1 PROLOGUE

Noon ay pinaka-ayaw ko ang Summer. Sa lahat ng season , ito ang ayaw ko dahil sobrang init ng paligid. Contradict to my personality which is being cold as an iceberg. But when I met her my cold heart just melted. Like , she became my summer in the midst of winter.

"Sasama ka sa outing ng bachtmate mo?" tanong ni mama ng makababa ako ng hagdan. Inilapag ko ang isang travel bag at maliit na paper bag.

"Bakit naman? Look, Ziu , anak , enjoy yourself ok, deserve mo naman sumaya kahit saglit." kita ko ang awa sa mga mata niya. Umiwas na ako ng tingin at saka inayos ang sintas ng sapatos ko.

"Ma, Im happy ok. Im fine. It's been five years and I can say that Im totally fine." I smiled weakily.

"Okay, just be happy ha. And tulungan mo ang Lolo Efren mo, balita ko mag-aani na sila ng gulayin ngayon. Wag kang pasaway dun."

"Ma, hindi na ako bata para paalalahanan mo ng ganyan." natatawa kong sabi.

"Sige na. Tumawag ka sa'kin kapag nakarating ka na sa probinsya." tumango naman ako saka humalik sa pisngi niya.

Lumabas ako ng gate at saka pumara ng taxi. Pasado alas-otso na rin ng umaga ako nakarating sa station ng bus. Marami ng mga tao ang nag-aabang ng masasakyan. Mga taong excited na umuwi sa kani-kanilang probinsya para makapag-outing at makapag-bonding ang buo nilang pamilya.

Ganun din ako. Five years. Almost five years ko ng ginagawa ito. Tuwing bakasyon ay uuwi ako ng probinsya nila mama. Hindi lang para dalawin sina Lolo, kundi para sariwain ang mga alaala. Masasakit na alaala pero mga alaalang may kakambit na aral na siyang nakapagpabago sa pananaw ko sa buhay.

Tumingala ako at pinagmasdan ang asul na kalangitan. Tirik na tirk na ang araw kahit wala pang katanghalian. Dumating na ang isang bus na walang laman. Nagsenyas ang konduktor na sumakay na. Tiningnan ko muna ang sign board. Batangas. Buti na lang may byahe na papunta doon.

Kaagad akong nakipagunahan sa pagsampa sa bus. Inilagay ko ang bag sa may itaas habang ang paper bag naman ay nasa lap ko. Binuksan ko ang cellphone ko , napangiti ako ng makita ang wallpaper ko. Inilagay ko ang earphone sa magkabila kong tenga saka pinatugtog ang paborito niyang kanta.Paborito kong kanta. Paborito naming kanta.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mata.

Siguro nga tama ang sabi ng Magnus Haven sa kanta nilang Imahe.

Tayo ay pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana.

Umusad na ang bus , ipinikit ko na ang aking mga mata. Kasabay ang pagbalik

ng mga alaala.

avataravatar