61 Jealousy for the Second Time (1)

Sa wakas tumigil na rin ang ulan. Nakauwi na rin si Bea sa kanilang bahay. Actually pakatapos nilang makapasok sa mansion ni Cody... they were scolded by Sir David. Tyaka isinuggest sana ni Roschelle na dun na matulog ang dalaga but Bea strongly refused... wala raw kasing kasama si Kuya Henry niya. A very big lie. Ang totoo hindi pa talaga siya nakaget over sa sinabi ni Cody.

I love you...

Napatigil ang dalaga sa paglalakad sa loob ng kanyang kwarto nang mag echo ang sinabi ni Cody. Saktong napa-stop talaga siya sa mga kpop figurines niya... dun kay Chanyeol. Ito kasi ang gustung gustong hingin ni Cody sa kanya. Because of this, mas lalo niyang naalala ang sinabi ng binata. She couldn't help kundi ang takpan ang kanyang mukha because of her embarrassment.

'G-gusto niya talaga ako.'

Uminit ang pisngi niya at pinipigilang kigilin. Asus! Pinipigilang kiligin. Napatitig ulit siya kay chibi Chanyeol... saka ipinagpatuloy ang pagpunas ng kanyang buhok. Basa pa kasi. Nakapang damit pantulog na rin siya since maaga pa siya bukas.

She shook her head saka dumiretso nang higaan. But her eyes quickly gazed on a notebook na nasa kanyang study table. Kung titingnan, masasabi mo agad na diary ito ng dalaga.

She straddled pababa ng kanyang kama saka kinuha ang notebook at binuklat. Unang page palang... sumulpot na ang color brown na tinta. It said... COFFEE RULES!

Saka nakalista ang napakaraming mga rules. Tyaka sa pinakababa nito ang...

SECRET COFFEE RULE: Don't fall on your bestfriend.

Dito siya napatitig ng matagal. Ang lalim ng kanyang inisip... hindi siya nagsalita... hindi rin siya gumalaw...well, gumalaw rin ang eyelids niya... she just stared at the rule. Kita sa mukha niya ang pagdududa. Tapos ang pag-aalangan.

In the ended, she just let out a sigh saka malakas na itiniklop ang makapal na notebook na puno ng stickers. Her eyes went half closed saka siya dumiretso ng higaan at natulog. Ni hindi na inisip na basa pa ang buhok niya.

Kinaumagahan. Unang day ng pagiging manager ni Bea ng shop...hectic! Ang daming customers ah! Buti nalang at andyan si Kale na ito munang tumulong sa kanila ni Josh. Marunong din kasing magflower arrange tyaka magbrew itong si Kale, in fact dati siyang nagtatrabaho sa shop.

Sunud sunod kung pumasok ang mga nag-oorder ng mga bulaklak ah! Kaya itong si Kale, ilang ulit nang paikut ikot sa loob ng garden. Sina Bea at Josh naman, sila ang nag eentertain sa counter para sa coffee brewing.

Paminsan minsan, napapasulyap nalang si Bea sa wrist ni Kale saka inaalala ang bracelet na nawala nila sa Batangas. That precious bracelet. Napakasentimental.

Then sunod na maglalabasan ang lahat na past nilang dalawa sa kanyang isipan. Because of this, ilang beses na bumigat ang dibdib niya. How could those two even smile casually na parang walang mabigat na dinadala? Biglang kumirot ang puso niya saka humapdi ang kanyang mga mata. The more they put a smile... the more na naaawa ang dalaga kanila.

TRING!!

The chimes of the door tinged!

Bea frowned saka niya binunot ang tingin mula kay Kale, at ibinaling ito sa pinto na mabilis na bumukas.

'Gosh! Customer ulit! Hindi pa nga nakakaalis itong mga ladies dito.'

