43 An Invitation? From Who?

"Bea, ayos ka lang ba?" Dahan-dahang inalalayan ni Josh si Bea para makatayo.

"Mmh." She just nodded habang hawak hawak niya pa ang isa niyang kamay na may marka pa ng heels.

"You look helpless. Are you a fool?" Dagling lumapit si Mary Rose sa kanya sabay sermon.

"Martyr ka ba? Inaalipusta ka na, hindi ka pa nanlalaban."

Napataas ang kilay ni Josh.

'Magkakilala silang dalawa? Magkaibigan?'

"Hindi lahat ng oras laging may magtatanggol sayo. Pangatlong beses palang tayo nagkakita, at pangatlong beses ko na rin nakitang may nagtanggol sayo. Da heck, Bea. You should stand up on your own feet. Matanda ka na. In this cruel world, the good will not survive."

Napakunot ang noo ni Bea. Tama kasi ang nasabi niya. On the first time na magkita sila, pinagtanggol siya ni Cody from Erika and Mary Rose, while the second one yung nagtatalo sila ni Cody sa hotel, Arvin meddled between them and now, katatapos palang siyang tulungan ni Josh.

"Kung mananatili ka lang na parang cinderella, na wala namang glass slipper, you'll just end up being hurt at you'll realize na pati mahal mo sa buhay, madadamay na dahil sa pagpapakamartyr mo." Mary Rose added.

Nakatulala nalang si Bea habang pinakikinggan niya ang dilag. Hindi niya pa rin maisip kung bakit parang close na close siya sa kanya.

'Ba't siya nagagalit? Magkaibigan ba kami? Anyways...'

"Hindi ko alam kung bakit mo ako pinagtanggol-" Naputol ang sasabihin sana ni Bea as she was interrupted by Mary Rose.

"Ashie...shhhh...shhh." Pagputol ni Mary Rose.

"Correction. Hindi kita ipinagtanggol. Ibinalik ko lang naman kung ano nararapat sa kanya."

Biglang napaindifferent eyes si Bea.

'Well, ganun rin naman yun. However... naiilang talaga ako sa napakaarte niyang pagsasalita.'

"Okay. But keep in my mind na hindi tayo ganun ka close. In fact, hindi ko alam kung magkaibigan ba tayo." Harsh na sabi ni Bea saka siya bumalik sa counter.

Si Josh naman walang tigil na kaliwa't kanan na pagtingin sa dalawang babaeng nag-uusap.

"Ouch. Masakit yun ah. But that's okay. Naiintindihan ko naman na hindi mo pa nakakalimutan kung ano ang mga nangyari." Rose smiled.

'Well, actually thankful ako sayo Bea since you cleared the misunderstanding sa hotel na hindi kita inalipusta.' Mary Rose thought.

Napaquiver ang mga mata ni Bea as she saw a carefree side ng dilag.

'Well, at least hindi na siya yung parang stress na stress na Mary Rose back then sa hotel.' Sabi ni Bea nang maalala niya ang ityura ni Mary Rose nung nakita niya ang dalaga na parang walang tulog at walang tigil na umiyak.

"That's okay. Nabigla lang talaga ako. Well, Past is past. But I will not expect na maging magkaibigan tayo. Ang taas ng agwat ng estado ng buhay natin eh." Bea added.

"Sus. Pahumble ka pa. Eh boyfie mo nga si Cody eh. Ah! By the way, alam mo na ba na... Montenegro siya?" Biglang bulong ni Mary Rose.

Napataas ang kilay ni Bea dahil sa sinabi ng dilag.

"Mmh." Saka slowly siyang napatango.

"Talaga? Shocking noh. Ahaha. Don't worry. Mabait naman si Uncle David. Magugustuhan ka nun."

"Uncle... David?" Napakunot ang noo ni Bea.

"Yah. Uncle David, ang dad nina Arvin, Cyrus and Cody. And he is the current president ng kanilang company. Don't worry. Mabait naman si Uncle. Well, kaya nga ako ng nandito kasi... may pinapabigay siyang invitation sayo." Paliwanag ni Mary Rose saka naghalungkat sa mamahalin niyang handbag.

"Invitation? Para san?" Kinabahan bigla si Bea dahil sa sinabi ng dalaga.

'Hala. Anong gagawin ko? Akala ko hindi na ako madadawit sa dad nila Cody. Ba't parang di nagkakatotoo ang sinabi ni Arvin na ayos lang.'

Inilabas ni Mary Rose ang isang maliit na sobreng kulay ginto tapos may seal na kulay pula.

"Here." Bigay ng dalaga kay Bea na ito namang agad na kinuha.

Bea flipped the mail saka nakita niya ang kanyang buong pangalan na nakaprint sa likod.

'It's really for me.' She thought.

"P-para san 'tong invitation na 'to?" Tanong niya.

"Mmh? Ah. It is actually an invitation for family dinner." Dagling sabi ni Mary Rose.

'Family dinner? Family dinner lang tapos may invitation?' Napanganga nalang si Bea.

"Haha. Shocking right. Ganyan talaga si Uncle... gusto laging pormal kung mag-iimbita." Dagdag ni Miss Tan.

"N-no... No. I can't accept this... masyadong nakakapressure." Naalangan bigla si Bea saka halos nabubulabog na siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

"Mmh? Ayaw mo? Well, sa ayaw mo o sa gusto mo, kelangan mo pa ring mag-attend. Eh ikaw ang girlfriend ng bunsong anak ng presidente eh. Don't worry. Andun din naman si Ate Roschelle."

Napataas bigla ang kilay ni Bea.

"S-si Maam Rose?"

"Of course. Syempre nandun siya, eh siya ang girlfriend ni Arvin. Don't worry. Tingnan mo si Ate Roschelle, close na siya kay Uncle."

Nanginig bigla ang kamay ni Bea habang gumagapang ang lamig sa kanyang balikat.

"N-no. I still can't."

"Huh? Bakit naman? Bea. Pupunta ka lang dun tyaka kakain. Syempre may kunting usapan. Pero hindi ka naman papatayin dun eh."

"I can't. Nakakahiya sa kanila. Natatakot ako. Pano kung hindi magustuhan ng dad ni Cody ang family background ko. Anong gagawin ko? In fact, wala akong maisusuot. Mas magmumukha akong..."

"That's okay. Kaya nga bumili na kami ng maisusuot mo. Erika." Sabi ni Mary Rose saka tumingin kay Erika.

Agad namang itinaas ni Erika ang dala-dala nitong mga paper bags saka inilapag sa counter table.

"Dress. Handbag. Watch. Plus Necklace. Ah. Ito pa. High Heeled Shoes. And we've already reserved a beauty parlor malapit dito para maayusan ka." Nakasmile na iniisa-isa ni Mary Rose ang mga paper bags. Then she gazed at Bea.

"Ang hindi pag-attend is not an option Bea." The corners of her lips suddenly curved up.

avataravatar
Next chapter