3 Chapter 2

"Mga bwisit kayo!" Napadaing ako ng maramdaman kong may humampas sa likod ko.

"Aray!" Daing din ni Andrew.

"Talagang hindi niyo ako sinunod?! Umuwi pa kayo ng lasing?!" Sigaw ni Geneva. Napatakip nalang ako ng tainga dahil sa ingay niya.

"Ang ingay mo!" Sigaw ni Andrew.

"Talagang mag-iingay ako! Bumangon na nga kayo diyan!" Sigaw pa ni Geneva at narinig nalang namin ang malakas na pagsara ng pinto.

"Hoy gising na daw." Sabi ni Andrew at sinipa ako.

"Makasipa!" Sigaw ko at sinipa din siya.

"Baka tadtadrin tayo nun." Sabi niya at sabay kaming natawa.

"G*go ka kasi eh." Paninisi ko sa kanya saka bumangon.

"Mukha kang bruha." Sabi niya at tinawanan ako.

"Magandang bruha." Sabi ko at dumiretso sa cr.

"Walang bruha ang maganda sira!"

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko nalang.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng cr at hindi ko nadatnan si Andrew. Mukhang bumaba na siya. Bumaba na din ako pero nagtaka ako ng hindi ko makita si Andrew. Kahit sila Geneva ay wala.

"Ano ba Andrew! Open the door!" Rinig kong sigaw ni Geneva kaya dali-dali akong pumunta sa direksyon kung saan nanggaling ang boses niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko. Nakaharap kasi sila nila Tito at Tita sa pinto ng cr dito sa baba.

"May narinig kaming bumagsak kaya kinatok namin siya pero ayaw niyang buksan. Pinapaalis lang niya kami." Naiiyak na sabi ni Tita.

"Ako na pong bahala." Sabi ko at lumapit sa pinto. "Andrew? Ano nanamang kaartehan yan? Lasing ka pa ba?" Sunod-sunod na tanong ko pero wala akong narinig na sagot pero bumukas ang pinto at bigla nalang niya akong hinila papasok sa loob at sinara ulit ang pinto at ni-lock.

"Birce..." Pagtawag niya sa pangalan ko at kita ko na maiiyak na siya kaya agad ko siyang niyakap.

"Sshh... It's okay." Pagpapatahan ko sa kanya.

"H-Hindi ko na maintindihan ang sarili ko." Umiiyak na sabi niya kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Pareho lang tayo kaya tumahan ka na diyan."

"Ayoko na Birce. Nakakasawa na. Hindi ko na kaya na paulit-ulit nalang na ganito." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"We're team. Magkasama natin 'tong haharapin okay? Ngayon ka pa ba susuko kung kailan five years na natin 'tong dinadala?" Tanong ko at bumitaw sa pagkakayakap niya. "Look at me Andrew Primo. Magkasama tayo hanggang dulo." Sabi ko. Tumango naman siya kaya pinunasan ko ang pisngi niya na basa ng luha. "Lumabas na tayo baka kung ano pang isipin nila. Alam mo naman na ma-issue si Tito."

"Baliw ka." Sabi niya at ngumiti.

"Pareho lang tayo."

Sabay kaming lumabas ng cr at agad kaming sinalubong nila Tita at Tito. Magsasalita pa sana sila pero agad akong hinila ni Andrew papunta sa lamesa. Nginitian ko nalang sila Tita para sabihin na okay na ang lahat.

"Kain na. May lakad pa tayo diba." Sabi niya habang nilalagyan ng ulam ang plato ko.

"Ha? Saan?" Tanong ko.

"May party tayo mamaya diba?" Sabi niya. Oo nga pala, may sarili nga pala kaming party mamaya dahil hindi kami pupunta sa party ng kaibigan ni Geneva.

"Oo nga pala. Kumain ka na din ng madami dahil gabi na tayo uuwi." Natatawang sabi ko.

"Ano bang bago?" Sabi niya at natawa.

***

"3,289 po lahat." Sabi ng cashier kaya tumaas ang isang kilay ko at tinignan si Andrew. Nagkibit-balikat lang siya at binayaran ang mga pinamili namin. Kinuha namin iyon saka lumabas ng store.

"Ano ba yang pinagbibili mo at umabot ng tatlong-libo?" Tanong ko.

"Secret!" Sabi niya saka pumasok sa loob kaya pumasok na din ako.

"Sira ka talaga. Hindi ka marunong magtipid."

"We only live once kaya dapat sulitin na." Sabi niya at sinimulang paandarin ang kotse.

"Lagot ka talaga kay Tito kapag naubos yang laman ng account mo." Sabi ko at kumuha ng chips.

"I have my own way to earn money, Birce. Kalma ka lang diyan." Sabi niya at kumuha ng chip na hawak ko.

"Baka binebenta mo na yang katawan mo ha?" Sabi ko. Masama naman niya akong tinignan at ibinalik sa daan ang tingin.

"Ikaw ang ibebenta ko. Masyadong mahal ang katawan ko. Hindi nila afford." Mayabang na sabi niya kaya binato ko siya ng piraso ng chips

"So sinasabi mo cheap ang presyo ng katawan ko?" Tanong ko at binato ulit siya ng chips.

"Wag kang magkalat!" Saway niya pero binato ko lang ulit siya. Itinigil naman niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at seryoso akong tinignan.

"Ang serious! Parang kanina lang umiiyak ka ah." Pang-aasar ko sa kanya.

"Nakakagigil ka!" Nanggigigil na sabi niya at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Aray!" Daing ko habang tinatapik ang kamay niya. Binitawan naman niya ako at muling pinaandar ang kotse.

Nang makarating kami sa destinasyon namin ay agad kaming lumabas ng kotse at kinuha ang mga pinamili namin. Ako na ang naglatag ng kumot sa damuhan habang siya ay inaayos ang mga dala namin. Nang matapos kami ay agad kaming naupo sa kumot.

"This is life. Calm, relaxing and not toxic." Sabi niya at nagsalin ng royal sa plastic cup na binili namin.

"Ganun ba ang buhay para sayo?" Tanong ko.

"Oo. Yung walang ibang iniisip. Yung para kang nakalutang dahil sa sobrang gaan ng loob mo." Sabi niya.

"Ang drama naman ng definition ng buhay sayo." Sabi ko.

"Eh bakit, ano ba ang definition ng buhay para sayo?" Tanong niya. Humiga naman ako at tinignan ng maiigi ang kulay asul na kalangitan at mga puting ulap. Nakaka-relax silang tignan.

"Hindi ko alam."

##

avataravatar