38 "I am very sorry" Cody Bowed to the Group

"WHAATTT? WALANG KAYO?!" Bulalas ng grupo except kay Jay.

"I am very sorry, guys..." Cody gently made a very respectful bow. Yung sincerity talaga ang nadama ko.

He slowly raised his head saka tumingin sa kanilang lahat.

"Weh? Prank 'to noh? Asan yung camera?" Maam Rose suddenly stood up tyaka napalingonlun-lingo sa buong paligid.

I stepped papalapit sa circle while holding my right arm.

"W-we're very sorry po... it's the truth." I confessed habang nakayuko lang.

"S-seriously? As in... walang kayo?" Elisse blurted out. Nakitingin lang samin ang lahat habang hindi pa nacacapture ang aming sinabi.

"W-walang kayo?" Sabi ni Steve na na-stuttered pa.

"..."

"..."

Hindi kami nakaimik ni Cody.

Dahan-dahang napaupo si Maam Rose as she realized our moods.

"D-do you mean... a-all this time... you were fooling us?" Arvin harshly said.

"H-hindi naman sa ganun." Cody immediately reasoned out.

"Then what is this?!"

My eyes suddenly widened nang biglang tumaas ang boses ni Arvin.

"Kung hindi kayo... then ano yung ginawa niyong eskandalo sa restaurant tyaka sa hotel?! Ano yun?? Anong iisipin ng mga tao kung malalaman nila 'to ha?! Isipin mo Cody... hindi ka lang isang Aldens! Ilang ulit ko na yang sabihin sayo! Isa kang Montenegro!!" Nag-alburuto na naman si Arvin.

Napablink ako dahil sa sinabi niya.

'Montenegro? Why does it sound so familiar? Ah! One of the top 10 richest families in the Philippines!!!'

"Ehh?!!" Napanganga ang lahat dahil sa sinabi ni Arvin except kina Maam Rose and Ken.

'What?!! Montenegro si Cody. Ang pag-aakala ko Aldens siya? Di ba ang apilyedo ni Arvin, Montenegro? Then...'

"Magkapatid kayo?!" Bulalas naming lahat.

"That's not the point ngayon!!!"

"Arvin...calm down... let them explain muna. I am sure my reason din sila." Maam Rose interrupted.

"Don't butt in sa usapan n-"

"Arvin!" Tumaas na rin ang boses ni Maam Rose.

"..."

"..."

Napatahimik ang lahat.

"Cody. Bea. I am sure you already expected na talagang magagalit kami, and even now, pinipigilan ko lang hindi magalit. But I still wanted to hear your explanation for this." Maam Rose calmly said.

"A-actually..."

At dun kalamadong inexplain ni Cody ang lahat na nangyari except yung sinabi niya sakin kanina. Wala ni isa sa kanila ang napaimik habang nakatayo siyang nagsasalita.

"I..." Putol ni Steve after makapagsalita si Cody.

"...I'm very sorry...hindi 'to mangyayari kung hindi ko na misunderstood ang pangyayari. I should've mind my own business." Napayuko nalang si Steve habang hawak-hawak ang stick.

"No...hindi mo naman kailangan magsorry dahil wala ka namang kasalan." Jay quickly butted in. Although he was talking to Steve, nakukutok ang kanyang mga mata kay Cody.

"Hindi 'to mangyayari kung walang taong nanamantala ng pagkakataon. Eh.. pwede naman agad linawin na mali pala ang pag-aakala ni Steve di ba? Bakit pinaabot pa sa gantong punto."

"Jay! You don't need to-" Naputol ang sasabihin sana ni Maam Rose.

"That's fine." Cody interrupted.

"Nandito ako para humingi ng sorry sa lahat, hindi magdepensa ng side ko. I just don't know kung dahil lang ba sa pangyayaring 'to kaya't ganun ka makatono, o sadyang may grudge ka sakin personally." Cody crisply said.

Nagkatingin kami ni Josh nang mafeel namin ang tension between the two. I know, all of us can feel it.

"Hmm? Eh wala naman akong sinasabing pangalan." Jay smiled as he raised on his shoulders.

"Then, si Bea ang sinisisi mo..." Cody immediately replied habang itinuldok niya ang kanyang paningin kay Jay as he added...

"...imposible."

My eyes quivered dahil sa sinabi niya.

