webnovel

She's Taken

"Hatid mo na ko sa office."

Sabi ko kay Martin nung mapansin ko yung oras. Mag two na ng hapon malamang nagtataka na yung mga kasama ko kung bakit wala parin ako.

"Martin... alis na tayo!"

Muli kong yaya sa kanya habang tinatapik ko yung balikat niya.

"Sige... Tara!"

Nauna siyang tumayo sa akin at inalalayan niya ko para maka tayo narin. Sinugurado muna naming ayos yung itsura naming dalawa bago kami lumabas ng batchelor pad niya mahirap ng ma tsismis.

Nasa biyahe na kami ng magsalita si Martin.

"Anong gagawin mo dun sa mga bulaklat at mga regalo mo?"

"Di ko nga alam eh! Di ka naman papayag kung isasakay ko yun sa sasakyan mo para maiuwi ko sa bahay. Kasi di ko yun pwding isasakay sa bus sa dami nun malamang di ako papasukin ng kundoktor!"

"Talagang di ka papasukin at symre di din ako papayag na isakay ko yung mga yun! Saan ka naka kita ng boyfriend na naghakot ng regalo galing sa mga manliligaw ng girlfriend niya. Bakit di mo nalang kasi itapon para matapos na yung problema mo! Bilhan kita ng trash bag gusto mo?"

"Wag naman sayang kahit papano binili rin nila yun saka nag effort sila. Nakakahiya naman kung makikita nilang itatapon ko lang saka ang gaganda kaya nila."

"Anong kinaganda ng mga yun kung gusto mo bilhan na lang kita ng mga ganun mas maganda pa! Kaya itapon mo na."

"Wag kang ganyan... sayang ang mga yun kung itatapon!"

"Eh anong balak mong gawin sa mga yun?"

Muling tanong ni Martin sa akin. Sa totoo lang kanina ko pa nga talaga iniisip kung anong gagawin ko sa mga yun.

"Gusto ko yung bulaklak na bigay ko sayo ang iuuwi mo lang!"

"Wag ka ngang ewan diyan Martin!"

Sabay irap ko sa kanya. Kahit papano kasi nahihiya ako sa mga manliligaw ko kaya nag iisip akong mabuti kung ano ang dapat kong gawin. Di ko na malayan na sa parking lot na kami ng pinapasukan ko. Nagulat na lang ako ng tawagin ako ni Martin.

"Michelle!"

"Ay... andito na pala tayo!"

"Talagang pinag iisipan mong mabuti ang gagawin mo dun ah!"

"Sympre na naman!"

Sabay halik ko sa pisngi niya nung matanggal ko yung seat bealt ko. Pero bago ako tuluyang makalabas muli siyang nagsalita.

"Sunduin kita mamaya ha, Kain tayo dinner! Ingat ka!"

Tanging tango lang ang isinagot ko at tuluyan na kong bumaba. Nasa elevator na ko ng tumunog yung cellphone ko.

"Iuwi mo yung binigay kong bulaklak ha!"

Napa iling na lang ako at di na ko nag reply.

Pagbalik ko ng table ko andun parin yung mga bulaklak at mga regalo.

Naisip kong ayusin muna sila. Bawat bugkos ng bulaklak ay kinuhaan ko ng isang bulaklak para remembrance yung iba ipina migay ko na. Yung mga staff toy iniayos ko sa mga aparador sa department namin para maging display samantalang ang mga chocolate at ibang pagkain inilagay ko sa pantry para sa may gusto pwding kumain.

Lahat ng nasa card tsinaga kong itext para magpasalamat at maki usap na sana wag na silang muling magpadala kasi kagaya parin ng dati di parin ako tumatanggap ng manliligaw dahil di parin ako handa. Di ko lang masabi na may boyfriend na ko kasi nga sa tingin ko mas mahirap ipaliwanag. Lalo pa nga pag tinanong nila ako ng when, where at how kaya hayaan na lang muna natin.

Dahil sa paulit ulit na bilin ni Martin naiwan yung bouquet of flowers niya pero inihalo ko dun yung ibang bulaklak na nakuha ko mula sa iba kaya naging assorted of flowers na siya.

Halos mag uuwian na ng matapos ako sa pag aayos ng mga regalo ko kaya wala na kong nagawang paper works kaya naisip kong iuwi na lang sila sa bahay.

Saktong six ng gabi ng magtext sa akin si Martin na nagsasabi nasa baba na siya kaya agad akong nagligpit. Pinakiki ramdaman ko yung mga kasamahan ko kung uuwi narin sila. Pero nung feeling ko na wala pa silang balak umuwi. Nauna na akong tumayo at nag paalawn.

"Una na ako sa inyo!"

Laking gulat ko nung humabol sa akin si Alvin inaabangan lang pala niya kong umuwi.

"Michelle...hintayin mo ko hatid kita!"

Mabilis na habol sa akin ni Alvin sa elevator.

"Akin na! Ako na magdadala niyan!"

Sabay kuha ng bag ko at siya na nagdala. Hinayaan ko na lang kasi mapilit.

"Hatid mo ko sa sakayan?"

Maingat kong tanong kasi nga iniisip ko si Martin na naghihintay sa akin.

"Hindi, hatid kita sa bahay niyo mismo!"

"Hahaha... baliw ka! Sa Cavite ka naka tira Hatid mo ko sa Bulacan. Ano balak mong matulog sa kalsada?"

Natatawa kong sagot sa kanya paano ba naman wala naman siyang sasakyan kung mag cocomute kami papunta samin aabutin kami ng halos tatlong oras balikan six hours. Malamang bukang liwayway na bago siya maka uwi sa bahay nila.

"Sa bus naman ako matutulog di sa kalsada kaya okey lang yun sanay na ko!"

Sagot sakin ni Alvin habang palabas kami ng elevator.

"Alam mo Alvin wag ka ng mag effort kasi...."

"SHE'S TAKEN!"

Sabay kaming napa lingon ni Alvin sa pinang galingan ng boses. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Martin na nasa likuran namin. Hinila niya ko palayo kay Alvin at agad na inakbayan.

"Akin na yung bag ni Michelle?"

Sabay lahad ng kamay niya para abutin yung bag ko. Pero di ito ibinigay ni Alvin sa halip tiningnan niya lang ng masakit si Martin.

"Anong pinagsasabi ng lalaking ito Michelle? Saka bakit ka pumapayag na akbayan ka niya?"

Nagtatakang tanong niya sa akin. Dahil nga nagulat ako di ako kagad nakapag react. Saka nagtataka din ako kung bakit hindi sa kotse naghihintay ni Martin at andito sa lobby. Naisip ko na ipakilala na lang siya kay Alvin para maisalba yung sitwasyun.

"Si Martin nga pala Alvin"

Pero di ako pinatapos ni Martin at agad niyang dinugtungan ng "Boyfriend niya."

"Kaya pwedi ko siyang akbayan at bawal mo siyang hatid kasi ako ang maghahatid sa kanya! Kaya akin na yung bag niya."

Pagkakuha niya ng bag agad niya kong hinila papuntang parking lot. Wala akong nagawa kundi lingunin na lang si Alvin at mag sorry.

Mabilis kaming nakarating sa kotse niya at agad niya kong pinasakay.

Nakita ko sa muka ni Martin pagiging possessive niya kaya di na ko nagsalita.

Next chapter