297 Sleep with Me

Yung mga expenses ni Papa at utang ko taggap ko yun, nagbigay pa nga ako sa kanya ng IOU letter para sa mga yun na balak ko rin naman talaga sanang bayaran dahil nagsave talaga ako para dun pero yung sa kasal namin di ko yun mainitindihan kaya di ko mapigilang magprotesta.

"Bakit pati ito kasama?" kunot noo kong tanong.

"Bakit di dapat isama, generous pa nga ako sayo kasi di ko na sinama diyan yung sa wedding gown at wedding ring natin."

"So dapat pala grateful pa ko kasi ito lang sinisingil mo sakin? sarkastiko kong sabi.

"Oo!" direct niyang sagot di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak kasi sa age ko na twenty nine may utang akong ten million baka abutin na kong fourty bago ko iyon mabayaran.

"Dapat di ito kasama!" protesta ko.

"At bakit di kasama?"

"Syempre di ko naman sinabi sayo na arkelahin mo yung venue na ito at magprint ka ng madaming imbitasyon." taas noo kong sagot.

"Bakit sino ba nagcancel ng kasal, di ba ikaw?"

"Hello, di ko yung kinancel, ang sabi ko lang postphone!" paglilinaw ko.

"So pag postphone pweding i-move yung reservation after two years at itago yung invitation sa ganun ding kahabang panahon?" seryosong sabi ni Martin.

Bigla akong natigilan kasi nga naman may point siya yung groom nga di nakapaghintay yung mga yun pa kaya. "Baka pwedi naman itong pag-usapan!" nasabi ko nalang sa huli.

"Pwedi naman di naman ako nagmamadali na bayaran mo yan ngayon, bibigyan kita hanggang one month!"

"Anong one month? Hello ten million pinag-uusapan natin hindi one hundred thousand saan naman ako kukuha ng ten million sa loob ng isang buwan." sigaw ko, di ko na nga naiwasang mapatayo at mapahawak sa lamesa.

"Kailan mo ko balak bayaran? Binigyan na kita ng two years na palugit kaya gusto ko ma-settle mo na yan kagad."

"Wait lang, mag-iisip pa ko!" sabi ko bago ako lumayo sa lamesa. Wala akong magawa kundi magdahan-dahan kasi nga ako yung may utang.

"Basta pirmahan mo yan ngayon!'

"Di makapaghintay sabi ko nga sayo mag-iisip pa ko kung saan ko kukunin yung ten million na sinisingil mo." paliwanag ko, nagbabaka sakali akong bigyan niya ko ng extension kasi kahit ibenta ko lahat ng naipundar ko sa loob ng dalawang taon di ko parin kaya at kahit benta ko siguro yung lamang loob ko di parin yun sapat para makabayad ako ng ten million sa loob ng isang buwan.

"So, anong plano mo?"

"Mag-iisip lang ako!"

"So hanggang kailan ko hihintayon yang isip mo?"

"Wait lang!" pagtataray ko habang tinalikuran siya.

"Pirmahan mo yan ngayon bago mag-uwian at kailangan ko yang ipadala sa abogado ko para mapa notaryo!" pahabol pa niyang sabi.

"Pirmahan mo muka mo!" pang-uuyam ko bago ako lumakad papuntang banyo niya di na ko nagpaalam dahil nga sa asar ko.

Habang nag-toothbrush ako ng ngipin ko di ko maiwasang muramurahin si Martin.

"Bwisit siya akala niya isang daan lang ang sampung milyon kung maka-uraurada, ano mayaman ako? Kaasar ka talaga!" sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ko yung muka ko sa salamin ng biglang pumasok si Martin.

Inirapan ko siya para sana sabihin na, "hello nakita mo may gumagamit pa!" pero deadma siya at lumapit sa lababo at binuksan yung gripo kaya para di ako mabasa ay bahagya akong lumayo sa kanya.

Binasa niya yung muka niya at sinabon, pinagmamasdan ko yug bawat kilos niya na para bang may sarili siyang mundo at walang paki sakin na hanggang nagyon ay bumubula parin ang bibig. Ewan ko ba kung sinasadya niya talagang magbagal kahit alam niyang may gumagamit pa ng lababo. Dahil nga mahapdi na yung bibig ko dahil sa toothpaste lakas loob ko na siyang tinabig para maidura ko iyon. Wala na kong pake kahit mabasa siya kasi di siya lumayo sakin habang nagmumumog ako.

Pagkatapos kong hugasan yung bibig ko at toothbrush ko ay umabot ako ng tissue para sana punasan yung bunganga ko pero laking gulat ko ng biglang hawakan ni Martin yung ulo ko at mabilis na hinuli yung labi ko.

"Hmmm!" tanging nasabi ko nalang kasi di ako makaiwas dahil hinawakan niya yung likod ng ulo ko.

"Alam mo bang may ten thousand to twenty thousand yung fine sa harassment kapag denemanda kita." pagbabanta ko ng bitawan niya yung labi ko. Mabilis ko siyang itinulak para lumayo siya sakin pero bago pa ko maka labas sa banyo ay muli niya kong hinila at isinandal sa pader.

"Eh di gawin mong two counts of harrasment!" sagot niya sakin at muli akong hinalika sa labi. Grabe si Martin para siyang hayok na kayos sa halik napaka aggresive niya di ako makasabay sa kilos niya buti nalang ay hawak-hawak niya ko sa baywang habang yung isa niyang kamay ay sa ulo ko naman para di ako makawala sa kanya.

Halos maubusan na ko ng hangin sa ginawa niya kaya hinihingal ako pero ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya at ng labi niya. Naguguluhan yung utak ko na para bang di makapag-isip kung anong dapat kong gawin bakit ko hinayaang mangyari yun. Habang nag-iisip ako ay nanatili akong naka yuko ng hawakan ni Martin yung baba ko at iangat niya yung muka ko para magtama yung dalawang mata namin.

Kagaya ko hinihingal rin siya, samantalang yung mata niya ay punong puno ng longing. Unti-unti nanamang lumalapit yung muka niya sakin at alam ko balak nanaman niya kong halikan kaya mabilis kong iniwas yung muka ko sa kanya.

"Two counts of harassment kaya fourth thousand yun, ibabawas ko sa utang ko sayo!" matigas kong sabi sa kanya.

"Haha... haha... make it one hundred thousand and sleep woth me!" sagot niya sakin sabay buhat sakin palabas ng banyo.

"Martin, baliw ka ba?" tili ko habang ibinaba niya ko sa kama at pinatungan.

"Sira ulo ka kahit may utang ako sayo di ako makikipagsex sayo!" bulyaw ko.

"Kailan ko sinabing makikipag-sex ako sayo? ang sabi ko sleep with me and I mean it in literal way sa tagalog matutulog tayo!" sabi niya sabay higa sa gilid ko at pumikit.

avataravatar
Next chapter