That was the time na kumunot na ang noo ni Jay.

"Naku. Naku." Ken suddenly let out a long sigh saka napatakip ng mukha.

"Para san pala 'tong mini-vacation na 'to?"

"I-I'm very sorry po." I stepped in sabay nagbow. Wala na akong masabi. Ayoko namang sabihin na 'it's my fault' at baka mas lalong magalit sakin si Cody.

"Hays." Napabuntong-hininga rin si Maam. Dahan-dahan siyang napatingin kay Arvin.

"Arvin. What should we do?"

"Tch! Madali lang maayos ang gusot dito sa grupong 'to eh. Ang inaalala ko lang ang reputasyon ng pamilya Montenegro." Arvin said.

"Cody...sa tingin mo, ano ang sasabihin ng mga tao sa pamilya natin kung malalaman nila that you publicly displayed yung relationship niyong dalawa... and after a day, nagbreak kayo. What do you think? All of the three sons ng Montenegro heir ay matitino. At dudungisan mo lang yan dahil sa napakatangang... pangyayari na 'to. Do you think... do you think Dad will just sit down at hayaan ka na maging ganto?"

"..." Napayuko nalang si Cody. Kung ako ang nasa kinatatayuan niya, malalapnos na ang mukha dahil sa kahihiyan. Buti nalang at nakayuko na rin ang lahat except kay Jay na talagang pinagmamasdan si Cody.

"Well, ako, sa tingin ko hindi... He will even hire someone para alamin kung sinong babae ang naging girlfriend mo... and what's next? Naiisip mo na?" Arvin said.

'What?' Lumaki bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Arvin. Hindi sumagi sa isipan ko ang ganyang consequences.

'Yeah. It's reasonable na ganyan talaga ang mangyayari since napakayamang pamilya ng Montenegro. Lagot. Anong gagawin ko?'

Kinabahan agad ako habang iniisip ang mga possibilities na mangyari sakin.

'Hala! Baka ipakidnap na ako nito.'

"..." Hindi napaimik si Cody.

"Hay. Naku." Arvin let out a long sigh.

"Fine. Atin-atin lang 'to. Dapat walang lalabas na anang tsismis about sa fake na relationship ninyong dalawa."

'Huh?' Hindi ko agad nagets ang sinabi niya.

"Huh?!"

Pati rin ang buong grupo. All of us suddenly gazed Arvin.

"Arvin. What do you mean?" Napakunot ang noo ni Maam Rose as she pat Arvin's arm.

"Magpapatuloy sila sa pagpapanggap." He commanded.

"WHAT?!!" Napabulalas kami dahil sa kanyang sinabi.

"Yan talaga ang pinakanaisip kong solusyon sa ngayon. Hanggang sa makakuha na tayo ng matinong reason kung bakit kayo dapat magbreak, dun lang kayo titigil sa pagpapanggap." He added.

'Hanggang kailan pa makakakuha ng rason?'

I thought habang nagwoworry dahil sa parang awkward na kami ni Cody.

"Then...what about your dad?" Maam Rose suddenly butt in.

"Cyrus and I already talked to Dad about sa pagkakaroon ng girlfriend ni Cody. Ayos lang naman. Magagalit lang yun kung sasabihin namin na nagbreak agad sina Cody." Arvin explained.

"Cyrus?" Unconsciously biglang akong napatanong.

"Yeah. He's the second son of Montenegro Family." Maam Rose immediately looked at me saka napasmile.

"Phew. Then that's settled. Okay? Oh. Guys, alam niyo na ang rules ah. Zip ang mouth." Biglang inangat ni Ken ang mood ng lahat since ilang minuto nang napakatahimik ang grupo.

"Okay po." Saka namang nagsitanguan ang lahat.

Buti nalang at andito si Ken kung hindi, hindi ko alam kung makakapagsaya pa ba kami. Elisse grabbed another mallows saka nag-ihaw ulit kaya't nagsisunuran na rin ang lahat na para bang walang nangyari. They also started talking kung ano ang reaction nila sa fake relationship namin ni Cody.

"I'm so sorry."

Napablink ako nang dun ko lang napansin na nakaharap na sakin si Cody.

Saka siya nagpatuloy.

"Looks like I failed na tapusin ang fake relationship natin."

avataravatar
Next chapter