Indeed... dumog talaga ang shop nila ngayon, unlike the other day. Meron kasing tatlong tables ang shop, tapos pwedeng magkasya ang walo kung magtatabi tabi talaga, and then meron isang maliit na glass table saka dalawang upuan sa may flower garden. Eh parati, isang table lang ang naooccupy... pero ngayon.. yung sa may flower garden nalang ang hindi okupado. Kapag nagkataon na may mag order pa ng bulaklak, tiyak tatayo na sila sa paghihintay.

"Good morning po." Saka agad na bow ni Josh ni hindi na tiningnan kung sino ang dumating.

"Good mor-..." Naputol ang bati ni Bea nang makita niya ang sinasabi niyang 'customer' na bumukas ng pinto.

"...ning...po.." Itinuloy niya nalang para hindi siya asarin ng dumating.

It was Cody. He was in a black coat tyaka pink long sleeves ang pang ilalim. D*mn! That regal figure... slowly entered the shop na para bang nasa kdrama lang.

SOUND EFFECTS: (DOTS: Always) Geudaereul barabol ttaemyeon

Modeun gemeomchujyo

Eonjebuteonji nado moreugeyeottjo

(kayo na tumuloy ng kanta)

SWOOSH!

Biglang natahimik ang lahat ng mga customers, eh karamihan kasi mga babae, saka napatingin sa dumating.

"Oh my gosh. Kilala mo ba siya?" Bulong ng isa sa katabi.

"Hindi eh. Pero parang nakita ko na siya. Pogi no. Picturan mo bilis." Ani naman nang isa.

Ewan ba kung bakit parang pareparehas ang pinag-usapan ng lahat. Ni hindi pa nga nakakarating sa counter si Cody, agad na nagsitaasan ang mga cellphone. Pasimpleng nagtaasan.

Agad 'tong nahalata ni Bea. Well, sanay na rin naman siya eh dahil sa mga fans ni Joshua. Ang pansin niya talaga ay nasa binatang kadarating pa lamang.

I LOVE YOU...

Nag echo sa kanyang isipan. She couldn't help but press her lips. Hindi na napigilan ng kanyang pisngi na hindi mamula. She quickly averted her gaze mula sa binata.

'Shoot! Bakit ako nahihiya? Baka isipin niya narinig ko talaga yung sinabi sakin kahapon!'

But a the second thought, mas magandang harapin ulit si Cody saka pretend muna na wala siyang alam sa sinabi kahapon.

"Oh-oh! Cody!!"

Napasigaw bigla si Bea in a awkward manner.

SILENCE.

Napatingin lahat sa kanya pati si Joshua na talagang biglang bigla sa kanya.

Napasapak na lang si Bea sa noo niya dahil kanyang ginawa. Nakakahiya!

But young man na kakapasok pa lang, curved the corners of his lips up. Kanyang inilagay ang isang kamay sa bulsa sa dahan dahang lumapit sa counter.

"Ah... good morning po.. Sir Cody. Ano po ba ang order niyo?" Magalang na nagsalita si Josh at mas tumabi kay Bea para matakpan ang mukha ng dalaga. Alam niya kasi na parang nafluster ito. Ganito naman kasi ang ginagawa nila lagi. Tulungan lang kung baga.

Poor Josh, hindi mo alam kung ano ang naghihintay sayo.

Biglang gumuho ang ngiti ni Cody nang makitang hinawakan ni Josh ang braso ni Bea. His eyebrows suddenly furrowed saka biglang nagtense ang kanyang mga panga.

Biglang nagbago ang aura na nakapalipot sa binata. It was scorching hot! Kulang nalang at matunaw ang lahat.

Itinaas ni Cody ang isa niyang kilay na parang sinenyasan si Joshua. At agad itong nakita ni Josh. T^T Poor Josh. Agad niyang binitawan ang dalaga saka nag step few paces to the right para magkadistansya silang dalawa ng dalaga. Kaba kaba masyado ang kanyang dibdib. He knew that time, he might end up dying.

'N-nagseselos si Cody.' Joshua though as his face turned white.

avataravatar
Next chapter