76 Golden Young Miss First Encounter

Clueless kung anong napag-usapan nina Henry at Cody, masayang sinalubong ni Bea ang mga customer pakatapos na binatukan si Joshua dahil sa pagprank nito sa kanya kahapon.

Tring!

"Good morning maam." Nakasmile na bati ni Joshua nang bumukas ang pinto. Nag-inventory muna kasi si Bea habang si Kale naman nagdidilig ng mga halaman.

Isang binibini na nakasuot ng white dress ang pumasok. Her hair was golden yellow na kumikislap kung masisinigan ng araw. Beauty. Ito lang talaga ang masasabi mo kung makikita mo siya. Medyo wavy ang buhok na bumagay sa maputi't makinis na balat. She was a golden young miss! It was actually Elizabeth.

Lumapit si Elizabeth habang inikot ang mga mata sa loob as though pinoprobe niya ang desinyo ng shop. Nahalata ito ni Joshua but hindi niya ito pinansin. Feel niya kasi na mukhang importanteng tao itong pumasok. Parang sobrang prinsesa kung gumalaw eh, katulad ni Mary Rose na pumatid kay Alicia.

Hinintay ni Josh na makarating ang binibini at mag-order.

"I really like the vibe here. No wonder ito ang sinuggest sakin ni Cyrus." Isang malambing na boses ang lumabas sa bibig ni Elizabeth. Actually she was just talking to herself.

Napasmile nalang bigla si Eli nang maipunto ang tingin sa binatang nakatingin sa kanya mula sa counter. Ibinato rin niya ang tingin sa binatang nagdidilig ng halaman.

"Mmm. Not bad. Hindi nakasasakit sa mata ang mukha ng mga nagtatrabaho rito." She muttured saka dumiretso na sa counter.

"Ah. One cappuccino please." She smiled as she opened her handbag at kinuha ang credit card.

"Right away, Maam. You could wait there po." Marahang itinuro ni Joshua ang waiting ng lubos ang paggalang.

Hindi inalis ni Eli ang ngiti hanggang sa makaupo siya. She was just glad dahil sa maganda ang service ng shop. From what she heard kay Cyrus, it was actually owned by Arvin at ang dating manager nito was Arvin's girlfriend, si Roschelle.

'Hmm. Sino kayang pumalit sa malanding Roschelle na yun?'

Malandi? Er… I see. Mukhang hindi magkasundo sina Roschelle at Elizabeth. No wonder parang hindi nagkakasama sa isang screen sina Eli at Arvin.

She firmly rooted sa upuan saka bumukas muna siya ng cellphone. Nagcross legs ang binibini kaya mas lalong nagmukha itong donya.

'Kumusta na kaya ang kapatid ni Cyrus? Well, it's not my fault kung bakit nahimatay ang illegitimate child na yun.' Sabi nito sa kanyang isipan habang binuksan ang Insta.

Maya-maya pa…

"Oh… Bea. San ka pupunta?" Malakas na sabi ni Joshua habang pinprepare ang order ni Eli.

Narinig ito ni Eli at napatingin sa counter. Dun niya nakita ang isang dalaga na lumabas ng office at nagmamadaling tinanggal ang black apron. Napakunot bigla ang mukha ni Eli dahil hindi niya nagustuhan ang pagmumukha ng dalaga. She flipped her hair on her ears upang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Ahh… Aalis lang ako madali. Tumawag kasi si Cyrus, palitan ko muna raw siya dun." Nagmamadaling inayos ni Bea ang kanyang buhok saka naglagay ng pulbos sa kanyang mukha.

'What?' Nanlaki agad ang mga mata ni Eli dahil sa kanyang narinig. Did she just casually call the second son of Montenegro by his name?! How dare she?! Sa una niya palang na pagkarinig, wala na siyang ibang naisip na Cyrus kundi si Cyrus T. Montenegro, sino pa ba naman ang tinutukoy ni Bea? Eh pagmaymay-ari ito nang mga Montenegro. Kaya't nabalot agad ng galit ang mukha ni Eli.

'Hugh! Hindi na nga kasiya siya ang mukha, mas lalong pumangit pa dahil sa ugali.'

Eli immediately glared her eyes at the young girl.

'Aba… tingnan mo oh. Nagpaganda pa.'

Hindi pa nga nalalaman ni Eli ang pangalan ng dalaga ay halos kumulo na ang dugo niya sa napakasamang impression nito sa kanya.

"Ah. Talaga ba? Okay okay. Kami nalang dito bahala." Josh assured saka binato ng smile si Bea.

"Thank you nang marami. Sige sige. Bye."

Papalabas na sana ni Bea ng shop nang…

"Sandali!"

Nagulat si Bea ang sinigawan siya ng isang binibining hindi niya kilala.

'Huh? Sino siya?' Napakunot nalang bigla ang noo ni Bea.

"Sino ka?" Eli curved on her eyebrows saka itinaas ang baba. Napatingin na tuloy sina Kale and Josh sa may pinto.

"Huh?" Hindi nasiyahan si Bea sa itinura ng dalaga. Sinagawan siya nito at ito pa ang may ganang magalit sa pagtanong kung sino siya.

"Hugh! Pangit na nga, malandi… bobo pa. I said, what's your name?!" Lumaki ang mga mata ni Eli na tila ba isang langgam si Bea.

'Nu problema nito?'

Napatingin lang si Bea sa nandidilat na mga mata ng blondie.

"Ah… B-beatrice…" Napagdesiyunan niya nalang na ibigay ang pangalan. Walang naman yatang mangyayari sa kanyang masama.

"Tapos what? Beatrice what? Beatrice bobo? Beatrice Ugly? Kailangan ko pa bang hulaan apilyedo mo?" Tumaas ang mga kilay ni Eli habang hindi na maipinta ang kanyang mukha. This time mahahalata mo na, na isang malditang binibini itong si Eli. Lalong lalo na sa istilo ng pananalita nito.

Ngunit hindi nagpatinag si Bea sa mga sinabi nito sa kanya. Imbis, mas lalo siyang naguluhan kung bakit ang init init ng dugo nito sa kanya, ni hindi niya nga kilala pagmumukha nito eh.

🎵Nom nom nom nom nom nom nom!

Nagring ang kanyang cellphone.

'Shoot! Si Cyrus. Hala!' Bea's gaze immediately fell sa hawak niyang cellphone.

"I-… I'm so sorry kung may nagawa man po akong kasalanan sainyo… but I really need to go. Emergency lang po." Hindi pa man nakakasagot ang blondie sa harap niya'y agad niyang inilapat ang cellphone sa kanyang tainga.

"Hello Cyrus…oo papunta na ko diyan. Sorry. Nadelay lang dito sa shop." Mabilis na lumabas si Bea sa shop without taking any glances sa dalaga sa loob.

'Cy-… cyrus???!' Nagdilim bigla ang mukha ni Elizabeth dahil sa pangalawang beses niyang narinig si Bea na tawagin ang kanyang gusto na para bang kilang kilala nito si Cyrus. Naiwan siyang nakatayo sa may pinto saka mahigpit niyang hinawakan ang kanyang cellphone.

Ang hindi alam ni Bea, this first encounter ang magiging dahilan kung bakit mas maghihirap ang buhay niya sometime in the future.

avataravatar
Next chapter