74 Candy Call: Sana All

Agad na bumagsak si Bea sa kanyang kama pagkarating na pagkarating niya pa lamang. Parang lumulutang ang paligid sa kanyang paningin. Kinukurot niya na lamang ang pisngi upang malaman kung panaginip lang ba talaga ang nangyari. She confessed kay Cody. Her high school bestfriend. Matalik niyang kaibigan nung high school!

Habang nakatitig sa kisame, inalala niya ang lahat memories nila ng binata simula nung high school. Simula nung lagi na silang magkasama pag-uwi, bibili ng fishball, dadaan sa may tabing dagat tapos kung makarating na sila ng sentro saka titingin ng mga bagong release na pirated na kdrama. Kinaumagahan, susunduin siya ni Cody sa kanilang bahay saka maglalakad na naman papasok ng school. Araw-araw, uma-umaga siya nitong sinusundo at sinasabayan sa pag-uwi ng hindi man lamang nagreklamo ni isang beses. Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib na parang maluluha.

'Ang tanga ko noh. Bakit ngayon ko lang nahalata ang lahat ng effort niya?' Napakurba nalang ang buo niyang katawan saka niyakap ang life size niyang unan na may mukha ni Taehyung ng BTS.

🎵Nom nom nom nom nom nom nom!

Nag ring yung cellphone niya na nakataob sa kama. It was actually yung ring tone ni Kim B*k Joo. Idol niya kasi ang character na yun. Kahit ang daming dumaang hamon sa kanyang buhay, she stayed strong hanggang sa huli.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Christian Cody.

"Hello."

"Hello, Bea. Oh. Nakauwi ka na ba?" His deep voice softly caressed her ears.

Bumigat lalo ang dibdib ni Bea. Ito ang pinakaweakness niya. Mas naiiyak siya kung may nag-aalala sa kanya. Hindi niya ba alam, maybe it was because she always felt alone. Well this time, mabilis na namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata hanggang sa dumausdos na ito pababa.

"Mmm." Sambit ng dalaga saka nagpasinghot.

"Ah. B-bakit? Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?"

"Huh? Ah. Wala. Wala 'to. I am just really happy." Marahang pinunas ni Bea ang kanyang mukha as her shrill voice rasped on the phone. Her eyes went blurry habang hawak hawak niya pa ang cellphone sa kanyang tainga.

"Ha? Talaga? Bea, yung totoo? Sabihin mo sakin, bakit ka umiiyak?" Nanuot sa puso ng dalaga ang malambing na boses ni Cody habang walang tigil ang pagbuhos ng kanyang luha.

Maybe it was an after effect nung kanina. Ngayon lang talaga nagsink in sa kanya nung magkaroon na siya ng privacy.

"W-wala. W-wala 'to. Promise. Wala talaga 'to."

"Andiyan ba si Manoy Henry? Gusto mo bang puntahan kita riyan?"

Mas lalong humapdi ang mga mata ng dalaga hanggang sa mafeel niya na parang namamalat na ang kanyang lalamunan.

"No. No. Wag na. Ayos lang talaga ako. Magpahinga ka muna diyan. Nandito naman si Kuya Henry. Promise. Ayos lang ako." Napaupo si Bea sa kanyang kama nang mapuno na ng sipon ang kanyang ilong.

"Really? Eh hindi ako nakakampante sa sinasabi mo eh. Bakit ka umiiyak?"

"W-wala. May naisip lang kasi. Naiyak lang talaga ako."

"…" Hindi nakapagsalita si Cody. He made a long sigh at pinaniwalaan nalang ang dalaga. Kilala niya si Bea, and alam niya na kung mas lalo niyang kukulitin ang dalaga, mas lalong bibigat ang dibdib nito at hindi na matatapos ang pag-iyak. So he immediately stopped.

"Nah. Cody." Medyo paos na ang boses ni Bea. She was already sitting katabi sina Jongsuk, Taehyung at Ji Chang Wook. She hugged her knees saka ibinaon ang kanyang mukha dito.

"Mmm." Malambing na sabi ni Cody.

"I love you."

Tumigil agad ang mundo nang marinig ni Cody ang sinabi ng dalaga. His heart suddenly went racing saka biglang nagdry ang kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip ng dalaga, but he felt really glad dahil ipinagkatiwala na ng dalaga ang puso nito sa kanya.

"Mmm. I know." His raspy and dark voice lingered on Bea's earlobes as though she could feel the warm breath of the young man gushing on her face.

Pinunas ulit ni Bea ang kanyang luha.

"Thank you… kasi hindi mo ako iniwan. Salamat sa lahat ng effort mo sakin. I will never forget all those sweet memories." Napasinghot si Bea as her chest heaved in and out.

"…" Sumakit bigla ang lalamunan ni Cody as though nachoke siya. Humapdi ang kanyang mga mata when he didn't expect na yun pala ang iniisip ng dalaga all this time. He also covered his face nang hindi niya na mapigilan mapaiyak.

"Cody. Naalala mo pa ba… yung… *sniff* yung lagi tayong magkasama tuwing hapon… yung lagi mo akong sinusundo bago pumasok… yung…" Nalunod na sa luha ang mga mata ng dalaga saka siya napahagulhol. Hindi niya ba alam kung bakit ang saya-saya niya pero hindi natatapos ang kanyang luha sa pag-agos.

"… yung hinihintay mo ako hanggang matapos ako sa pagsearch sa computer shop kahit gabi na… yung hindi mo ako… nakakalimutang batiin tuwing birthday… and those birthday cards… na walang pangalan kung kanino galing… alam ko na sayo galing yun. Cody… thank you for all those efforts."

Walang namutawi sa labi ng binata. He just dugged his face on the pillow habang walang tigil na umiyak.

'Thank you po Lord.' That was the only thing na paulit ulit na inisip ni Cody. Kahit hindi alam ni Cyrus kung bakit umiiyak ang kanyang kapatid, he slowly stood sa tabi ng kama sa tinapik tapik ang likod ng kanyang bunsong kapatid.

avataravatar
Next chapter