85 Henry's Predicament

Ayaw sanang paniwalaan ni Henry ang kanyang iniisip na baka in a relationship na sina Bea and Cody, pero hindi kayang magsinungaling ng kanyang mga mata. Kitang kita niya ang titigan ng dalawa. It was so... romantic. Hindi yun ang normal na titigan ng magbestfriend. It was beyond that boundary! Did they cross it already?!

Henry's look suddenly fell hanggang sa mabalot siya ng pangamba.

'D*mn!'

Napayuko nalang si Henry at nagclench ng kamao. He bit his lips dahil sa mixed emotions na nagpakulo sa kanyang puso.

'I am very sorry.' He briskly thought as his eyes went teary while swiftly gazing on the picture na nakadisplay sa mini table sa sala. It was a young girl na masayang masaya na hawak hawak ang isa pang maliit na batang babae habang sa likod nila was a young boy passing his puberty. It was them... silang tatlong magkakapatid. Henry... Sylvia... and Beatrice.

After that, ibinalik niya ang kanyang tingin sa dalawa na nakangiting nagtitigan. He was really worried na para bang nawawalan na siya ng lakas upang tumayo.

The responsibility of being the oldest of the siblings... all those na ibinilin sa kanila ng kanilang magulang... nilalamon na siya nito. To the point that mismong siya nahihirapan nang magdesisyun kung sino ba ang susundin.

But seconds passed. Napatitig siya sa kanyang bunsong kapatid na perstym niya palang makitang nagmake up at perstym niya palang makitang pumasok sa isang relationship.

And his heart suddenly hugged by a warm feeling. Gusto niyang makitang masaya ang kanyang kapatid. Kahit man lang sa ganitong pagkakataon bigyan niya ito ng kalayaan. Ayaw niya ulit mangyari ang nakaraan at pagsisihan muli ang lahat.

So...

He softly shut his eyes.

'Ma. I am very sorry. But I can't ruin Bianca's happiness.'

At napayuko siyang muli. His jaws tensed when he clenched his teeth saka niya malakas na itinikom ang mga labi and then...

"Ahem!"

He made a raspy clearing of his throat upang mahugot ang dalawa sa pagkakatitig.

Bea and Cody's eyebrows twitched saka sila napatingin kay Henry na nagstruggle sa pagtayo.

Oops... Biglang kinabahan si Cody. Para kasing galit si Henry sa kanyang mga mata. Henry was a jolly guy kaya kung nakapoker face na siya at hindi na nagsasalita, that only mean one thing... galit ito. But why? May ginawa ba siyang mali?

Indeed, seryosung seryoso si Henry nang tumayo ito. His face didn't even bulge any hint of smile, o kahit ni isang kurba man lang ng dulong labi niya, wala talaga.

Then Henry gently gazed towards Cody saka gumapang papunta kay Bea at bumalik ulit sa binata.

"Paprankahin ko na kayo." A very deep voice came from Henry. Kumpara sa dati niyang palatawang boses, this timbre... nakakapanindig balahibo.

"Naguguluhan na kasi ako eh. Iniisip ko na magbestfriend lang kayo pero sa mga mata ko, hindi ko yun nakikita..... kayo na bang dalawa?"

Silence...

Bea pressed his maroon lips together. Oo nga pala... hindi niya pa nasasabi sa kanyang kuya na nililigawan na siya ni Cody.

After seconds....

Napangiti si Cody saka napakamot ng ulo.

"Hehe... I am very sorry Manoy Henry. Hindi ko nasabi sainyo. Where are my manners? Actually po... wala pa naman po kami ni Bea. Nililigawan ko palang siya sa ngayon."

Napatingin si Bea kay Cody nang ito ang mag-explain. Her eyes crawled papunta sa kanyang kapatid para tingnan kung ano reaksyon nito. Ayaw ba ng kapatid niya kay Cody?

But instead... she found Henry looking towards her.

Mukhang gustong alamin ni Henry kay Bea kung totoo ba ang sinabi ni Cody. So Bea gently nodded saka itinikom ang mga labi.

Napabuntong hininga si Henry and he pinched his forehead.

"So... Nandito ka ngayon Cody dahil susunduin mo si Bea as part ng panliligaw mo. I should've believed my hunch from the first place."

Hindi alam nina Bea and Cody but they've felt some sarcasm sa sinabi ni Henry kaya nagkatinginan silang dalawa as though alam nila ang nasa isipan nilang dalawa.

"K-kuya... sorry kung hindi ko agad nasabi sayo.. I was just-"

"That's fine. Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Wala naman kayong ginawang mali. Labas naman kayo sa usapang matatanda." Henry interrupted sa sasabihin sana ni Bea.

Wait... Usapang matatanda? Ano yun?

"Basta't be responsible kung ano man ang pinasukan niyo, hindi kayo mga high school na ang bababaw ng dahilan kung magdesisyun. Okay? Tyaka mas maganda na rin na wag niyo na munang sabihin sa mga pamilya natin in a courtship stage na kayong dalawa."

Napakunot bigla ang mga noo nina Bea and Cody saka sila nagkatinginan ulit.

"Kuya... about that..." Bea paused.

"...my family already knew about Bea. Dalawang beses niya nang nameet sila Dad at Kuya Cyrus." Dugtong ni Cody.

Nabalot agad ng malamig na hangin ang buong katawan ni Henry. Did he hear it right? Si Cyrus?

At instant, napakunot ang kanyang mga kilay.

Nahalata ito nina Bea and Cody.

"W-well... Kuya... hindi naman sila masungit. Napakabait nga nila sakin. Tyaka mukhang kilala nila ako. Si Sir David nga kilala niya si Mama eh. Baka nga magkaibigan si-"

Hindi pa nga natatapos ni Bea ang kanyang sasabihin, Henry turned his in a snap towards Bea at nagglare sa kanya.

Napatikom nalang si Bea ng kanyang mga labi. Looks like galit nga talaga ang kanyang kapatid.

Ang gulo ah. Ano ba talaga ang side niya... apprub siya kanilang dalawa pero nagagalit siya pag-itinatopic ang tungkol sa pamilya nila.

Although gustong malaman ni Bea ang dahilan, but she didn't pry anymore. Baka magbago pa ang isip ng kanyang kapatid.

"Cody... I hope you would take good care of my sister. Wag mo siyang paiiyakin or else... papangit ang mukha mo sa kamao ko." Taas ng kilay ni Henry kay Cody.

"O-opo Manoy Henry! Makakaasa ka sakin. Hehe." Hindi pa man naintindihan kung bakit parang galit si Henry sa pamilya niya, he just shove all of it at binato si Henry ng ngiti.

Tumingin si Henry sa kanyang orasan.

"Oh siya. Late na ako. Tulungan mo nalang si Bianca na linisin yang mukha niya. Para siyang dancer sa club niyan eh. Oh siya siya. Ingat kayo. Wag gagawa ng milagro."

avataravatar
Next chapter