nakakahiya naman kung dun niya itataboy ang babae.

"Ehehe...ah sandali lang po maam at ipeprepare ko lang po madali ang order niyo." Sabi ni Josh saka walang pasubaling lumapit kay Bea. He had no choice. Lalapit siya kay Bea at magsisimula agad magbrew o papaupuin niya yung babae sa harapan ni Cody?

"Ah...Bea.. tapos ka na ba sa pag grind?" Bulong bigla ni Josh.

"Ha? Ah-ahh... oo.." Nag alangan pang sumagot si Bea.

Saka nagsimula na ring mag grind si Josh. Maliit lang ang brewing machine kaya siksikan silang dalawa. Ilang beses na ring nakiskisan ang kanilang mga braso. Actually, lagi naman nangyayari 'to lalo na kung marami talagang customer, kaso may isa kasing lalaking nanlilisik na ang mga mata na nakaupo sa gilid... kaya't nacoconscious tuloy sina Bea and Josh.

Basta magkakadikit ang kanilang balat, bigla na lang silang mag-iiwasan na para bang nakukuryente.

"Ah... sorry. Sorry." Sabi ni Josh.

"Oh-oh..." Sagot naman ni Bea.

Saka sila sabay mapapasulyap sa prinsipeng nakaupo. Ba't parang kasalanan na ang magkadikit lang ng balat?

Well as expected, nagngingitngit na sa selos ang mukha ni Cody. Everytime na magkakadikit ang mga braso nina Bea at Joshua, hindi napipigilan ni Cody na mapatense ang kanyang panga. His eyes were deathly glaring at the young man na katabi ng dalaga. Parang gusto niya nang hablutin ang kwelyo ng binata at ibalibad palabas ng coffee shop.

"Ouch!" Biglang napa-aray si Bea nang mapaso ang kanyang daliri sa pagfroth.

"Ah! Okay ka lang?" Dahil sa pagkabigla, agad na napahawak si Josh sa daliri ng dalaga and made a worried look. Actually ganyan talaga si Joshua. Mas malala pa kung si Kale ang napaso.

"Okay lang...okay lang."

"Hugasan mo muna ang dalir - *gulp* "

Napatigil sa pagsasalita si Josh nang mafeel niya ang napakainit na aura sa kanilang harapan. Only that time, dun niya nalang nakita na nasa harap na nila si Cody while sobrang kunot ang noo. His hands were aready clenched as though it was ready to punch his face. His narrowed pupils inside his deep eyes squinted at talagang dumirekta sa kay Joshua.

Napalunok nalang ulit si Josh habang nakatitig kay Cody. Para siyang langgam na kulang nalang ay tirisin.

Cody's lips twitched.

"Scram." With his deep scorching voice, itinuro niya ang direksyon ng garden kung saan naroon si Kale.

- - - - - - - - - - - - - - -

Terms used:

Extract - ito yung part na pinapadaan ang mainit na tubig sa giniling na coffee beans para ma...maextract. Haha.

Milk frothing - ito yung pag-introduce ng steam sa milk para makuha ang tamang temperature tyaka yung air content ng gatas.

Purge - Kung brewing machine kasi ang gamit, kailangan laging linisan ang mga tubes na ginagamit sa frothing, tapos sa extraction. Para magawa ito, purging ang ginagawa. This let the water just flow out from the tube para malinisan ang residual materials sa loob.

avataravatar
Next chapter