webnovel

Mr. De Jesus 3

"Alam mo Michelle wala naman masyadong problema kaya lang kasi minsan nagloloko yung system parang pag pumasok ako sa isang room di niya narerecognize yung card ko tapos minsan naman di na la-log yung mga pagpasok at paglabas ng mga tao. Ano kaya problema nun?"

"Check ko na lang po para maka sigurado!" Sagot ko naman sa kanya.

"Mabuti pa nga check mo!"

"Punta na po ako sa IT room." Pagpapaalam ko.

"Sige punta ka muna dun para magawa mo yung trabaho mo kahit gusto ko mang samahan ka dun para lagi mo kong makita di pwedi eh may meeting pa kasi ako pero wag kang mag-alala pagkatapos ng meeting ko pupuntahan kita kagad." Hanggang tengang ngiti niya sa akin.

"Sige po!" Tangin nasabi ko at mabilis na kong lumakad papalayo sa kanya.

Pagdating ko sa IT room andun yung isa niyang maintenance nagpa-assist na lang ako para makita kung anong problema nung system. Halos inabot din ako ng dalang oras sa pag check ng mga pintuan pero wala akong makitang problema sa system.

"Wala namang problema Sir?" Sabi ko sa tao niya na tumutulong sa akin.

"Yun nga rin sabi ko kay Boss kaya lang mapilit may problema daw."

Napa-iling na lang ako sa narinig ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko para tawagan si Boss Helen para sabihin sa kanya yung problema. Problema sa may-ari at hindi sa system pero bago ko pa ma-dial yung number ni Boss dumating na si Mr. De Jesus.

"Anong problema Michelle?" Tanong niya sa akin habang sinenyasan niya yung tao niya na lumabas muna saglit kaya iniwan niya kaming dalawa. Dahil dun naging vigilant ako even do sa tingin ko naman di gagawa ng kagaguhan s Mr. De Jesus sa sarili niyang hotel pero sympre mahirap ng magpakampante lalo pa nga mukang may sayad siya sa utak.

"Nakita na namin Sir nagkakaroon lang ng fault pero naayos ko na po!" Pagsisinungaling ko para di niya isiping na siya ang problema.

"Buti naman kung ganun kasi nag-aalala talaga ako kapag nasisira yung system namin. Alam mo na I'm a business man kaya dapat laging may income."

"Alam ko po kaya nga kapag tumawag kayo na need niyo ng support pumupunta po kaagad kami para alam niyo na priority po namin yung business niyo." Yan ang motto ng company namin kaya kahit puro lang kasinungalingan yung reklamo nito pumupunta parin kami.

"Mabuti naman kung ganun!" Tumatango-tango pa siya habang sumasang-ayon sa akin.

"Dahil okey na Sir mauuna na po ako!" Pag-papaalam ko habang nag-uumpisa na kong magligpit ng mga gamit ko.

"Michelle!" Tawag niya sa pangalan ko habang lumalapit sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko naman habang lumalayo ako sa kanya.

"Alam ko naman gustong-gusto mo ako kaya kahit walang problema sa system ko ay pumupunta ka parin dito sa akin. Sabi ko nga sayo willing akong tanggapin yung pag-ibig mo!" Sabi niya sa akin habang tinangka pa niyang hawakan ako sa balikat agad ko iyong iniwasan.

"Pasensya ka na Mr. De Jesus pero wala po akong pagtingin sa inyo may boyfriend na po ako!" Paliwanag ko sakanya pinipilit kong maging normal ang pananalita ko kahit pa grabe na yung kaba ng dibdib ko. Di ko akalaing iisipin niyang gustong gusto kong pumunta sa lugar niya.

"Sabi ko naman sayo Michelle tatangapin na kita kaya wag ka ng magsinungaling."

Napaka creepy na ng itsura ni Mr. De Jesus kaya unti-unti na kong umaatras papunta sa pintuan para kung sakali ay makakatakas ako kagad.

"Michelle....!" Dahan-dahan niyang tawag sa pangalan ko na talagang nagdala ng kilabot sa akin. Patakbo na sana ako sa ako sa may pinto ng mahawakan niya ko sa kamay.

"Bitawan mo ko!" Mabilis kong sigaw habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya.

Pero sadyang napaka higpit ng hawak niya sakin.

"Wag ka ng magpakipot buti nga nagustuhan pa kita eh!" Sambit niya sa akin habang hinihila ako papalapit sa kanya nung halos mahihila na niya ako agad ko siyang sinampal kasi nilalapit narin niya yung muka niya parang gusto niya akong halikan.

Dahil sa pagkakasampal ko para siyang natigilan kaya mabilis akong nakawala sa kanya kaya agad akong tumakbo papunta sa pinto pero bago ko pa mahawakan yung door knob ay nahawakan na niya yung buhok ko.

"Ahhhhh....!" Sigaw ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin habang namumula yung mga mata niya para siyang may sore eyes na di mo malaman. Kinaladkad niya ko papalayo sa pintuan at itinulak ako sa may office table kung saan naka patong yung server nila.

Humampas yung likod ko sa gilid ng lamesa kaya napa upo ako dahil sa sakit. Habang namimilipit ako sa sakit lumalapit sakin si Mr. De Jesus habang tinatanggal yung butones ng suot niyang polo.

Unti-unti siyang naghuhubad ng damit doon pumasok sa isip ko yung gusto niyang mangyari kaya nag-isip ako ng paraan paano makatakas.

Nung tuluyang niyang maalis yung damit niya lumantad sa akin yung malaki niyang tiyan na talagan naman nakaka suka para talaga siyang buda ang problema ko lang kasi is napakalaki niyan tao nasa six footer yata ang taas niya kaya di ko siya kayang patumbahin kung makikipag buno ako sakanya. Agad akong nag-iisip kung anong magandang solusyon, nagpalinga-linga ako sa paligid baka sakaling maka kita ako ng bagay na pwedi ipuk-pok sa ulo niya or anything na pwedi para masaktan siya. Pero maliban sa office chair, server and table wala ng ibang gamit. Shit napamura ako kasi may screw driver kasi ako sa bag pero nailigpit ko na yun wala na kong time para kalkalin yun sa bag ko.

Bwisit muli kong usal ng makita kong nagtatanggal na siya ng sinturon ng kanyang pantalon.

Isip Michelle isip sabi ko sa sarili ko kailangan gumana yung utak ko.

Nasa first floor yung IT room sa bandang sulok kung saan wala masyadong taong pumupunta maliban na lang kung talagang pupuntahan mo so kahit sumigaw ako malabong may makaka rinig sakin kaya need kong mag isip kung paano makaka takbo papuntang lobby.

Bago pa ko maka hanap ng solusyon ay hinablot na uli ako ni Mr. De Jesus at pinatayo sa may lamesa kung saan inipit niya ako dun. Naka boxer shorts na lang siya.

"Tama yan wag ka ng magpakipot!" Bulong niya sa akin.

Next chapter