49 Demonstrating a French Kiss!!!!!

Parang isang hinog na kamatis na ang mukha ni Bea habang pigil pigil ang sarili upang hindi maubo sa pagkasurpresa.

'F-French Kiss?!'

Hindi na niya napigilan ang sarili na mapapikit nang nagsipasok na sa isip niya ang mga intimate kissing scenes na napanood niya noong bata pa siya sa Abs, tuwing hapon kung saan parang pang Latin ang vibe. Now she can't even unthink those voluptuous images na kulang nalang at kainin ang labi ng kanyang partner.

"No?" Sir David gently knitted his eyebrows as he quipped towards the young lady.

"Hindi mo alam ang french kiss? Napakainosenteng bata." He blew a huge breath hanggang sa mailapat niya ang kanyang likod sa upuan.

Nanigas ang panga ni Cody habang unti-unting napapataas ang kanyang kilay. Ayaw niyang magsalita at baka mas lumala pa ang topic.

Dahil sa napansin na parang nahiya ang dalaga sa kanyang nasabi, Sir David gave off a scheming smile as though mas nasiyahan siya na i-tease ang dalaga.

"Bianca..." He softly said with his raspy voice.

Amidst from her thoughts, napataas bigla ang kanyang kilay nang mabigla sa pagtawag sa kanya.

"... alam mo kasi, any other kisses, mas daring kasi yung french kiss. Naiimagine mo ba?" Sir David explained habang nakapoker face. Actually, pinipigilan niyang matawa.

Awkward. Mas napayuko nalang sina Roschelle dahil sa topic. Even though the topic was directed to Bea and Cody, hindi parin naikaila nina Rose at Arvin na naapektuhan din sila nang kunti.

Nagkiss na ba sila? French style?

Walang na ring magawa si Bea kundi ang mapakagat. Yung parang robot siya na nakatingin lang kay Sir David at walang galawan ng mukha.

'Bakit ganto ang topic? Ang awkward.'

"...parang hindi mo naiisip eh. Basta ang french kiss... yan yung paghahalikan nung dalawang... ah! Halimbawa kayo ni Cody... oh sige... iha, harap ka kay Cody." Sir David immediately demanded.

Both Cody and Bea coughed blood dahil sa sinabi ng matanda.

'Dad! Are you purposely doing this?!' Tinaas-taas ni Cody ang kanyang kilay para mapansin ng kanyang ama... hindi naman siya galit...

...but his dad didn't give a d*mn look towards him.

"P-po?" Bea suddenly asked.

Actually narinig niya ang sinabi ni Sir David sadyang ayaw niya lang talagang gawin. Her heart was tremendously racing, kulang nalang pati katawan niya tumalbog na sa lakas ng heartbeat.

'Ipapademonstrate niya ba samin ang french kiss?' As her thoughts ran wild.

Halos mangiyak-ngiyak na ang dalaga nang hindi na niya mapigilang iimagine na nasa kalong ni Cody ang kanyang katawan habang dahan-dahang naglalapit ang kanilang mga labi... intimately... habang ang init ng kanilang katawan -

'STOP!! WHAT THE HELL?! amdsjrirjgksofiednfj!!!!' Mababaliw na ang kanyang kaluluwa dahil sa napaka lewd na kanyang naiisip. Kung kaya niya lang, kamuntik niya ng ihampas ang kanyang ulo sa pader para siya matauhan.

"Bianca... tumingin ka kay Cody." Upon hearing ang tanong ni Bea, Sir David didn't hesitate na ulitin ang kanyang sinabi.

CODY... CODY... COOOOODDDDDYYYYYY...

Nag-echo bigla ang boses ni Sir David sa tenga ng dalaga na parang nasa verge na ng hallucination.

'Sir... Sir bakit niyo po sakin 'to ginagawa... wala naman po akong kasalan...' Napahagulhol na si Bea sa kanyang isipan dahil sa sobrang awkward. Kulang nalang at mababaliw na siya.

Si Cyrus na parang langgam na nanliliit na, couldn't straightened his lips. Napapasulyap nalang siya kina Cody and Bea. Mukhang inunahan na siya ng kanyang dad sa panunukso ah.

From the looks of Cody, mukhang hindi na rin nakayanan ng binata ang panunukso na umabot sa puntong namumula na ang kanyang dalawang tenga.

"...ahaha. Sige na. Tumingin ka na kay Cody." Hindi napigilan ni Sir David na matawa nang makitang parang isang manikin na ang dalaga. Halos naghahalo na ang pamumutla at pagbublush ng kanyang mukha.

Wala silang nagawa. At talagang wala silang magagawa kundi sundin ang sabi ni Sir David. Even though natatawa ang matanda, halata sa boses nito ang coldness, katulad ni Arvin.

"Ahem..." Cody suddenly cleared his throat saka tense na tense na tumingin kay Bea. Paunti-unti.

Napatingin lahat kay Cody habang pigil ang kanilang bibig.

'Eh? Ehhh!!' Naloloka na ang dalaga habang iginigilid ang paningin sa binata kahit hindi iginagalaw ang mukha.

She could already hear her own heartbeat. Habang hindi pa tuluyang natatanggal ang napakasamang imaginations niya, she dragged her look towards the young man na nasa tabi niya. Dahan-dahan. Paunti-unti. The more na nakikita na niya ang mukha ng binata ay mas lalong umatikabo ang kanyang puso. Lundag to the left. Lundag to the right. Halos mapigtas na ang kanyang mga ugat dahil sa lakas ng pagtibok. Sayaw to the left. Sayaw to the right. Kulang nalang at gumigiling giling na ang kanyang puso.

And shoot! Their eyes met.

One. Two. Three. Four seconds ang lumipas at naglued parehas ang kanilang tingin sa isa't isa.

Her shoulder suddenly shuddered as she couldn't even resist the luscious smell gave off by the young man.

The tension got even more dangerous... No.. it is far more sensual.

"Ahem..." Hindi napigilan na mapaclear ng throat si Sir David dahil sa kanyang nakikita.

"Okay. okay. I changed my mind. Tumingin nalang kayo sakin." The he suddenly added.

"Pft!"

Maluluwa sana ni Roschelle ang kanyang iniinom na red wine dahil sa dagling pagbabagong isip ng matanda.

That is really a tease! No... definitely a torture!

This time, naging hinog na sili na ang mukha ng dalaga nang marealize that Sir David was just toying her.

avataravatar
Next chapter